Chapter 17 - Proud (July 28, 2011)

Magsimula sa umpisa
                                    

"Pero balik tayo sa unang kwento. Anong napanaginipan mo sa kiss? Anong klaseng kiss?"

"Huh? Anong klase? Eh basta kiss. Malay ko ba sa panaginip ko. Wala naman definition 'dun."

"Wahaha. Boplaks."

"Hwag kang maingay!"

"Ano na nga, wala na bang ibang detalye?"

"Basta wala. Nag-kiss lang. Parang totoong-totoo pa nga eh."

Itinuloy ni Phoebe ang kwento dito hanggang sa aksidente ni Harley at sa pangyayari sa may harap ng clinic.

"Bongga! Dapat may kabedon din na naganap! May kulang sa drama niyo eh."

"Anong kabedon?"

"'Yung hahampasin dapat ni Kent 'yung pader, habang tinutulak ka niya."

"Huh?"

"Wala ka talagang alam Phoebe."

"Ba't niya kailangang hampasin 'yung pader?"

"Ewan ko sa'yo. Awit sa'yo Phoebe. Manood ka ng anime kase. Or kdrama." Natatatawang sabi ni Jhone. "So ano nangyari 'nung nandoon na kayo sa clinic?"

"Wala, pinalabas din ako ng nurse, hinanap ko si Kent sa paligid pero wala na siya." Sinapo niya ang puson. Ngayon na lang ulit bumalik ang sakit nito.

"Problema mo?" bulong ni Jhone.

"Sakit puson."

"Puso?"

"Puson!"

"Haha! Joke lang alam ko. Shonga mo rin eh 'no? Galing ka na ng clinic, 'di mo pa sinabi."

"Oo, pero wala naman itong sakit kanina eh, hindi naman ganito kasakit."

"Eh 'di mag-excuse ka lang."

"Sige mamaya na lang break."

Pero hindi pa tapos ang huling klase bago mag-break, 'di niya na talaga kinaya. Nag-excuse siya sa guro at mabagal na naglakad palabas.

***

Sabay na napatingin si Harley at Kent ng dumaan si Phoebe sa may classroom nila. Hindi pa ito nakakalayo ay tumunog na ang bell.

Nang makita ni Kent na mabilis na naglalakad si Harley papaunta kay Phoebe, sinundan niya ito. Binilisan niya maglakad. Inunahan niya si Harley sa harp nito.

"Excuse." Walang plano si Phoebe na makapagtalo ngayon. Para na talaga siyang manganganak sa pakiramdam niya.

Pero hindi nagsalita si Kent at humarang na naman sa dadaanan niya.

"Pupunta akong clinic."

"Wala na doon ang pupuntahan mo. Nakabalik na."

"Sino bang pupuntahan ko doon?" Maang na tanong ni Phoebe.

"Aba ikaw pupunta bakit ako tinatanong mo."

"Ikaw nanghaharang eh!" Angil ni Phobe. "Wait lang kasi. Ang sakit ng puson ko kasi!"

Doon niya naalala na masakit na nga pala kanina pang umaga ang puson nito.

"Sige. Halika na sa clinic."

"Huh? Kaya ko naman. Please gusto ko na umalis."

Wala na ring nagawa si Kent at bumalik sa room. Doon niya nakita ulit si Harley na nakangiti.

"What??"

"Nothing."

May sasabihin pa sana si Kent nang maalala ang gusto niya pang gawin kanina pang umaga. May kinuha siya sa bag at inilagay niya sa harap ni Harley.

"What's this?" tanong nito.

"I knew it. Binigay sa'yo ni Isabelle."

"Isabelle? Pauso ka."

"Bakit? Hindi ba't pangalan niya rin 'yun?"

Umupo si Kent sa kaharap na desk at bumulong.

"Alam kong alam mo na ang totoo. So please leave my wife alone Harley or else..."

"Or else what? It's as if you want your fans to know that." panunudyo ni Harley.

"I'm not ashamed of her, I'm just protecting her!"

"In what way are you protecting her?"

"May fiancé ka na din diba?"

"Oh, did I say that?

"You did!"

"Uhm maybe. Pero kung sakaling may fiance nga ako, I'll be proud of her. 'Di katulad mo."

"You don't know what you're saying!!"

"What I'm saying is... I like her."

"W-what? Sino?"

"Isabelle." Nakangising sabi ni Harley. "Sino pa ba pinag-uusapan natin dito?"

"What did you say?" Hindi nila namalayang nakabukas na ang pinto. Nakabalik na si Elisa sa classroom.

*later*

Secretly Married (Completed, 2011)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon