Mcdo part 2

3.1K 93 5
                                    

Hi Mga Babes, eto na po ang sunod na kabanata.

Hi, JamesJared1, Toothless99, IamRichKing!! Bless you. <3

-Karlowithbabes.

--------------

*Mark's POV*

Grrrrr!!!!!

GGGrrrrrr!

Beast mode talaga ako sa Adrian na yon! Grrr!! *brrt* *brrt*

Naramdaman kong nag ba-vibrate ang phone ko kaya kinuha ko sa bulsa ko at tinignan kung text ba o call.

Tumayo na ako para makabili at naglalakad na ko ng biglang may humablot sa kamay ko at pinaharap sa kung saan kami naka upo ni Adrian.

Nakita ko na si Adrian pala yon kaya nag poker face na lang ako.

"What?" -___- Pauna ko.

"Joke lang, meron na. Pina delay ko ng two minutes." Sabi niya at nainis talaga ako. Bwisit talaga to, ginawa pang mangloko, kung sa bagay mangloloko naman talaga siya.

*Ting!*

Bright Idea, Kailangan kong bumawi. Hinding hindi ang siya lang lagi ang lumalaban dapat patas lang! Grrr!

Naglakad ako/kami ulit papunta sa upuan namin. Di naman medyo madaming tao kasi di pa naman lunch.

Nakalimutan ko na may nag text pala sakin.

Di ko na kasi nabasa bwisit kasi tong si Adrian at nilagay ko na lang sa bulsa.

Pagkaupo ko, aba nagpaka gentleman ang gago.

"Aalalayan na kitang umupo. Alam mo naman na ayaw kitang nasasaktan." Sabi niya at nakangisi pa. Nako may plano to. Ako pa lolokohin niya ah. Ma-try nga.

"Thanks." Sagot ko sa kanya ng uupo na ako hinawakan ko ang upuan doon sa may sandalan ng maigi para hindi niya ito maialis sakin. Nagtagumpay akong makaupo at hindi tinitignan ang mukha niya. Epic siguro kasi don sa hinawakan ko na sandalan eh nakakapit siya don at yon ang kinapitan ko para makaupo tinanggal ko na lang iyon ng uupo na ako at humawak sa gilid ng pinagupuan ko.

Pagkatapos non, umupo na siya ulit sa upuan niya.

"Oh ba't namumula ka?" Sabi ko ng nakangisi na sa kanya.

"Idiot." tanging nasabi niya at ako naman napapabungisngis kasi nakakatawa talaga mukha niya at pagkatapos non eh dumating na ang pagkain namin.

Let me rephrase that, MGA PAGKAIN.

"What the heck Adrian, bakit ang dami mong binili? Ano to? Lahat ng nasa menu binili mo?" Tanong ko na medyo may lakas.

"Yes, di ko naman alam gusto mo kaya binili ko lahat." Sabi niya at agad kong sinagot.

"Eh ikaw lang gusto ko eh." Sagot ko at nakita kong nalukot ang mukha niya at namula ang tenga niya. Ang epic talaga. Hahaha, Weakest spot eh? Hahahaha!

"Kumain ka na nga lang, kung anu-ano pa sinasabi mo." Pagsusungit niya sakin tapos ako naman nakangisi pa din. Akala niya walang balik ah. Hahaha.

Sa huli di din namin naubos at tinake out na din namin. Paglabas namin eh hindi ko alam kung san pa siya pupunta eh kasi isang subject lang pasok ko ngayon kasi hindi ako nakapasok nung nakaraan kaya kailangan kong maghabol don sa subject na yon.

"Uuwi nako Adrian, salamat sa libre." Sabi ko pagkalabas namin at ang baliw hinila agad ako papunta sa tapat ng school nahihirapan ako kasi may dala ako. Yun yung mga pagkain na binili niya samin.

"Pumasok kana baka may pasok ka pa." Sabi ko sa kanya ng huminto kami sa tapat ng school. Hindi nanaman siya nag sasalita. Napaka bipolar naman nito. Tsk!

Naghihintay ako ng jeep ng malingat ako sa kaliwa ko, nakita ko na maraming gangster. Errr! Mga kaibigan ata to ni Adrian.

Nakita nila siguro si Adrian at sabay sabay tumawag sa kanya.

"CHIEF!!!!" They said it in unison. Parang nakakainis lang yung damit nila. Well di naman mga mukhang dirty at mang i-snatch ng wallet. Para kasi silang Gangster wannabe's! Ugh!

"Oh, eto yung Yaya(Yayo) mo chief diba? Yung nag iingles pa." Sabi nung isa na namumukhaan ko kaso nakalimutan ko pangalan. Di naman importante.

Si Adrian poker face lang. Di nagsasalita. Total mute.

"Tsssss, San kayo pupunta at bakit parehas kayo ng damit chief? Dyan din pala siya nag aaral?" Sabi nung mausisa na maliit. Di ko tinitignan ang mukha nila kasi ayaw ko lang. Di ko trip.

Si Adrian, ganon pa din. Grr! Sama ng ugali nito sa mga kaibigan niya. Bipolar na, gag* pa. San ka pa? Tsk!

May isang lumapit sakin at magkaharapan na kami ngayon. Nakita ko ang maamo niyang mukha. Fair skin. Magandang mata at hindi perpektong ilong nito pero nakakahumaling ang mata parang kay Adrian. Ay shit di pala.

Nakatitig lang siya ng ilang minuto sakin. Di ko naman kilala talaga siya kung sino siya eh.

Ang amo talaga ng mukha niya kaya't napapatitig din ako. Nahiwalay ako ng tingin ng may humablot sa likod ng damit ko dahilan para matumba ako at ang mga pagkain na dala ko. Buti na lamang ay nakasara ng maigi iyon kung hindi matatapon iyon..

Pagkabagsak ko ang sakit talaga ng pwet ko. Grrr!

PAgkatingin ko, nakangisi na si Adrian. Sure akong siya ang gumawa non at nagtatawanan nanaman ang mga barkada niya.

"Need a hand?" Rinig ko at pagtingin ko eh yung lalaki pa lang nakatitigan ko.

Nagpatayo naman ako kasi super sakit talaga. Inayos ko yung mga pagkain na nahulog at nagpagpag.

Tsk! Ugali talaga eh noh?

"Pahawak naman nito please?" SAbi ko dun sa lalaking maamo ang mukha na nakatitigan ko. Kinuha naman niya agad iyon at ako naman ay lumapit kay Adrian na naguusok talaga ang ilong sa galit.

Yung mga kaibigan naman niya mukhang susuntukin na ako. Pero ako, hindi ako magpapatinag sa kanya. Lumapit pa ako ng lumapit sa kanya.

Hanggang siguro 3 inches na lang ang kulang para mag kiss kami.

Bigla ko na lamang siyang hinalikan at tinuhod yung weakest spot nating mga brad. HAHAHAHA! Akala niya ah.

Pagtingin ko sa mga kaibigan niya. Ayon naka nganga. He deserved it!

Tumalikod at naglakad nako at kinuha ang mga pagkain at nagsimula ng maglakad doon sa hindi nila/niya makikita o natatanaw.

*ADRIAN'S POV*

Pakshet!!!

Hinalikan at tinuhod LANG naman ako ni Mark! Tae ang sakit! Pag yung ano ko talaga nagka problema lintik lang walang ganti!!!

Pagtingin ko sa mga kaibigan ko ayon, nakatulala. Iniwan ko na sila at pumasok ulit ng school. Wala akong choice eh. Di dapat ako papasok para lang makasama ko siya. Mga bad timing talaga yung mga mokong na yon eh. Tsk tsk!

Nakakainis talaga! Pumasok ako ng room ko na binagsak ang gamit ko at wala talaga akong naiintindihan sa turo ng prof namin kaya nasa kawalan ang paningin ko. Hindi ko din alam kung bakit ko hinablot yung damit niya eh. Kasi kung makipag titigan siya kay Chael kala mo matagal ng magkakilala eh no! Tsk!

To be continued....

Hala ka, may ginawa nanamang kasalanan si Mark. Oh noess!!!

I'm In love with a BULLY (ManXMan) (Mpreg) (completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon