Kung dati ay gwapo na ito mas doble pa sa ngayong nakikita niya. Hindi ko namalayan na ilang minute na pala akong naka titig sa mukha niya. Agad na lumapit ako sa kanya. ''Naka uwi ka na pala?'' tanong ko sa kanya.



Tumango naman siya. ''Yeah.'' Tipid na sagot niya. ''Now. I'm done answering your question please umalis ka sa dadaanan ko ayokong makapatay. At magkaroon ng record ng hit and run.'' Sabi niya at agad na sumakay sa sasakyan niya. At ako naman? Ito naiwan nang hindi makapaniwala. Sinungitan niya ba talaga ako?


************

Lance's POV


Pagkalabas ko ng airline ay siya naman pag tunog ng isang malakas na tunog nagtatakang napatingin ako sa pinag mumula ng tunog. Nakita ko ang naka ngiting mukha ni Jason na may hawak na torotot at si Nick na may hawak na kaldero at malaking sandok.



Kasama din nila si Teejay at Terrence na buti ay nagawa nila pati si Dylan at Zech na mukhang inip na inip sa kakaintay agad na tumakbo si Jason at Nick pa punta sa puwesto ko nagtutulakan pa sila para mahuli ang isa.



Lihim na napangiwi ako dahil pinagtitignan na kami ng mga tao. Kung man may mahihiya saamin dito ay ako 'yon parang may nag welcome home saakin na mga taong nawala sa mental. ''Nag abala pa kayo.'' Sarkastikong sabi ko pero mukhang hindi na pansin ni Jason at Nick ang sinabi ko dahil ngumiti pa sila saakin.



''Sus. Wala anuman Lance mahal ka namin eh Bro.'' sabi ni Jason at yinakap pa ako ng mahigpit dahilan para tignan kami ng mga tao na parang may ginagawa kaming kababalaghan. Sinusubukan kong alisin ang pagkakayakap saakin ni Jason pero mukhang may lahing Koala ang g*go dahil ang higpit ng yakap.



''WELCOME HOME LANCE! ASA NA ANG PASALUBONG?!'' Excited na tanong saakin ni Nick at kinuha ang maletang hawak ko at hinila nila ako palayo sa mga tao. Nakita ko naman na sumunod si Teejay na tumatawa si Zech na mukhang naiinip , Si Dylan na poker face lang at ang Pag iling ni Terrence dahil sa eksena kanina.



Nagyayang akong mag mall pero si Nick ay bigla tinawag ng Misis niya at sila Teejay naman ay umalis na dahil may mahalagang bagay pa silang gagawin. Napatingin naman ako sa iisang taong kasama ko ngayon na nakangisi saakin.



''G*go mukhang g*go ang mukha mo ngayon.'' Sabi ko kay Jason ngumisi lang siya saakin. ''Sorry Lance mukha mag isa ka muna puwede?'' magsasalita na sana ako ng biglang lumabas si Jason at nagmamadaling naglakad palayo.



Nagpasya akong ituloy pa rin ang balak kong pagpunta sa mall naglakad lakad muna ako haggang sa mapagod ako nag pasiya akong pumunta sa Starbucks. Habang naka pila ay parang may nakita akong pamilyar na mukha pero agad din naalis ang atensyon ko doon dahil may biglang tumawag saakin.



Nagmamadaling lumabas na ako at pumunta sa kung saan ko iniwan ang sasakyan ko. Pinaandar ko na at muntik na akong may masagasaan ng biglang may isang babaeng tumigil sa harap ng kotse ko agad akong bumaba at lalapitan sana siya ng bigla kong malaman kung sino ang humarang sa dadaanan ko.



Nakita ko na madiin ang pag pikit It's been a years simula ng huli kaming magkita. Pero agad naman nag salubong ang kilay ko. Bakit kaylangan niyang humarang sa dadaanan ko. Namimiss niya ba ako? Napa-iling naman ako sa naisip ko.



Daan daan na nag bukas ng mata si Zelina. Mukhang gulat na gulat ito dahil sobrang lapit na niya sa kotse ko. Yeah sobrang swerte niya at alerto ako sa pagmamaneho. Kung hindi baka may record na ako ng hit and run.



''Balak mo bang magpaka matay?'' masungit na tanong ko sa kanya mukha naman na bumalik na ang kaluluwa niya sa katawan dahil nag salita na siya.



''Naka uwi kana pala?'' tanong ni Zelina na halata namang obvious dahil nasa harap niya ako tumango na lang ako.



'Now. I'm done answering your question please umalis ka sa dadaanan ko ayokong makapatay. At magkaroon ng record ng hit and run.'' Agad na akong pumasok sa kotse ko at nakita ko na umilaw ang phone ko agad ko itong sinagot at nagmamadali ng umuwi.



Naka tatlong busina muna ako bago bumukas ang gate agad ko ng itinigil sa may garahe at bumaba na ako saktong pagbaba ko ay agad kong narinig na may tumawag saakin.



''Daddy Lanceee!'' agad akong napangiti at lumuhod sakto naman pagtakbo niya saakin at agad ko siyang yinakap.



''Hi Baby Rain. How are you?'' nakangiting tanong ko sa kanya.



''Daddy! Mommy Buy me a new car toy!'' masayang sabi ni Rain. At pinakita saakin ang hawak na bago niyang laruan.



''Wow that's cool Sweetheart.'' Ngumiti naman saakin si Rain. Sakton paglabas ni Cheska sa pintuan na parang kinakabahan pero ng Makita niya na karga ko si Rain ay agad naman siyang ngumiti.



''Andyan kana pala Lance. Rain baby wag kana munang papabuhat kay Daddy ok? Pagod siya.'' Kukunin sana ni Cheska saakin si Rain pero umiling na lang ako. At sabay sabay na kaming pumasok sa loob.



-Rosercl

VOTE.COMMENT.FOLLOW ME. THANK YOU AND GODBLESS!

*A/N* Sorry kung ngayon lang ako nakapag UD ulit Sorry. Busy kasi ako sa school daming ginagawa kaya pasensya na. Sana magustuhan niyo ang chapter na 'to. Thank you guys! Lovelots!


TBS : 3 (UNDER REVISION)Where stories live. Discover now