Sadness

62 2 0
                                    

Dalawang taon na ang nakalipas ngunit hindi pa din sumusuko si Sapphire sa paghahanap kay Harold. Naniniwala syang buhay ito at nakaligtas sapagkat wala namang nakuhang katawan sa sasakyan na sumabog. Nagpasya din si Sapphire na ibigay muna si Sky sa mga magulang niya sa ibang bansa upang sumaya ito, at doon muna magaral upang makalimot at maibalik ang dating sigla nito dahil malaking trauma ang nangyari kay sky simula ng mawala ang Daddy Harold niya. Ang mommy naman ni Harold ay may sakit din dahil di niya matanggap ang mangyari sa kaisa isa niyang anak, mag isa si Sapphire ngayon sa bahay nila ni Harold at nagiisip kung saan niya pa maaring hanapin si Harold nagpasya syang magbakasyon sa malayo upang magliwaliw, habang nagmamaneho sya papunta sa paroroonan hindi niya padin maiwasan ang paglinga linga sa daanan nabaka sakaling makita niya si Harold. Ngunit bigo siya ng makarating na sya sa lugar ng isang sikat na hotel hindi niya maiwasan mamangha sa magagandang pasilyo na meron ang lugar na iyon. Nakaupo sya sa lobby ng may pumasok natuon ang attention niya sa lalaking binati ng mga tao sa loob.


"Good Morning po Sir Ezekiel!"

..bati ng mga tao ng dumako ang paningin nito sa kanya doon niya na pag tantong si Harold ito.. Nagmamadali syang salubungin si harold sa sobrang saya na nakita niya ito..niyakap niya ito ng mahigpit.

"Harold! I mis you so much!"


Hagulgol ni Sapphire ng hindi na niya mapigil ang damdamin ngunit nagtaka sya dahil marahas nitong tinanggal ang mga kamay niyang nakapulupot dito at itinulak sya ng bahagya.


"Who are you! I'm Ezekiel De Silva!"

Galit na galit na sabi nito sa kanya. Na syang nagpagulat sa kanya.

"Harold please! I'm Sapphire! ..hindi mo ba ko nakikilala!! Fiance mo ko! Please bumalik ka na!"

Pagmamakaawa nito pero nagalit ito sa kanya.

"Wala akong kilalang Sapphire and please lumayo ka na sakin! Dahil hindi ikaw ang fiance ko"


Hindi na napigil ni Sapphire ang sarili sa sobrang sakit ng sinabi nito at sinampal niya ito.


pak!


Nagulat ito ang mga tao maging ang mga gwardia sa ginawa niya kaya kinaladkad sya ng mga gwardia palabas ng hotel. Napaupo sya sa labas at doon umiyak ng umiyak.

"Anong nangyari Harold bakit hindi mo ko makilala!"


Sigaw niya sa kawalan..nagulat nalamang sya ng may tumabi na sa kanya at nagaabot ng panyo.

"L-lance!"

Gulat na sambit nito.


"Its a small world, hindi ko ineexpect na magkikita tayo muli at nakikita nanaman kitang umiiyak"


Sabi nito na nakatingin lang din sa kawalan. Hindi na niya napigil umiyak at yumakap dito.

"Lance! Ang sakit ang sakit sakit bakit hindi niya ko kilala!"

Hikbi ni Sapphire.


"Shhh.. I know , kung gaano kasakit nauunawaan ko.. It takes more time Sapphire dont worry hindi kita iiwan"

Bulong nito sa kanya. Nagpunta sila ni lance sa kabilang hotel kung saan sya na ka check in at kumuha na din sya ng sariling kwarto.. Dumako sila ni lance sa dagat at doon nagusap.


" Ano nga pa lang ginagawa mo dito?"

Tanong nito kay lance ng kumalma na sya.

"Nagbabaksyon and hindi ko inaasahang makikia kita dito"

Simpleng sagot nito sa kanya.


"Hindi ko alam sapphire kung anong nangyari pero handa akong tulungan ka"

Seryosong sambit pa nito.

"Paano?"

Takang tanong ni Sapphire.

"Kuhain mo ang loob niya.. Pumasok kang empleyado ng hotel para makuha ang loob nya, para maalala ka niya, dahil kung ipipilit mong fiance ka niya lalayo sya dahil di ka niya matandaan isa pa mahirap ka laban ang mga taong kumopkop sa kanya"


Mahabang pagpapayo ni Lance.

"Kaya ko silang bayaran lance, bumalik lang si Harold"

"Oo Sapphire pero maimpluwensya ang pamilya nila"


"Paano mo ito nalaman lance?"


Takang tanong padin ni Sapphire.


"Isang taon na ko naninirahan dito I mean bakasyon simula ng malaman kong ikakasal ka na..akala ko hindi sya si Harold dahil nga alam ko magkasama kayo nagulat na lamang ako ng nasaksihan ko ang nang yari kanina ..na sya pala si Harold"

Paliwanag ni Lance.

Nagisip si Sapphire at tinambang ang bawat sitwasyon at ang pinapayo ni lance kaya nakapagpasya na si Sapphire sa plano nila ni Lance.

I borrowed the life of my sisterWaar verhalen tot leven komen. Ontdek het nu