Tears in Wedding

71 2 0
                                    

Dumating na ang araw na pinakahihintay ni Sapphire at Harold, ang pinakamahalagang araw sa buhay nila. Masayang masaya si Sapphire habang inaayusan sya.

"anak masayang masaya ako para sayo"

..malumanay na bati sa kanya ng mommy niya.

"Ako din mom, sobrang maligaya ako"

Naluluhang sambit ni Sapphire sa labis na kaligayahan.


"Oh! Masisira ang make up!"


Biglang singit ni Thery kay Sapphire. Nagulat sya sa pagdating ng kanyang mga matatalik na kaibigan.

"Thery! Francine! ..namis ko kayo!!!"

..mabilis niyang niyakap ng mahigpit ang mga kaibigan niya.


"Mom! Dad! Pwedi ko po ba makita si Harold sa kabilang silid?"

..baling niya sa mga magulang.

"Hy naku friend Sap!! Hindi pweding makita ang groom hindi matutuloy ang kasal, tiis ka muna magkikita din kayo mamaya!"


..natatawang asar ni Francine. Laking gulat na lamang nila ng biglang bumukas ang pinto tumambad sa kanila ang sobrang kisig at gwapong si Harold dumako ang paningin nya kay Sapphire at tila natutulala. Natatawa ang mga kasama ni Sapphire sa naging reaksyon ni Harold.

"Your so beautiful honey"


..sambit ni Harold habang hinahaplos ang mga pisngi ni Sapphire. Hindi naman maiwasan ni Sapphire na pamulahan ng pisngi.


"Lalu na kapag nag blublush ka, I love you so much Sapphire Villafuerte"

At mabilis nyang hinalikan si Sapphire sa labi nito.

"Ano bayan excited di makapagantay!!"


Banat ni Thery at napuno ng tawanan ang buong silid na iyon.

Nakasakay na sa sasakyan si Sapphire patungo sa simbahan hindi niya alam ang rason ng pagbabago ng pakiramdam niya, sobrang kabado na parang may hindi magandang mangyayari kasama niya sa sasakyan ang daddy niya.


"Anak, relax lang malapit na tayo"

Halatang pilit ang ngiti na isinukli ni Sapphire sa Daddy niya.


Nang dumating na sila sa lugar ay agad niyang hinanap si Harold

lumipas ang ..


..tatlumpong minuto..


..apatnapung minuto..


..limangpung minuto..


..isang oras..,

ngunit wala pa din ito dito .. Nagsimula ng tumulo ang mga luha niya, namataan niya ang driver ni Harold na nagmamadaling lumapit sa kinaroonan nila na syang nagpakaba lalu sa kanya.


"Ma'am!"


Hingal na hingal ito..hindi na niya mapigilan ang sarili.


"Asan si Harold! Asan!"

Iyak ni Sapphire.

"Ma'am nabunggo po kami ni Sir nawalan po ng preno ang sasakyan namin kanina humingi po ako ng tulong dahil hindi po sya makaalis sa upuan dahil sa seatbelt pagbalik ko po.."

..naiiyak na din ang driver..

"Ano!"

Niyugyog sya ni Sapphire habang umiiyak.


"Sumabog po yung sasakyan Ma'am"

Malungkot na sabi nito. Na syang nagpaupo kay Sapphire sa sahig at nagpaiyak ng husto.

I borrowed the life of my sisterWhere stories live. Discover now