TBB : 28

22.8K 296 8
                                    

Zelina's POV


Nagyaya si Lance na mangabayo kami ng bandang hapon. Kaya pumayag na ako 'yun 'rin naman ang napag usapan namin kaninang umaga. Mag ka hiwalay kami ng kabayo nag race pa kami haggang sa may puno ng mangga at sa totoo lang sobrang nag e-enjoy ako sa ginagawa namin dalawa.



''Wait lang Zelina tinatawag ako ni Teejay.'' Sabi ni Lance ngumiti naman ako at tumango pinagmasdan ko si Lance papunta kay Teejay. Susunod na sana ako kay Lance ng biglang may mag salita sa likuran ko.



''Mag pakasaya kana ngayon Zelina. Ito na siguro 'yung last day mo?'' naka ngising sabi ni Cheska saakin.


''Ano nanaman ang pinagsasabi mo Cheska?'' naiiritang tanong ko sa kanya.


''Oh..Tsk.. Poor little bitch Zelina.'' Naka ngising ang mukha ni Cheska saakin. ''Hindi pa 'rin sinabi sa'yo ni Lance?'' tanong ni Cheska at binigayan ako ng nakaka-awang tingin.



''Sa tingin mo ba tatanungin kita kung alam ko? Common senses naman please.'' Pagtataray ko.


''Kapag na laman mo hindi ka na makakapag taray pa at iiyak ka na lang habang ako naman ay tatawa sa gilid mo. Akala ko ba honest asawa mo sa'yo? 'di pala.'' Nag salubong naman ang kilay ko.



''Well gigising na kita sa katangahan mo Zelina hindi naman kasi talaga kayo bagay ni Lance.'' Pag uumpisa ni Cheska.



''Hindi mo ba alam na si Lance ang dahilan ng pagbagsak ng company niyo?'' sabi ni Cheska. ''No. Si Lance pa ang tumulong para mabawi namin ang company ni Daddy.'' Agad na sagot ko kay Cheska dahil 'yun naman ang totoo pero nagulat ako ng bigla siyang tumawa ng malakas.



''Really?! Nice joke. Si Lance sinasadyan niya talaga na sirain ang company ng pamilya mo. Why? Because he hates you Zelina. Gusto niyang maging miserable ang buhay mo na sa tingin ko ay babagay lang sa isang katulad mo dahil sobrang tanga mo.''



''W-what d-do y-you m-mean?'' hindi ko na pigilan ang ma-utal dahil litong lito na ako at hindi ko alam kung maniniwala ba ako kay Cheska.



''I mean stupid Zelina. Pinakasal ka ng Daddy mo kay Lance kasi ang akala ng iyong daddy ay tinulungan siya ni Lance sa company niyo. But of course that not true! Haha. Poor you. Pinakasalan ka ni Lance kasi gagawin niyang miserable ang buhay mo.'' Naka ngisi pa 'rin si Cheska at Bigla kong nakuyom ang kamao ko.



''And by the way did you hear the news? Na ang daddy mo daw ay nasa hospital at may sakit? Nakakaawa ka naman talaga.'' At nag act pa si Cheska na parang naluluha na mas dahilan para lumabas na ang galit ko.



''Walang sakit ang daddy ko! Gumagawa ka lang ng kuwento! Napaka sinugaling mo!'' galit na sigaw ko naramdaman ko na gumalaw ang kabayo pero wala akong pakialam.

TBS : 3 (UNDER REVISION)Dove le storie prendono vita. Scoprilo ora