Sweet

69 2 0
                                    

Nagising si sapphire sa mumunting halik na dumadampi sa pisngi niya, ng imulat niya ang kanyang mga mata ay nasilayan niya si sky na nakangiti sa kanya.

"Good Morning Mommy!"

At niyakap sya ng sobrang higpit nito kasabay ng pagpasok ni Harold na may dala dalang tray na may pagkain.

"Good Morning Honey .. Breakfast in bed"

Nakangiting bati sa kanya ni harold. Halos tumalon sya sa pagkakahiga sa sobrang kilig. Habang kumakain sya ay tinititigan sya ni Harold kaya nakaramdam sya ng pagkailang.

"Hmm .. Ku-kumain na ba kayo?"

Nahihiyang tanong niya habang pinamumulahan sya ng pisngi.

"Yeah.."

Nakangiti pa din ito.

"Pagkatapos mo kumain papasyal tayo ha."

Masiglang anyaya nito sa kanya na syang nagpa awang ng bibig niya.

"H-ha?"

Hindi makapaniwalang tanong ni sapphire.

"Yes .. Mamasyal tayo kasama si sky"

Lalung tumitig ito sa kanya..

"Di-diba ma-may pasok ka kahit saturday?"

Nauutal na tanong nito sa kanya.

" hindi ako papasok gusto kong makasama ka .. Kayo ng buong araw"

Seryosong sagot ni harold sa kanya.

"O-ok"

At tinapos na ni sapphire ang pagkain niya.

Nakabihis na si sapphire at sky ng pababa na si harold .. Hindi maiwasan ni sapphire ang titigan habang pababa ng hagdan si harold napakagwapo nito halos perpekto ang mukha nito ang kabuuan nito. Natigil ang paninitig niya ng nagsalita ito nasaharapan na pala niya si Harold.

"Honey.. Sobrang gwapo ko ba?"

Natatawang tanong ni harold ng mapansing tulala si sapphire sa kanya. Pinamulahan ng pisngi sa sapphire at nag iwas ng tingin.

Habang nasasakyan sila inabala nanaman niya ang mga mata niya sa labas dahil ilang na ilang sya kay harold.

"Your very beautiful honey"

Seryosong usal nito sa kanya.

"Tha-thankyou"

Pulang pula na si sapphire kung pwedi lang syang lamunin ng inuupuan niya ay kanina pa sya naglaho sa sobrang kilig.

"How about me daddy?"

Singit ni sky.

"Oo naman baby! Your beautiful than me"

Natatawang sagot ni sapphire.

Nakarating na sila sa isang mall kung saan sila mamasyal una ay kumain muna sila sa restaurant at pumunta sa isang toy store para bilhan si sky ng mga bagong laruan.

Naalala ni sapphire ang lugar na ito kung saan kasama niya sila thery at francine ng makita niya si harold dito na namimili ng mga stuff toys, ng nakapili na si sky ng doll na gusto niya magbabayad na sila sa cashier hindi maiwasan ni Sapphire mairita dahil nagpapakyut ang kahera kay harold.

"Uhmm sir! Wala na po ba kayong idadagdag"

Pagpapacute ng kahera kay harold sa asar niya ay sya na ang sumagot.

"Wala na! Obvious ba?"

Nakataas kilay niyang sagot. Umismid ang kahera sa kanya at napansin niyang nagpipigil ng tawa si harold.

"You jealous.. I like it"

Ngiting ngiti na uyam ni harold sa kanya.

"No!"

Namumulang pagtanggi niya.

Pauwi na sana sila ng maisipan ni sky magpicture.

"Mommy! Daddy! Dun tayo please!"

Sabay turo ni sky sa isang photo booth.

"Alright baby!"

Pagsangayon ni harold.

Ng nasa photobooth na sila magkatabi si harold at sapphire habang nasa gitna nila si sky.. Yung unang shot ay nakaakbay si harold kay sapphire habang si sky ay simpleng nakasmile lang. Yung sumunod na shot ay hinila ni harold ang baba ni sapphire at hinalikan ang mga labi niya habang si sky ay nakawacky face nakunwaring nagulat hugis o ang bibig at yung dalawang palad niya ay nasa magkabilang pisngi niya. Nagulat si sapphire at pinilit kalmahin ang sistema niya yung huling shot naman ay nakahalik si sapphire sa kaliwang pisngi ni sky at sa kanan naman ay si harold. Lumabas na ang picture nila at tuwang tuwa sila lalu na si sky sa picture.

Pagkatapos nila magshopping at kumain nagpasya na silang umuwi.

Ng nakauwi na sila ..

"Yaya pakibihisan po si sky .. Patulugin niyo na din po na pagod po kasi"

Habilin ni harold sa katulong.

"Good night daddy! And mommy!"

Pamamaalam ni sky sa kanila.

Naunang umakyat si sapphire habang nakasunod si harold sa likod niya.

"Are you happy?"

Nanunuyong tanong ni harold sa kanya. Pagharap niya dito ay titig na titig ito sa kanya.

"Uhmm.. O-o n-aman"

Namumulang sagot niya dito. Konting distansya nalang ang layo nila ng hapitin sya nito sa kanyang bewang at siilin ng banayad na halik, pinikit niya ang kanyang mga mata at dinako niya ang kanyang mga kamay sa batok ni harold.

I borrowed the life of my sisterWhere stories live. Discover now