TBB : 39

22.4K 282 29
                                    

Zelina's POV


One Year Later...  


''Maganda ba?'' Napatingin ako kay Cath ng ipakita niya saakin ang blue dress na hawak niya. ''Try ko muna 'to ah Zel.'' Paalam ni Cath saakin at agad na pumunta sa fitting room. Bigla kasing nagyaya si Cath na magshopping dahil bukas naman ay day off at balak niya lang ay matulog buong araw.



Ako naman hindi ko alam kung anong gagawin ko sa day off ko. Siguro ganoon na lang din. Nilubot ko ng tingin ang mga naka oraganize na dress sa paligid ko. Napatingin ako sa kulay puti na may butterfly na design. Kaya agad ko itong nilapitan.



Kukunin ko na sana ang nagustuhan kong dress ng biglang may makakuha ng atensyon ko. Agad na nanglaki ang mata ko sa nakita ko. Lalakad na sana ako kaso biglang dumating si Cath at nakita kong nagtataka siya.



''Saan ka pupunta Zelina at bakit ganya ang mukha mo para kang nakakita ng multo?'' tanong saakin ni Cath.



Napatingin naman ako sa puwesto ko saan ko nakita si Lance. ''Nakita ko si Lance.'' Mayamaya ay sabi ko kay Cath. Tinignan naman ako ni Cath na parang nagtataka.



''Papano mo naman makikita si Lance? Nasa Italy s'ya Zel. Ikaw talaga. Gutom lang 'yan.'' Agad na akong hinila ni Cath papunta sa may starbucks. Tama nga siya. Baka namamalik mata lang ako.



One year na pala ang nakakaraan pero parang kahapon lang ang nangyari. Hindi ko inaasahan na sa maling desisyon ay nawala na ang taong mahal ko. Marami na ang nagbago napa iling ako ang bilis na pala ng panaho.



Napatingin ako sa counter kung saan pumunta si Cath para mag order nakita ko na parang nakatulala lang si Cath sa lalaking nakatalikod sa kanya. Tumingin naman ako sa lalaking nasa harap ni Cath at kung gulat si Cath mas doble ang pagkagulat ko dahil ang akala kong isang malikmata lamang ay totoo.



Lance is standing at the counter wearing a simple v-neck shirt with matching rip jeans. Agad na kinuha nito ang inorder at agad na lumabas ng Starbucks. Nagmamadaling tumayo ako at sinundan siya.



Nakita ko na pumasok siya sa kotse niya. ''Omg. What shoul I do?'' hiyaw ko sa isip ko ng makitang umandar na ang sasakyan agad na humarang ako sa dadaanan ng sasakyan at ibinuka ang dalawang kamay at madiin na pinikit ang mata ko.



Agad na bumukas ang mata ko ng marinig ang malakas na busina ng kotseng nasa harapan ko ngayon. At napatingin sa distansya ng kotse sa katawan ko. Nakita ko nan aka dikit na ang kotse sa tuod ko.



''Balak mo bang magpaka matay?'' agad na napa angat ako ng tingin at nakita ko si Lance na seryosong naka sandal sa pintuan ng sasakyan niya habang naka halukipkip at magkasalubong ang medyo makapal na kilay niya.

TBS : 3 (UNDER REVISION)Where stories live. Discover now