Unexpected

106 3 0
                                    

warning: SPG . ^__<

pag katapos ng kahapon ay nakapagpasya na si sapphire na aayusin ang lahat ..tutal ay wala na si cielo na banta sa buhay niya kaya kaylangan na niyang mapaniwala si Harold na sya si sapphire.

Kahapon pa sila hindi nag iimikan ni Harold kaya kaylangan na niyang tapusin ang katahimikang iyon. ipinadala niya muna si sky sa mommy at daddy niya upang makabwelo sya sa pagtatapat niya kay Harold. nagpasya syang puntahan si Harold sa opisina at hindi na niya inisip ang anumang sasabihin ng mga tao pagkatapos ng bangayan nila ni Diane .

nakarating na si sapphire sa pintuan ng opisina ni Harold kakatok na sya ng mapansin niyang lahat ng pares ng mga mata ay nakatuon sa kanya binaliwala niya ito at ipinagpatuloy niya ang kanyang binabalak.


tok! tok!


"come in"

sabi ni Harold mula sa loob.

pinihit niya ang door knob at naabutan niyang pumipirma ng mga papeles si Harold ni hindi manlang ito lumingon sa kanya.


"can we talk?"

pakiusap niya.

"I'm busy.."

mahinang sagot ni Harold.


" then stop it!"

asar na sumbat ni sapphire.

tumigil sa pagpirma si Harold at matalim ang tingin na ipinukol sa direksyon niya. tumayo ito at dahan dahang lumapit sa kinaroroonan niya ..


"what do you want pearl?"

pabulong na sambit ni Harold na halos konting distansya nalang ay mahahalikan na sya nito.. napaatras sya at napasandal sa pader habang ang mga kamay ni Harold ay nakadako sa pader upang makulong sya .


"ka-kaylangan natin magusap"


nauutal na sabi ni sapphire .. naramdaman niya ang mainit at mabangong hininga nito..tinignan niya ang maganda at mapupulang kurba ng labi nito dumako sa matangos na ilong at napako ang  titig nya sa kulay brown na mga mata nito na para bang balon sa sobrang lalim..

pumikit ito sandali at dumilat saka tumalikod sa kanya ...


" I'm not in the mood pearl ..umuwi kana please .."

I borrowed the life of my sisterWhere stories live. Discover now