Back to normal

3.4K 97 0
                                    

Gusto niyo ba ng POV ni Adrian? Hahaha! Hindi talaga ako ma-predict eh. Kaya kong i-divert ang kwentong ito. Make love not war! KAhit na-hacked yung twitter account ni Maine pati yung iba pa niyang accounts! Tiwala lang! :) #Aldub Spread love! MAikling UD para sayo :) NAGUSTUHAN NYO BA ANG BAGONG COVER? HIHIHI

-------

*Mark's POV*

Pagkagising ko uminat ako at medyo okay okay na ang pakiramdam ko hindi na ako masyadong nahihilo. Kaya't tumayo ako at nakita ko si Pierce na natutulog ng mahimbing sa tabi ko pero nakatalikod pala siya sakin.

Pumunta ako sa cr para umihi, puno na din kasi ang pantog ko hindi pala ako nakaihi kanina at masyado akong naging busy sa pag-uusap namin.

Ginawa ko na din ang dapat kong gawin sa cr.

Pagkalabas ko nakita ko nanaman si Pierce. Ngunit gising na ito at nakatingin sakin.

"Goodmorning hon" Bungad niya sakin na binalik ko din sa kanya.

Naligo na ako at may pasok kasi ako. Gusto ko maglakad ngayon kahit medyo malayo at maranasan mag jeep at tricycle. Kaso di ko alam kung papaano magtatanong tanong na lang ako.

Kumain atsaka umalis. Di na ako nakapag paalam kay Pierce pero nag iwan ako ng note. Trip ko lang talaga kasi ang early ko maligo eh. Gusto ko lang mag unwind.

"Ah kuya san po ba papunta ng ** Univ?" Sabi ko sa kuyang tricycle driver na nasa tapat ko ngayon.

"Ah, medyo malayo pa yun. Sakay ka muna sa tricycle ko tapos hatid kita sa sakayan ng jeep." Sabi nung kuya mukhang mabait naman kaya sumakay agad ako.

Umabot din ng 20 mins ang pagkakaupo ko sa tricycle tapos

"Oh dyan, sakayan ng jeep dyan may makikita ka naman sa harap ng jeep nila na ** Univ. tapos don ka magpapunta." Sabi ni kuya.

"Eto po bayad ko." Sabi ko at abot ng bayad.

"Salamat iho, wait may sukli pa." Sabi niya at nagsalita agad ako.

"Hindi na po, sa inyo na po iyan." Sabi ko.

"P-p-pero." Nauutal na sabi ni kuya.

"Okay lang po, ka-kaunti na lang po ang mabait na tao tulad nyo. Salamat at paalam po." Sabi ko sa kuya.

Atsaka umalis. 200 kasi ang bigay ko nakatupi hindi na niya iyon tinignan maigi pero may nasa loob pa iyon na P1000 na nakatupi maigi para hindi niya makita. Kanina ko pa yon ginawa nasa byahe pa lang eh kasi wala akong magawa kaya naisipan ko na gawin yon.

Pasakay nako ng jeep ng may tumulak sakin at napaupo ako sa lupa. Oo sa lupa talaga niya ako siguro tyinempo.

"Argggh" Lumabas na lamang sa bibig ko.

"Haharang-harang ka kasi." Sabi ng pagtingin ko sa mukha nagulat ako na siya pala yon.

Pagka tingin namin sa isa't isa umalis na siya at umakyat ng jeep ako naman tumayo at nag pagpag ng pants at umakyat na din sa sinakyan niya na sasakyan.

Dahil sa wala na ata akong naupuan eh ang ganda pa naman ng gising ko good vibes ako tapos ngayon naman sasabit pa ako. Ughh!! Bwisit!!

Eto namang mga lalaking to hindi man lang maging gentleman. Nyeta! Lalo na tong si Adrian.

Oo na, sya yung tumulak sakin. Gag* talaga.

"Ah kuya,upo na kayo dito." Sabi nung nasa kanan na lalaki at nasa kaliwa. Napansin niya siguro na hindi ako sanay sumabit.

Tatayo na siya ng tumayo si Adrian at pinilit akong paupuin sa upuan niya kanina.

"Sit." Maawtoridad niyang sabi. Eh ako naman np choice umupo na din ako. Nag thankyou na lang di ako don sa lalaki kahit nakakahiya ang ginawa ni Adrian. Ewan ko ba minsan may regla to o minsan wala minsan bwisit. Ay nako bahala na siya.

Naalala kong hindi pa ako nagbabayad. Kaya nag kalkal ako ng wallet ko at kinuha ko na ang P50 para pang bayad na iaabot ko sa driver ng inunahan nanaman ako ni Adrian.

"Bayad po dalawa. Itong lalaking ito *turo sakin* at pati ako." Sabi ni Adrian at inabot naman yun ng lalaki sa harap ko and P1000 pesos. Natawa ako sa binigay niya.

"Walang sukli yan. Haha" Sabi ko sa kanya.

"Nanghihingin ba ako ng sukli? -___-" Sagot niya sakin na ikinainis ko. Bwisit! Akala mo kung sinong mayaman! Tss!

Nakababa na kami ng school.

Pagkababa ko nauna na si Adrian umalis at ako naman nag pahuli para hindi ko siya makasabay. Natatakot ako kasi baka makita kami ni Pierce.

Nasa harap nako ng school ng may tumamang malakas na kung ano mang bagay sa likod ko at doon ako napaluhod.

Sh*t ang sakit!

Pagharap ko sa likod ko nakita ko ang kumpulang mga babae na nagtatawanan.

"Serves you right. Ang landi landi mo." Sabi niya at umalis na at inunahan pa ako sa pagpasok sa school at naalala ko na yun pala yung babaeng nakasabay ko kanina sa jeep.

Ugh! Sakit talaga. Babalik nanaman ba tayo sa dati? Mas okay na siguro to. SAbi ko sa sarili ko at tumayo ako at ngumiti ulit.

Sinabi ko sa sarili ko na kaya ko to. Beginning but not new to me. Hope this time lahat maging tama at maayos. Ayoko ng maulit pa ang nangyari dati kaya gagawin ko ang lahat para maayos at gustong gusto ko ng sumaya. Sumaya sa pagibig ba, Hm...

To be continued....

I'm In love with a BULLY (ManXMan) (Mpreg) (completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon