TBB : 19

27.5K 371 3
                                    

Zelina's POV



Ngayon alam ko na kung saan ako dinala ni Lance kaya pala masikip ang daan at puro maraming halaman sa isang farm niya ako dinala. At mula dito sa pangalawang palapag ng bahay ay nakikita ko ang magandang bukid na punong puno na iba't- ibang klase ng halaman.



Kaninang kagising ko ang sariwang hangin ang unang bumungaw saakin. Napaka tahimik 'din ng lugar at ngayon ang pinagtataka ko kung bakit wala si Lance sa tabi ko nung gumising ako. Kaya nag pasya na akong bumaba.



Nakita ko sila na may kausap na babae. At mukhang medyo may pagka bata pa. Seryoso ang mukha nilang dalawa na parang napaka importante ng pinag uusapan nila. Pero mayamaya ay nakita ko nung babae at tumingin naman si Lance saakin.



''Gising kana pala Zelina. Kamusta ang tulog mo?'' tanong ni Lance saakin. Ngumiti naman ako.


''Ayos lang naman. Sino siya?'' tanong ko habang naka tingin sa babae.


''Siya ba?'' turo ni Lance sa dalaga. ''Anak ng isa sa mga nagtratrabaho sa bukid si Manong Bert.'' Tuimango na lang ako kahit na hindi ko naman kilala 'yung sinasabi ni Lance.



''Cheska si Zelina ang asawa ko.'' Ngumiti at nakipag kamay naman ako sa babaeng nag ngangalan na Cheska at ganun 'din ang ginawa niya ngumiti saakin at nakipag kamay. Ngiti na puno ng kaplastikan at nakipag kamay na pinisil at hinigpitan pa ang pagkakahawak na parang galit na ewan.



''Sige Cheska mamaya na lang kakain muna kami ng almusal ng asawa ko.'' Sabi ni Lance at hinawakan ako sa bewang papunta sa may kusina.



'' 'Akala ko ba kakain tayo ng almusal? Bakit hindi mo ginagalaw 'yan?'' nagtatakang tanong ko.


''Basta Makita kita busog na ako.'' Sabi ni Lance.


''Wow ah? Mukha ba akong baboy o manok na pinirito at agad kang nabubusog titignan lang?'' pambabara ko nakita ko naman na ngumisi siya.



''Ayoko kasi 'yung ulam. Puwedeng ikaw na lang ang kainin ko?'' tanong ni Lance saakin nilagyan ko naman ng laman 'yung kutsara ko at itinapat sa bibig ni Lance.



''Ahh.'' Sabi ko sa kanya. Pero nakita ko naman na parang kumislap ang mata niya.


''Ulit mo nga ulit 'yon.'' Sabi ni Lance.


'' Yung alin?'' nagtatakang tanong ko.


''Yung ahh.'' Sabi niya.

TBS : 3 (UNDER REVISION)Where stories live. Discover now