TBB : 9

35.2K 499 4
                                    

Zelina's POV


Natapos akong maligo ay lumabas na ako sa kuwarto pero bago ako makapunta sa kusina ay nakita ko ang nakatalikod na si Lance habang busy na nakatawan sa labas ng bintana malapit ng magdilim at napaka ganda ng tanawin pero wala pa din tatalo sakanya na seryosong nakatingin sa labas at umiinom ng kape.



Napaka kisig ng likod nito na parang ang sarap na yakapin siya mula sa likuran. Pambihira ano naman ang naiisip kong kahalayan. Agad kong sinabunutan ang buhok ko.



Nanglaki ang mata ko ng lumingon si Lance naramdaman ata niya ang presensya ko kaya lumingon siya. Nag iwas ako agad ng tingin hindi dahil sa naiilang ako. Kundi dahil sa naging gwapo siya sa panigin ko na 'di ko alam kung bakit naging ganon.



Talagang mas naging gwapo ito kaysa noon na kontento na ako sa ganoong klaseng mukha na meron siya. Hindi na ako nagtaka nang minsan Makita ko siya sa isang magazine.



''Gising kana pala.'' Sabi ni Lance saakin. Inikot ko naman ang mata ko.



''Halata naman anong akala mo? Picture ko lang 'to?'' mataray na sabi ko at naglakad papunta sa may kusina.



''Ang sungit mo. Meron kaba?'' nagtatakang tanong ni Lance tinignan ko naman siya ng masama.



''Kidding.'' Nakangising sabi niya.



''Lumayas ka nga muna sa harap ko at naiirita ako.'' Naiinis na sabi ko at kinuha na 'yung mga gamit na gagawin ko para sa hapunan namin.



''Hahaha. I'm just kidding Zelina.'' Naka ngusong sabi ni Lance umirap lang ako at naghanda ng maghiwa.



Habang nasa kalagitnaan na ako ng paghihiwa naramdaman ko na may yumakap saakin mula sa likuran at alam ko na kung sino 'yon walang iba kundi si Lance na nagsumiksik pa sa leeg ko. Nakaramdam ako ng kilabot at tumaas ang balahibo ko.



Umiling ako at binali wala ang kilabot na nararamdaman ko at naghiwa na lang. Mayamaya naramdaman ko ang isang kamay ni Lance na gumapang paloob sa maluwang ng t-shirt ko at napasinghap ako ng malakas.



''Lance!'' hiyaw ko sakanya pero tinawanan lang niya ako. Naramdaman ko ang paghalik niya sa tenga ko at pagkagat sa dulo nito. Gumapang pa ang labi nito sa leeg ko at hindi ako puwede magkamali kinagat niya ang leeg ko at nilagyan ng kiss mark!



Nanghihina na binitiwan ko ang kutsilyo na hawak ko at hinarap siya. ''Tumigil ka nga Lance.'' Sabi ko nakita ko naman na tumaas ang isang sulok ng labi niya at parang pinipigilan ang pagngisi niya.

TBS : 3 (UNDER REVISION)Where stories live. Discover now