Kurt is busy looking at me. Pinapanuod niya lang ako na para ba akong isang movie -- magandang movie.

"I didn't know you're a tease."

Baguhin ka ba naman ng pangyayari sa buhay mo.

"You've been saying that since last night." Walang kwentang sagot ko.

"Because you are. Ganyan ka din ba sa boyfriend mo?" Sa tanong niyang yun, napansin ko ang pag-igting ng panga niya habang nakatingin sa akin.

Narinig ko ang tunog ng coffee maker kaya lumundag ako pababa. "It depends." Pang-aasar ko. I smirked ng talikuran siya.

Ibinubuhos ko ang kape sa mug ng maramdaman ang presensya niya sa tabi ko, nakasandal siya sa counter.

"Huwag mong gawin sa akin ang ginagawa mo sa boyfriend mo." Madiin niyang sabi.

Lumabas sa labi ko ang mapangasar na ngiti kaya hinarap ko siya. "Paano ba yan? Wala tayong sex?"

Kitang-kita ko kung paano nagdilim ang aura niya; ang pag-igting ng panga niya.

Kung magaling siyang maglaro na parang wala siyang alam tungkol sa akin. Edi mas magaling ako!

Tuluyan akong tumayo sa mismong harapan niya at nakangising dumikit sa dibdib niya, sa sobrang diin, lumapat na ang dibdib ko sakanya dahilan para lumubog yun.
"Hindi ko pa ngagawa sakanya to. Ayos na sa'yo?"

Napakagat na siya sa labi, hindi dahil naaakit siya. Kundi dahil galit na siya.

Bahagya niya akong tinulak at gamit ang isang kamay niya, mahigpit niyang hinawakan ang panga ko.

"You think I'm joking?" Nanggagalaiti niyang tanong. Ramadam ko ang higpit ng kamay niya sa panga ko.

Hinawakan ko ang kamay niya at pilit itong inaalis pero ang lakas niya.

"Finish your fucking breakfast. Fix yourself, may pupuntahan pa tayo." Tska niya pabalyang binitawan ang panga ko at umalis.

Napahawak ako sa panga at napatanga sa kinatatayuan.

He never did that to me before! What the hell!?

Ang sakit!

Ikaw ba naman Anica ang halay-halay mo! In-exercise ko pa ang panga ko at bahagyang pinisil-pisil.

Sino siya para hawakan ako ng ganun!?

Inis ko nalang kinuha ang mug at nilagyan ng maraming asukal, baka sakaling mamatay ako sa diabetes at hindi na makita ang lalaking yun.

Nagpunta ako sa may lamesa sa kitchen pero napansing may deck sa labas. Ngisi-ngisi ko yung binuksan. Haays buti naman.

May mga outdoor couch yung deck, nilapag ko muna doon yung coffee at binalikan ang cereal na nakita ko sa isang cabinet.

Hindi ko akalain na nag-c-cereal yun. Akala ko nga walang makikita sa pantry niya pero meron naman.

Though kaka-expired lang nung cereal kahapon pero mukhang pwede pa naman.

Will Kurt Winchester Stay? ✓ (EDITING)Where stories live. Discover now