Meet the Dancer

2.8K 40 7
                                    

NATASHA'S POV

"Oh bilisan niyo na ang pag-aayos at malapit na magsimula ang first set ng show natin." Bungad ni Mama Tere samin dito sa dressing room. Si Mama Tere din ang may-ari ng nitong Club na pinapasukan ko. Siya din ang dance choreographer namin.

The Dream Paradise.

Dito ako nagta-trabaho nang mahigit 5 years na din as a dancer.

19 years old ako nung magsimula akong magtrabaho dito dala nang matinding pangangailangan. Mahirap lang kasi kami.

Ako lang kasi ang inaasahan dahil nagkasakit non si nanay ng lung cancer. Napilitan akong huminto sa pag-aaral at magtrabaho para lang mapagamot siya. May kapatid pa ako na maliit pa nung panahon na iyon, wala naman kaming ama na maasahan dahil sa simula pa lang hindi na namin nakilala ng kapatid kong si Joshua ang tatay namin. Magkaiba kami ng ama. Pano nangyari yon? Dati rin dancer ang nanay ko sa club nang makilala niya ang tatay kong amerikano. Kaso nung nabuntis ang nanay ko sakin bigla na lang nawala nang parang bula ang tatay ko. Them years after nakilala niya sa club din ang tatay ni Joshua na taga Spain. Akala ni nanay iyon na yong lalaking mag-aahon sa kanya sa kinalalagyan niya kaso hindi pala. Nung mabubtis ulit nanay ko saka niya nalaman na hindi sila pwede nung lalaki kasi may asawa pala ito. Kaya isa iyon sa mga kinonsidera ko nung pumasok ako sa trabahong ito, mananatili lang ako sa dance floor at hindi ako makikipag table sa mga 'to. Call me a hypocrite pero I will stick to that rule of mine. Desente naman ang club na ito. Puro mayayaman at may mga kilala ding personalidad ang nagpupunta dito para lang manood ng peep show namin.

Kaso nangyari ang kinatatakutan ko. Lumala ang sakit ni nanay at dalawang buwan pa lang non na pinapagamot ko siya at tuluyan nang bumigay ang katawan niya. Kami na lang ni Joshua ang naiwan.

Pinagpatuloy ko na lang ang pagtatrabaho sa club as a dancer para mapag-aral ko ang kapatid ko. I sacrifise my own education. I want to give him the best, lalo na lalaki pa siya. Gusto ko makatapos siya ng pag-aaral at makahanap siya ng magandang trabaho para balang araw may ipapang-buhay siya sa magiging pamilya niya in the future. Nayon pa nga lang nag-iipon na ako ng pang-college niya. Gusto ko kasi sa top university siya dito sa Pilipinas mag-aral ng college. Saka na ako babalik sa pag-aaral kapag may sapat na akong ipon. Buti na nga lang kahit unti-unti nakabayad ako sa mga utang namin mula nang magkasakit si nanay, ma-ospital at nung mawala siya.

"Naya! Tama na ang daydream dyan at showtime na!" Sigaw ni Tere sa may pintuan at ako nagbalik sa kasalukuyan.

"Opo Mama Tere eto na nga at nagmamadali na mag-ayos oh!" Sabi ko saka ko isinuot na ang maskara ko. Lahat kasi kaming mga dancers nagsusuot nito para maprotektahan ang private life namin sa labas ng club.

In Love With A StripperOn viuen les histories. Descobreix ara