Chapter 1

639K 7.8K 516
                                    

Anica Salcedo

Andito ako sa tapat ng pinto ng condo, nakakaramdam ng excitement dahil makikita ko ulit ang love of my life ko. Gamit ang spare key, binuksan ko iyon at pinihit. Nung nabuksan ko na, may tunog akong narinig na parang nahihirapan.

Nangunot ang noo ko, may sakit ba ang lalaking yun? Nung tuluyan ko na ngang nabuksan ang pinto, ang tunog na nahihirapan ay napalitan ng tunog na nasasarapan. Bumilis ang tibok ng puso ko na parang ang sakit sa sobrang bilis.

Hindi man payag ang sarili kong pumasok at silipin ang nangyayari, pinilit ko ang sarili. Pakiramdam ko naging jelly-ace ang tuhod ko kaya napa-hawak ako sa pader habang dahan-dahang tinatahak ang daan papunta sa kung saan nag-mumula ang tunog.

Palakas ng palakas — sana — sana nanunuod lang siya. Tama. Mas gugustuhin ko pang maabutan siyang nanunuod kaysa maabutan ang kung anong nasa isip ko — sana mali ako.

Kahit ngayon lang, maging mali ako.

Pero tama ang nasa isipan ko, sarap na sarap siya sa ginagawa ng babaeng nasa kandungan niya. Nagsi-unahan sa pag-tulo ang luha ko, ang sakit naman nun.

Naramdaman nila ang presensya ko kaya napatingin sila sa akin. Nanlaki ang mga mata nilang dalawa, dali-daling nagtungo sa likod niya yung babae habang pilit tinatakpan ang katawan.

"Anong ---" Hindi ko na tinapos ang sasabihin ko dahil tumakbo na ako palabas.

"Anica. W-wait!"

Wait?! Hindi ko siya hinintay at mabilisang tumakbo.

"Anica! Please wait."

Hindi ko siya pinapansin hanggang sa makarating kami sa parking lot.

"Anica. Please let me explain!"

Hindi ko pa din siya pinapansin, hanggang sa bubukasan ko na sana yung door ng car nang hinawakan niya ang kamay ko.

"Let go of me" I said between my sobs. Nakatalikod pa din ako sakanya habang hawak niya ang kamay ko.

Nakakadiri.

"N-no Anica. Please talk to me"

I close my eyes for a second and turned around to face him dahilan para mapa-bitaw siya sa kamay ko.

"Ano?" I asked without looking at his eyes.

"Look. Yung kanina  nadala lang ako dun sa babae! Nilasing ako!"

"Nilasing!?" I face him. Eyes to eyes. Tumango siya habang may tumulong luha sa mga mata niya.

"Are you crying? Haha! Ikaw pa ngayon ang may ganang umiyak ha!?" I said sarcastically.

"I am so sorry."

"Sorry!? Nakikipag make-out ka tapos sorry!? Kahit nilasing ka, you had a choice! Either you respond to her or ako pa din! You were supposed to choose me dahil ako ang girlfriend mo, pero bakit siya ang pinili mo!?"

"Anica."

"You have me! Bakit hindi nalang ako!?" Hindi ko alam kung bakit iyon lumabas sa bunganga ko but I don't care. Gusto kong malaman. Hindi ko maintindihan paano niya nagawa ang bagay na iyon? Hindi pa ba sapat yung nagmamahalan kaming dalawa?

Will Kurt Winchester Stay? ✓ (EDITING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon