"Ang nagustuhan ko sa kanya ang pagiging dedicated kung anuman ang ginagawa niya. Wala siyang sinasayang na oras kapag may kailangan siyang gawin. Minsan nakita ko siyang gabi ng umuwi dahil tinapos niya yung pinagawa sa kanya." Hinayaan ko na lang siyang magsalita para bumalik yung sigla niya.

"She is amazing" sabi ko.

"Yeah...she is." Ngumiti siya at hindi na to katulad kanila na malungkot pero ngayon ay saya na ang nakita ko.

"Thank you, Cassandra. Sa pakikinig sa problema ko at pagpapagaan ng loob ko. Pasensya ka na kung hindi ko pa kayang sabihin sayo yung ginawa ko. Hindi pa ako handa na sabihin iyon sa ibang tao dahil baka magbago yung tingin nila sa akin. Sana ituring mo na akong kaibigan kahit pangalawang beses pa lang na nagkita tayo. Para may masasabihan ako ng sama ng loob." Sincere siya sa mga sinabi niya.

"Huwag kang mag-alala magkaibigan na tayo at kung gusto mo man na magbuhos ng sama ng loob o kailangan mo ng makakausap ay nandito lang ako para makinig sayo."

Nagpaalam na rin si Ren na aalis na dahil lasing na daw ito. Hinatid ko na siya hanggang sa kotse niya dahil hindi na ito makapaglakad ng maayos pero kaya pa daw magdrive. Kahit ayokong payagan ay wala naman akong magagawa dahil hindi naman ako marunong magdrive.
Bumalik na ako sa loob para makabalik sa mga kasama ko.

Kailangan na naming umalis at baka hindi ako makauwi nito. Alas otso na ng gabi at baka hindi ko abutan ang last trip ng jeep sa amin. Nakita kong bagsak na yung tatlo sa kalasingan at sobrang dami na ng baso at bote sa table namin.

"Cassandra saan ka ba nagpunta at kanina pa kita hinahanap." Tanong ni Hanz. Sa kanilang apat ay siya lang ang matino pa.

"Nakipagkwentuhan lang ako sa kakilala ko at hinatid ko na rin sa labas. Bakit nagkaganyan sila?"

"Ayaw magpapigil sa kakainom. Minsan lang naman daw na umiinom kaya sasamantalahin na daw nila. Hindi nila inisip kung papaano sila uuwi ng ganyang lagay nila."

"Papaano natin sila iuuwi?" Hindi ko pa naman alam.

"Ako na lang ang maghahatid sa mga lasing na to at magbayad na tayo para makaalis na" binayaran ni Hanz ang bill ng tatlo pero nagbanta ito na dodoblehin kapag nagising na sila.

Nakatatlong baso lang si Hanz kaya maliit lang yung bill niya kaso naman itong tatlo sa sobrang daming ininom wala naman iniwang pambayad kung sakaling malasing. Kawawa tuloy si Hanz. Babayaran ko na rin yung sa akin at nakadalawang baso lang naman ako ng pineapple juice. Iaabot ko na sana yung bayad kaso hindi man tinanggap nung waiter. Binayaran na daw ng kasama ko kanina yung bill ko. Si Ren siguro yung nagbayad kanina.

Nasa labas na kami ng bar. Nagpatulong pa kami sa isang bouncer para alalayan si Brix. Ang akay ko naman si Kim at si Hanz naman ay si Laurel. Humingi kami ng tulong sa guard para magpatawag ng dalawang taxi.

Ang bigat naman ni Kim dahil halos ako na ang tumatanggap ng lahat ng bigat niya. Nang dumating na yung mga taxi ay nauna ng ipinasok si Brix tapos si Laurel at huli si Kim.

"Cassandra sumakay ka na sa isang taxi para makauwi ka na at baka lalo kang gabihin sa daan. Ako na ang bahala sa kanila" sumakay na si Hanz sa passenger seat ng taxi at nauna na silang umalis.

Sumakay na rin ako ng taxi. Inaantok na ako habang nasa byahe ako at mukhang gagabihin na talaga ako sa pag-uwi.

*************

Napahawak ako sa bibig ko dahil hindi ko mapigilang humikab. Alas onse na ako nakauwi at natulog na agad ako ng makarating sa apartment ko kagabi.

Ayoko na talagang sumama kapag nagkayayaan na naman na magbar. Ang sakit ng katawan ko. Kailangan ko pang gumising ng maaga ngayon para hindi abutin ng traffic. Ayan tuloy inaantok pa ko. May ilang empleyado na akong nakakasalubong kanila pa pero dedma lang ako eh sa inaantok ako. Masama bang humikab? Bahala nga sila.

Malapit na ako sa office namin. Paniguradong late sila ngayon. Sa dami ba naman ng ininom may hangover sila niyan. Siguro magtatanda na sila. Nagyaya ba naman kahapon tapos may pasok kinabukasan? Malalagot sila kapag nalate ngayon. Humikab na naman ako at napansin ko na may nakatayo sa pinto ng office namin. Hindi ko pa alam kung sino nakatagilid kasi yung tao at malayo pa ako.

Bigla na lang ito humarap sa gawi ko ng maramdaman ang presensiya ko. Nanlaki ang mata ko ng mapagtanto kung sino ito.

"Saan ka nagpunta kagabi, Sandra?"

_______________________________________
Akala niyo si Clyde yung nasa bar no!? I want you all to have a little background of Ren and now we had a glimpse of his past. Thank you for reading this story.

Do vote, comment and follow me. ;)

My So Strict Boss (Bachelor Series)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon