CHAPTER 2

28 0 0
                                    

Chapter 2

Another day for me

Nandito na ako ngayon sa loob ng classroom namin. Nagbabasa ng libro. Parang advance reading lang. Hindi na ako tumitingin kung sino ang pumapasok ng classroom.

“Busy?” tumingin naman ako sa katabi ko

“Busy sa pag-aaral.” sabi ko

“Alam ko naman na busy ka sa pag-aaral.” sabi niya. Alam ko na kung bakit niya sinabi sa akin yun dahil meron siyang sasabihin

“Oo na. Titigil na sa pagbabasa.” and I close my Physics book

“May sasabihin ako sayo.”

Ano naman kaya ang sasabihin niya?

“Ano yun, Lyn?”

“Lumapit ka. Ibubulong ko sayo.” nilapit ko naman yung tenga ko at ibinulong na niya yung sasabihin niya

“Weh?”

“Oo nga.”

“Maniwala ako. Dapat sa falling star hindi sa one star.”   =________=

“Pwede rin kaya sa one star.”

“Psh. Maniwala ako sayo. Sino ba nagsabi sayo niyan ha?”

“Sa internet.”  XD

“Maniwala ako sayo.”

“Paulit ulit? Unli unli?”

“Psh. Okay. Payn. Ikaw na ang winner.”

“Try mo. Wala naman mawawala eh.”

“Nag-wish ka rin ba na mahalin ka rin ni Justin?”

“Of course. Humiling ako.”

“Na mahalin ka niya?”

“Alam mo paulit ulit ka? Oi pero remember gawin mo yun ah.”

“Sige. I’ll try.” sabi ko

“Good.” sabay pat sa ulo ko. Parang ginawa akong aso   =_________=

Nothing happens today. Normal day lang.

***

Nasa kwarto na ako ngayon. Hinihintay na may lumabas na one star. Yun kasi ang sabi sa akin ni Lyn kanina…..

~ Flashback ~

“May sasabihin ako sayo.”

Ano naman kaya ang sasabihin niya?

“Ano yun, Lyn?”

“Lumapit ka. Ibubulong ko sayo.” nilapit ko naman yung tenga ko “Mamayang gabi, kapag meron kang nakita na one star sa langit mag-wish ka at matutupad ang wish mo.” yan yung sabi niya sa akin

~ End of Flashback ~

Kaya heto ako ngayon naghihintay na makita ang one star sa langit.

Wala namang masamang mag-try diba at humiling?

Malay mo effective.

Sabi nga nila there’s no harm in trying. Effective naman diba nung nag-wish siya na mahalin rin siya ni Justin. Matagal na siyang nililigawan ni Justin. I think last month pa. Ang swerte nga ni Lyn ngayon eh. Mabuti pa siya. Ako kaya kelan? TT__________TT

Ang tagal naman.

Ah yun! Nakita ko na ang one star. Kumikinang siya. Agad agad?  -_______-

Humiling na ako.

Sana mahalin rin ako ni Jester gaya ng pagmamahal ko sakanya. Maghihintay ako hanggang sa wala pa siyang nililigawan at pagdating na rin ng graduation namin.

Alam kong malabong mangyari ang hinihiling ko. Pero maghihintay ako hanggang sa maramdaman niya kung ano nararamdaman ko para sakanya (na malabo talaga mangyari sa katotohanan).

Next morning…

Late na ako nagising dahil nagbasa pa ako or let’s say nag-review pa ako dahil meron kaming quiz sa Math.

Mabuti na lang 10 minutes before the bell nakarating na ako sa school. Pagkarating ko sa classroom sumalubong agad sa akin si Lyn.

“Ano nag-wish ka na?” pambungad niyang tanong sa akin

“Oo.” matipid kong sagot

“Maghintay ka lang. Matutupad rin ang wish mo.” sabi niya sa akin “Ano nga pala winish mo?” tanong niya

“Secret.” syempre akin lang yun noh. Bakit yung sakanya sinabi ba niya? Hindi nga eh

“Sino nga pala hiniling mo na mahalin ka rin niya?”

“Secret.”

“Aish! Ang daya mo talaga! Mysterious ka talaga.”

“Matagal mo na sinabi yan.” hindi na niya ako pinansin at nakipagdaldalan sa iba kong classmates

Dumating na ang Physics teacher namin. Discuss and activity lang ang pinagawa sa amin.

“Nakapag-review ka?” tumingin ako sa katabi ko

“Oo. Kagabi.” sagot ko

“Mabuti ka pa.” nag-pout pa ang loka

“Huh? Bakit naman?”

“Kaunti lang naiintindihan ko eh.”

“Hindi ka kasi nakikinig.” minsan lang kasi ‘to makinig lalo na sa Math. Kapag okay ang lesson at interesting, nakikinig yan pero pag masyadong boring, natutulog na yan. Mabuti na lang hindi siya napapagalitan ng Math teacher namin

“Ang boring kasi. Logarithm kasi ang lesson.” diba? Sabi ko sainyo eh

Mabuti na lang ang grades niya is 80 or 82 walang flying colors.

Dumating na ang Math techer namin. Strict ang Math teacher namin. Sabi nga niya sa amin ‘Don’t cheat. Cheaters go to hell.’  XD

Tapos ang arrangement ng chairs namin is one meter apart. Kaya hindi ka makakakopya ng answer sa katabi mo.

After 30 minutes or less pinass na namin yung mga papers namin.

“Class, you’ll see your score tomorrow. And I hope that all of you will get a high score.” sabi ng Math teacher namin

“Hindi nga eh.” bulong na sabi ni Lyn na nag-aayos ng gamit niya

 “Goodbye class.”

“Goodbye Ma’am.” we said in unison

“Nasagutan mo lahat?” tanong niya ng makarating kami sa canteen

“Oo. Bakit ikaw?”

“Hindi eh.”

 --------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

sorry po kung masyadong pangit yung chapter na ito. kasi kung anong mag-pop out sa mind ko yun po ang tinatype ko.

Sorry po.

Wishing on a StarWhere stories live. Discover now