Chapter 7

528 33 0
                                    

Oo nga pala malapit na din yung College Scholastic Ability Test, ilang months nalang. Kaya pala todo aral na yung iba.

Hindi naman sa nagmamayabang pero nagkaroon ng poll kung sino ang may pinakamataas na makukuha sa CSAT at ako ang nakakuha ng pinakamataas with 37% na votes sa buong school.

Pano na yan eh mukang sa Math problemado ako. Sana naman turuan na ko ni Jeongmin.

Si Jeongmin Math Wizard yan at never pang nagkaroon ng mistake. Perfect lahat ng mga activities, assignments, quizzes at exams niya. Pagdating sa Math walang makakatalo kay Jeongmin.

Buti na lang kahit magaling siya hindi siya gaya ng iba na nagdadamot. Lahat ng humihingi ng tulong sakanya tutulungan naman niya.

Meron din namang iba na magaling sa Math gaya ni Jeongmin pero siya lang yung hindi madamot eh.

Siguro naman nakalimutan niya ng tinawag ko siyang assuming. Oo! Pwede na kong magpaturo sakanya.

"Tara sa library!" (Seokmin)

Tumayo na kami ni Minghao para sundan siya. Tumigil ako sa paglalakad para lumingon sa likod.

"Jeongmin tara sa library!" yaya ko pero inirapan niya lang ako "Sasama ka ba?" hindi niya ako pinansin at tumayo siya saka sumunod kala Minghao at Seokmin kaya sumunod na din ako

- - -

"Hoy Seokmin anong nakain mo at nagyaya ka dito?" (Minghao)

"Gusto ko lang mag-aral bakit masama ba?"

"Nakakapanibago eh" sabi ko

"Masanay na kayo kasi hanggang sa grumaduate tayo mag-aaral na ko ng mabuti" sabi ni Seokmin saka siya tumingin sa ibang direction at nangiti na parang kinikilig "May inspiration na ko"

Si Jae In na kapatid ni Seongcheol hyung? Sakanya ba nakatingin si Seokmin?

"Sino?" tanong ko

Tinuro niya nga si Jae In. Si Jae In nga talaga.

"Ang sabihin mo gusto mo lang mag sight-seeing" sabi ko

"You're one to talk! Eh kaya mo lang niyaya si Jeongmin para titig—" hindi ko na pinatapos sa pagsasalita si Seokmin, tinakpan ko na yung bunganga niya

Tinignan ko si Jeongmin, mukang hindi niya naman narinig yung sinabi ni Seokmin. Buti na lang, si Seokmin kasi masyadong pahamak!

"Gusto mong isumbong kita kay Seongcheol hyung na type mo yung kapatid niya, ha?" pabulong na pagbabanta ko

Inalis niya yung kamay ko na nakatakip sa bunganga niya saka ako sinamaan ng tingin "Gusto mong isumbong din kita kay Jeonghan hyung na hinalikan mo kagabi si Jeongmin, ha?"

"Nakita mo?"

"Ay hinde! Hindi ko nakita" nilabas niya yung cellphone niya saka may pinakitang picture sakin "Hindi ko talaga nakita!" ngumisi pa ang loko

"Ano ba ang ingay niyo!" sigaw ni Jeongmin na nagpagulat kay Seokmin kaya nahulog niya yung phone niya

Pupulutin na sana niya yung phone niya pero nag-inat si Minghao kasama ang legs kaya bigla nalang niyang nasipa yung phone sa kung saan

Nagkatinginan kami ni Seokmin at agad na tumayo para hanapin yung phone. Grabe naman kasi sumipa si Minghao at nawala ng ganito kalala yung phone! Pano kung may makakita ng picture patay ako kay Jeongmin!

Si Seokmin kasi nakuha pang picturan kami!

Nauntog na kami sa lahat ng ilalim ng table dito sa library pero huli na ang lahat. May nakahanap at malamang nakakita ng laman ng phone...

"OMG guys! Mingyu and Jeongmin are dating!"

Sa lahat ng makakapulot ng phone ni Seokmin bakit si Minah pa!

Narinig ko na rin ang mga tunog ng phone ng lahat ng nandito. Malamang yung picture namin sinend niya na sa buong school!

Ang pinaka-inaalala ko, kung anong magiging reaction ni Jeongmin kaya binalikan ko siya sa table namin. Naka-earphone lang siya't nag-aaral pa din, hindi niya napansin na nakatingin na lahat ng students sakanya.

Gusto ko siyang ilayo dito pero baka magka-issue pa lalo.

"Seokmin, ilayo mo muna siya dito"

Niyaya na ni Seokmin si Jeongmin at buti nalang sumama siya.

Hindi pa sila nakakalayo kaya nagkaroon ng opportunity yung iba para buhusan si Jeongmin ng slime at sabihan ng kung ano-anong masasakit na salita.

"Ano tong ginawa mo Kim Mingyu! I hate you! Simula ngayon wag na wag mo nakong kakausapin!" nangagalaiti niyang pinakita yung picture namin

"Jeongmin! Wag naman ganito oh!"

"Jeongmin! Jeongmin mahal kita!"

Tinignan ko ang buong paligid ko at lahat sila may hawak na bucket na may lamang tubig.

Sabay-sabay nilang binuhos yun sakin kaya napasigaw ako...

"Ah! Ang lamig!"

Panaginip lang pala akala ko totoo na. Pero teka bakit parang nabasa nga ako?

Tumingin ako sa kaliwa at nakita ko sila Jeonghan hyung at Seungcheol hyung na may hawak na bucket, sa kanan naman sila Hoshi hyung at Jun hyung naman ang may hawak na bucket.

Apat na bucket pala yung binuhos sakin! Ang harsh naman nila hyung!

"Nakaalis na yung lima" (Hoshi)

"Ikaw na lang ang natutulog kanina pa" (Jun)

"Malelelate ka na!" (Seongcheol)

"May nalalaman ka pang 'Jeongmin mahal kita!' Sinasabi ko na nga ba may gusto ka sa kapatid ko!" paghyhysterical ni Jeonghan hyung

Bwisit kasi bakit ako nag sleep talk!






Presente지금Where stories live. Discover now