🔞: Shiptheexo

6.2K 73 44
                                    

KAISOO

➖➖➖➖➖➖➖➖➖➖

"What the fuck are we doing here?" Sabi ni Kai pagkababa na pagkababa nila ng sasakyan.

Dahil buong akala niya magnanight club silang magbabarkada.

Siniko naman ni Kyungsoo si Baekhyun sa gilid niya.

"Pag ako napahamak dit----" di na niya natapos yung sasabihin niya dahil nagsalita na agad si Baekhyun

"As if naman gagalawin ka ni Kai"

Umakbay si Sehun kay Kyungsoo at nagsimula na silang maglakad.

Hindi na lumingon ulit yung dalawa kaya hindi nila nakita ang pagkuyom ng kamao ni Kai.

Sumunod naman ang iba habang dala dala ang kanilang mga bagahe.

"Pinagpack ka na ni Tita, dude"

Sabi ni Chanyeol ng mapansin niyang nakabusangot pa rin yung mukha ni Kai.

"May problema ba?" Tanong ni Kris habang lumalapit kay Kai, Lay, Chanyeol at Baekhyun.

"Chanyeol, bitawan mo na yung kamay ko pupuntahan ko na si Kyungsoo baka reypin na yun ni Sehun!" Sabi ni Baekhyun na naging dahilan ng paglingon ni Kai sa kanya.

Nagulat naman si Baekhyun kaya tinakpan niya yung bibig niya gamit yung kamay niya na hawak hawak ni Chanyeol.

"Anong sabi mo?" Tanong ni Kai habang nakatingin kay Baekhyun ng diretso.

"Ah, wala joke lang yun. Kasi--- Kasi ano minsan pag nasa kwarto kami ni Sehun---"

"ANO?!"

"Manahimik ka nga Chanyeol, so ayun nga, pag andun kasi kami lagi silang nagkikilitian kaya baka umabot sa alam mo na. BAKA LANG NAMAN! BYE!"

Sabi ni Baekhyun, hinila niya yung kamay niya sa pagkakahawak ni Chanyeol at tumakbo na sa loob.

Napahinga naman ng malalim si Kai.

Kailangan ko siyang bantayan.

"Ano, dyan ka lang?"

Tanong ni Lay kay Kai, nagsimula na silang maglakad pero hindi sumusunod si Kai.

"Maya maya na ko papasok"

Sabi ni Kai at naglakad lakad muna.

Pagkadating ni Sehun at Kyungsoo sa villa nila ay inilapag na nila ang kanilang nga gamit.

"Se, sa tingin mo ba magagalit si Kai sakin pag nalaman niya na ako yung pumilit kay Tita na isama siya?" Sabi ni Kyungsoo at tinignan si Sehun.

Nag eexpect si Kyungsoo ng maayos na sagot dahil everytime na tinatanong niya si Sehun about kay Kai, sa feelings niya kay Kai, laging walang kwenta yung pinagsasasabi.

"Yes" sabi ni Sehun.

Kyungsoo heaved a sigh at tinignan si Sehun ng matalim.

"Bestfriend ba talaga kita?" Tanong ni Kyungsoo at tumango naman si Sehun habang nakangiti.

Umiling nalang siya ng umiling habang inaantay dumating yung iba.

Ang galing talagang magbigay ni Sehun ng not-so-encouraging words, irerecommend ko nga 'to sa mga broken hearted minsan.

Sabi ni Kyungsoo sa sarili niya at kasabay nun ang pagdating ng iba nilang kabarkada.

Nakita ni Kyungsoo na sabay pumasok si Sehun at Luhan sa Comfort Room, napailing naman siya.

EXO BS COLLECTION [EXO OTP]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon