"Hmm, 'di ba Saturday ngayon?" pagpapacute ko. Tumaas ang isang kilay niya na parang nagsasabing 'e ano ngayon?'. "Wala lang. Namiss ko kasi ang Maynila. Baka pwedeng ibigay mo na sa akin ang araw na ito para makapamasyal."

"Hindi pwe-"

Pinutol ko kaagad siya. "Oopss! Don't worry, isasama ko si Venice. Okay lang ba?"

Mataman niya akong tinitigan. Ngumiti naman ako lalo para magpacute sa kanya. Say yes! Say yes! Dadaanan ko rin kasi si Emma para maibigay ang pasalubong niya.

Halos mapatili ako sa tuwa nang tumango siya't bumalik sa binabasa niyang dyaryo pero natigilan ako sa sumunod na sinabi niya.

". . . at kasama ako."

Ano 'to, family day?

***

I was frowning for the entire time na nagdadrive si Arthur papunta sa mall. Si Venice naman ay tuwang-tuwa pa sa tabi ko dito sa backseat. Jusme, siguro nga ay nakatali na ako kay Arthur. Kahit saan yata ako pumunta ay kasama siya.

"Where do you want to go exactly, babe?" tanong ni Arthur. Nilingon din ako ni Venice.

"Basta sa mall," sagot at hinaplos-haplos ang naka-pigtail na buhok ni Venice. "Gusto ko sanang ipag-shopping si Venice." Which is true dahil naisip ko na never pa kaming nagbonding na dalawa. At dahil namiss ko siya ay gusto ko siyang solohin, kaso bumubuntot pa si Boss babe. Tsk tsk.

"You'll go shopping?" usisa niya.

Kumunot ang noo ko. Whoa, on second thought, 'di ba ayaw na mga lalaki ang sumama sa pagshoshopping ng mga babae. Ganun kasi yung napansin ko kay Garrett noon. Usually, sumasama siya sa amin ni Sitti pero kapag napagod siya ay iiwan niya rin kami. Ngumisi ako sa sarili. Oh right! Papagurin ko si Arthur nang lubayan niya kami ni Venice ngayong araw.

"Yes, magshoshopping kaming dalawa ni Venice," I said with an evil smile. "Right, baby?"

"Yes, Mom!"

Sa M Mall kami dinala ni Arthur. Through out the time na magkakasama kami ay hawak lang naming dalawa ang kamay ni Venice. Ako sa kaliwa, at siya naman sa kanan. Nakakaparanoid din kasi ang dami ng tao. Hindi ko yun masisisi kasi sale ngayon ang mall.

Papasok na kami sa Department store nun nang pigilan ako ni Arthur. "Are you nuts? Dyan ka talaga magshoshopping? Bakit hindi nalang sa mga boutique sa fourth floor. Mas kaunti ang tao dun."

I can't help but to smile evily. It's working! "Kung ayaw mo sa crowded, kami nalang ni Venice ang tutuloy. I'll take care of her." Let me test your patience, boss babe.

"Tsk. Tara na nga," sabi niya at hinila na kami ni Venice papasok.

Dumiretso kami sa kid's section. Nakakatuwa lang kasi tumutulong din sa pagpili ng damit si Arthur para kay Venice. Pero ang hindi ko ikinakatuwa ay yung pagnakaw tingin sa kanya ng mga tao. Holy crap! Wala naman siyang ginagawang kakaiba pero kung tignan siya ng ibang tao ay parang isa siyang celebrity. Iba na talaga kapag malakas ang karisma. Nakukuha ang atensyon ng madla. . . effortlessly.

"How about this one, baby?" pinakita niya sa amin ang pink dress na may leggings sa ilalim. "Do you like it?"

Dumampot naman ako ng pink na dress na parang see-though sa bottom. "Ito kaya, baby? Ang ganda diba?"

Hinarang ni Arthur ang damit na napili niya sa napili ko. "This looks better than that, Alison. Magiging kumportable siya dito kaysa dyan. Mukhang pang-fairy."

Pinaningkitan ko siya ng mga mata. "Uso 'to. Para girl na girl siya."

"Dad, I'm choosing this one," sabi ni Venice habang nakaturo sa hawak kong damit. Ngiting tagumpay tuloy ako! Wahahaha. I got a great taste in fashion talaga.

Let's Talk About Us [Completed]Onde histórias criam vida. Descubra agora