CHAPTER 8

23 2 6
                                    

Chapter 8

Napatingin naman ako kay Janina, nakaganito siya oh =_____________=. Haha. In fairness kahit nakaganyan siya ang cute niya pa rin. Haha. Hala. Ang gayish masyado.

“Wanna join us?” tanong ni Lyn na naka-puppy eyes. Please, umepekto ka

“Hello guys! I want to join to your group!” sabay cling sa akin “Can I?” with matching puppy eyes

“Of course Michelle.” sabi ni Justin “Eh ikaw Janina?” tanong naman niya kay Janina

Please, pumayag ka.

“Oo nga Janina. Join ka na sa amin? Please?” pumayag ka na sa request ni Lyn

“Wag na Lyn. Okay lang ako.” sabi niya na naka-ngiti pa rin

Mamaya, babatukan ko ‘tong Justin na ‘to.

“Aaaaayyyy. Sayang naman. Sige pupunta na kami sa classroom.” sabi ni Michelle

Tapos umalis na kami. Nanag makalabas na kami ng gym, binatukan ko agad si Justin.

“Aray naman pare!” sabay himas sa batok niya

“Bakit yun ang sinabi mo kay Janina, huh?!”

“Bakit pre? Ano ang sinabi ni Justin kay Janina kanina?” wala kasi nun si Jerry nung pinuntahan namin si Janina

“Loko loko kasi kanina. Nakalimutan kasing isama si Janina sa group natin nung nagtanong si Lyn sakanya.” sagot ko tapos tumango naman si Lyn

Binatukan naman ni Jerry si Justin.

“Aray ko naman pare!” hinimas niya ulit yung batok niya

“Pare naman. Diba sabi ko sayo isama natin si Janina sa grupo!?” inis na sabi ni Jerry

“Sorry mga pre. Na-mesmerize lang ako kanina sa girlfie ko.” sabay tingin kay Lyn

Binatukan naman ni Lyn si Justin “Eeeeewwww ka. Girlfie ka diyan.”

“Pangatlo ka.” reklamo ni Justin

“Hehe. Sorry boyfie.” at nag-peace sign si Lyn

“Tingnan mo tuloy Justin. Hindi tuloy magiging close si Janina at si Jester.” sabi naman ni Michelle

“Ay wait. Naguguluhan ako. Close kay Jester, what do you mean?” tapos sinabi na ni Michelle yung totoo “Ay. Yun pala yun. Hehe. Sorry kanina. Akala ko kasi nililigawan mo Jester si Michelle.”

“Okay lang yun Lyn.”

“Nililigawan mo pala Jerry si Michelle. Sorry talaga.” sabi naman niya kay Jerry

“Ano ka ba Lyn, okay lang yun noh.” pagsisiguro ni Michelle sakanya

“Lyn, wag mong sasabihin sakanya.”

“Secret is a secret. Pero ikaw ah, malihim kayong dalawa ni Janina. Yiiiieee. Match na match.” alam kong may pagka-mysterious type si Janina. Pero, bakit nga ba

“Bakit nga pala may pagka-mysterious type si Janina?” tanong ni Justin

“Ganito kasi yun. Kaya siya naging ganun kasi…” tapos sinabi na niya yung kwinento sakanya ni Janina

“Aaaaaaahhhhh. Kaya naman pala.” sinisisi niya pala yung sarili niya kung bakit namatay yung kaibigan niya

Ang bait niya talaga.

She can make my heart fall for her really hard.

She’s really one of a kind.

Kaya sinasabi ko na ngayon sa sarili ko…

I’ll never let you go, Janina.

***

Friday na ngayon. Kinakabahan na kaming lahat for our presentation ngayon. Ang napili naming i-present is dancing. Karamihan kasi sa amin passion ang dancing.

May nag-present ng singing, dancing, acting, painting etc. Ang hindi ko alam ay yung kay Janina.

Matanong nga “Uy Lyn.”

Napatingin naman siya “Bakit?”

“Tanong ko lang kung ano ang i-pepresent ni….” hindi ko pa natatapos yung pagtatanong ko ng sumagot agad siya

“Ni Janina. Hindi ko alam eh.” alam na talaga

“Yung mga ka-group niya?”

“Hindi ko kilala kung sino yung mga ka-group niya. Nung tinanong ko nga kung sino yung mga ka-group niya at ano ang i-pepresent nila, sabi  niya, secret. Bumalik na naman siya sa pagiging mysterious niya.”

“Ah. Okay. Thanks.” tumango na lang siya

Excited na akong mag-perform si Janina.

Siguro sila ang last na mag-peperform. Ang much awaited ay dumating na.

“Our last performer is composed of Janina, Yuri, Hana, Mina, Yoona, Ara, Lian, Sunny and Miyoung.” sabi nung EMCEE

Nung paakyat na sila sa stage naghiyawan lahat ng mga tao. So ang kasama pala niya ay yung mga friends niya na half Korean.

Lahat sila magaganda.

Pero ang focus ko na kay Janina lang.

Tapos nagsalita si Yoona “Annyeong haseyo, dahil siyam at lahat po kami ay half Koreans ang naisip po naming i-perform sainyo ngayon ay yung 2 greatest hit songs of Girls Generation. Hope you like it guys.”

Kilala ko lahat ng mga friends niya dito sa school. Parang stalker lang eh noh?

Tapos ayun nagsimula ng yung music nila. KPOP.

Ang unang kumanta si Janina. Hindi ko akalain na marunong pala siyang kumanta. WOW. Wala akong masabi.

Kumakanta at sumasayaw sila. Nagkekwentuhan kami tungkol kay Janina.

RICK: Hanep pare. Akalain mo yun. Marunong kumanta ang ‘soon-to-be-girlfriend’ mo.

MICHELLE: And Girls Generation pa ang prinesent nila. Galing.

LYN: Best friend ko yan eh.

Sa pagsayaw at pagkanta nila maraming tao ang napapasigaw. Kuhang kuha talaga nila yung steps at yung rhythm.

Pagkatapos nung Genie ay Gee na ang sumunod. Pagkatapos ng performance nila pupunta na ako ng backstage para gumawa ng ‘da moves.’

“Aayieeeeeeeeee…. I-kocongratulate niya!” tukso ni Lyn

“Samahan niyo na lang ako.”

“Wag na. Ikaw na ang gumawa ng ‘da moves’ mo!” sabi ni Justin

Kaya pumunta na lang ako ng mag-isa. Pagakarating ko dun, hindi ko na siya nakita pati na rin yung mga friends niya.

Wishing on a StarWhere stories live. Discover now