#BabeSerye

3.6K 42 65
                                    


Title: #BabeSerye
Pairing: M and J
Genre: Failed Fluff (lol)

I dedicate this failed fluff and smut to my beloved ChanBaek Fam. Hope you like it, eventhough its kinda failed and lame. And everything lol.

-----

Napapangiti ako sa tuwing naaalala ko yung nakaraan. Yung nakaraan namin ni M na hindi ko makalimutan.

Ilang taon niya kong sinuyo noon. Ilang taon niyang pinagtiisan ang pagiging pabebe ko. Pero hindi niya ko sinukuan.

Noon, pinangarap kong maikasal sa kanya. Ang makasama siya habambuhay. Bumuo ng pamilya kasama siya. At lalong lalo na, gawin ang bagay na iyon sa kanya.

At ngayon, unti unti ng matutupad lahat.

Nakita ko siyang nakatingin sakin ng diretso. Napangiti ako ng kinindatan niya ko. Hindi ko lubos maisip na mahuhulog ako sa matatamis niyang salita sa akin.

"J, please, just-just give a chance"

"Alam mo, M, wala akong time sa love love na yan. Nag-aaral pa tayo. Masyado pa tayong bata."

"Bata? Damn, J! I already told you. We're both in college. Alam na natin ang tama at mali. Sabihin mo nalang sakin kung ayaw mo sakin. Dahil bibitawan kita, kung ayaw mo talaga."

Nung sinabi niya sakin yun, nanlumo ako. Natakot ako na baka totohanin niya. Hindi sa ayaw ko sa kanya, ayoko siyang saktan. Ayokong saktan yung masayahin na M ng buhay ko.

Ayokong makarinig siya ng kung anu-ano sa paligid ng dahil sakin. Ayoko, dahil mas masasaktan ako.

"I already told you the same thing. Alam na natin ang tama at mali, pero bakit ako pa rin ang pinipili mo, M?"

Sasagot na sana siya nun pero pinigilan ko.

"Alam mong ang lalaki ay para sa babae, iyon ang tama. Pero bakit ako? Mali 'to, M. Maling mali."

Tatalikod na sana ako nun sa kanya dahil nasasaktan na ko, hindi ko maatim na sinasabi ko sa kanya yung mga bagay na yun. Hindi ko alam kung saan ako humugot ng lakas para kontrahin siya. Kontrahin yung matagal ko ng pinapangarap na pag-ibig niya.

Dahil mali 'to. Maling mali.

"I chose you because I love you. I chose you because you mean a lot to me. I chose you because you're J. I chose you because my heart belongs to you."

After that, we became really close. Yung ihahatid niya ko pauwi. Sabay kaming maglalunch, may mga times na sinusundo niya ko sa bahay. And when I ask him why he did those things to me, he answered;

"You deserve to treat like that. You're my princess, after all."

At yung gabi na yun, yun yung unang beses niyang hinawakan yung kamay ko.

Hindi ko napansin na tumigil pala ako sa paglalakad sa altar. Nabalik lang ako sa realidad ng makita ko si M sa tapat ko habang hawak ang mukha ko gamit ang dalawa niyang kamay.

"W-Why did you stop?"

Nakita kong nagluluha na yung mga mata niya kaya nginitian ko siya.

"I love you, always, M"

Ngumiti siya habang kagat-kagat yung loob ng ibabang parte ng labi niya.

"Shall we?"

Tanong niya sakin habang nilalagay ang kamay ko sa braso niya.

He never failed to make me blush.

EXO BS COLLECTION [EXO OTP]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon