Hinila ako bigla ni Nathan papunta sa loob. Ako na lang pala ang nakatayo dun sa harap ng pintuan.

 

"Wow naman! Ang cute ng apartment. Thankyou sa inyo!"sabi ni Kuya na manghang-mangha sa mga nakikita.

May mga pagkain pa sa round table.

Nang makita ko na may sisig, kumaripas na ako at kumuha ng plato.

"Takaw nga naman."sinamaan ko lang ng tingin si Nathan. Last na kain ko nito nung naospital si Jin kaya di niya ako masisisi. Sarap kaya! Hohoho. Sinabi ko na lang na manahimik siya. Kumuha na ako at kumain na. Natawa na lang siya.

Nagkwentuhan lang sila at mga naglalaro ng spin the bottle. Hindi ako mahilig dun kaya di na ako nakisali.

Pumunta muna ako dito sa veranda para magpa-hangin. Nabusog akong masyado sa sisig e.

"O, bakit di ka sumali sa amin?"sabi ni Marco na tumabi sa akin. Pinaliwanag ko naman na hindi ako mahilig sa mga larong ganun.

"Oo nga pala ano? Hahaha. Kakaiba ka talaga!"sabi niya.

"Paanong kakaiba?"sabi ko.

"Yung iba kasing babae, susulitin ang oras na ito para malaman ang mga sikreto namin or mapagawa nila kung ano mang dare ang gusto nilang ipagawa sa amin."sabi niya. Natawa naman ako sa sinabi niya. Sa campus kasi namin, lagi silang inaaya ng mga babae na sumali sa spin the bottle. Kung ganun sila pwes hindi ako ganun. Pwe!

Naalala ko bigla yung sinabi ni Jin kanina. Itatanong ko na lang nga kay Marco.

"Uhm.. Marco, may tinanong kanina sa akin si Jin."sabi ko. Humarap siya sa akin at binigyan ako ng 'ano' look.

"Tinanong niya ako kung alam ko ba kung anong meron sa September 25. Ikaw ba, alam mo?"tanong ko. Bigla siyang ngumisi sa sinabi ko. Ano ba talagang meron sa araw na iyon? Tinawanan lang ako. Ano ba kasing meron sa araw na iyon?

"Isa ka pa. Tatanungin ko ba kung hindi ko alam?" nagpout siya sa akin. Aww. Cute! Hindi lang daw talaga siya makapaniwala na hindi ko alam.

"Ngayon, alam mo na kaya sabihin mo na!"sabi ko.

"September 25 i--"katulad kanina, hindi na naman natuloy ang sasabihin niya.

"Bakit nandito kayong dalawa?"sabi ni Zac. May hawak pa siya coke in can.

"May tinatanong kasi si Jan."sabi ni Marco na halatang nang-aasar pa.

"Ano naman 'yun?"sabi ni Zac at lumapit na rin sa amin.

"Ano daw ba meron sa SEPTEMBER 25?"sabi ni Marco. Inemphasize pa yung September 25.

My Contract Boyfriend [PUBLISHED]Where stories live. Discover now