Hinawakan ni Ice ang braso ko.

"Bitiwan mo ako."

"Please, listen to me Timi!"

"Tama na! Mali talaga! Mali na pinagkatiwalaan kita! Kahit sabihin mong magkaibigan kayo ni Erin, Ice alam mo ang ginawa niya sa akin. Alam mo kung paano niya ako sinaktan. At hindi ko pa rin nakakalimutan na minsan niyo na akong pinaglaruan! Kaya kahit anong sabihin mo, yung fact na kasama mo siya ngayon, hindi pa rin magbabago yun!"

"Ice!!!"

Bigla kaming napalingon ni Ice nang marinig naming ang sigaw ni Ayen. Dire-diretso si Ayen sa amin at bigla na lang niyang sinuntok si Ice.

"I saw everything," he told him coldly. "Akala ko hindi mo sasaktan si Timi."

Tumayo si Ice at tinulak niya si Ayen.

"Wag ka munang makikielam dito! Hindi mo alam ang nangyayari!"

Bigla akong pumagitna sa kanilang dalawa. Ang dami nang bystanders na nanunuod. Lahat nakalabas ang phone para kuhanan sila ng video.

Shit.

"Tama na Ice," I told him coldly.

"Timi," he touched my hand. "Please come with me. We need to talk. It's not what you think. I'll call Erin at maguusap tayong tatlo."

Tinabing ko ang kamay niya.

"Get away from me."

"Timi--!"

"Tama na bro," sabi ni Ayen at hinila niya na ako palayo.

Narinig ko na tinatawag ako ni Ice pero mukhang naharang siya ng mga bystanders.

Alam kong halos lahat ng mga taong nadaraanan namin ay nakatingin sa amin. I could feel their stares burn into my flesh. Kung anu-ano pang naririnig kong bulungan.

"--sinigawan si Ice Monasterio! Ambisyosang froglet!"

"GF ata na nakipag break kay Ice?"

"My poor baby Ice!"

"Di naman kagandahan..."

I wipe my tears aggressively. Nanginginig ang buong katawan ko. Naiinis ako, nasasaktan, nagagalit.

Bwiset! Bwiset silang lahat! Wala silang alam!

Naramdaman kong tinakpan ni Ayen ang magkabila kong tenga.

"Don't mind them, Timi."

Dali-dali kaming lumabas ni Ayen sa mall at pumunta sa parking lot bago pa may makarating na mga reporters at harangin kami.

Bahala nang si Ice ang humarap sa lahat.

Bahala na siyang magpaliwanag sa kanilang lahat.

Pagkasarang-pagkasara ni Ayen sa pinto ng kotse, napahagulgol na lang ako ng iyak.

Hindi umiimik si Ayen. Hinayaan lang niya ako umiyak. Hinayaan niya akong ilabas ang sama ng loob ko.

Tahimik siya habang nagmamaneho papunta sa condominium ko. Hanggang sa makarating kami dito. Hanggang sa makapasok sa loob ng condo ko, hindi siya umiimik at hindi rin ako tumitigil sa pag iyak.

Game Over (EndMira: Ice -- book 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon