Chapter 5

515 37 0
                                    

[Please Play Love Letter by SEVENTEEN] 

JEONGMIN'S POV 

Time check, 11 PM pero hindi pa din ako makatulog! Sira-ulo talagang Mingyu yun! Halikan ba naman ako! 

Gagantihan ko yung ulol na kapreng yun! 

Ng halik

Wah! Ano bang iniisip ko! Kalimutan mo na nga yung nangyaring yun kanina! Sadyang may topak lang talaga yung Kim Mingyu na yun at gusto niya akong hawaan! Kasi sobrang nababaliw na ko ngayon! Pwedeng-pwede na kong dalin sa mental hospital! 

Wala na eh! Wala na yung pinaka-iingatan kong first kiss! 

"Yung first kiss ko!" sigaw ko habang nagdadabog-dabog na nakahiga sa kama at sinasabunutan ang sariling buhok!

Bigla nalang bumukas ang pinto at isang Yoon Jeonghan noona este oppa ang bumulaga sakin "Ano!? Yung first kiss mo!? Anong ibig mong sabihin ha babae ka!?" 

"Oppa! Yung first kiss ko wala na!" 

"Sino!? Sinong Poncho Pilato ang kumuha at sabay ko kayong pag-uuntugin! Malanditera ka! Hindi kita inalagaan nung baby ka habang wala sila eomma at appa para lang maging ganyan ka! Ako na nagpalit ng diaper mo! Tapos! Ganito lang ang gagawin mo ha baby girl!" 

Sinasabi ko na nga ba maghyhysterical nanaman ang noona este oppa ko eh! 

"Wala! Nanaginip lang naman ako na nakuha na daw first kiss ko ni Lee Min Ho! Ang O.A. mo oppa sarap mong gupitan ng buhok!" 

"Subukan mo! Kakalbuhin kita!" 

"Kung kaya mo! Over acting! Lumabas ka na nga lang sa kwarto ko!" binato ko na lang ng unan si Jeonghan oppa "Pag kagising mo bukas semikal ka na!" 

"Tignan lang natin!" binato niya pabalik sakin yung unan "Lagot ka sakin pag nabawasan kahit 0.5 inch lang itong buhok ko!"

"Hindi ba pwede kahit tanggalan ko lang ng split ends yang buhok mo?" 

"Wala akong split ends gaga!" 

"Gaga ka din! Long hair na may bigote!" 

"At least mas muka pa kong babae kesa sayo!"

Burn! Okay World War 3 na this! 

Binato ko lahat ng stuff toys na meron dito sa kwarto sa isang Yoon Jeonghan na nagpatili sakanya na parang babae. 

*ding-dong* 

Yan na yung inorder ko na pizza and chocolate ice cream! 

Dali-dali akong bumaba at binuksan ang pinto. Hindi nga ako nagkamali at ang mga pinaorder ko ang dumating. Pagkatapos kong bayaran dumirestyo agad ako sa sala para manood ng movie sabay kain nitong pizza at ice cream! 

"Baby girl pahingi naman!"

"Ayoko nga! Baby girl pa gusto! Pagkatapos mong sabihing mas muka ka pang babae kesa sakin? Bleh!" binelatan ko siya saka ko pinagpatuloy kumain ng ice cream

"Sige ka isusumbong kita kala eomma at appa na nagkiss kayo ni Mingyu! Kadiri!" nabugahan ko na lang sa muka si oppa sa sobrang gulat "Yoon Jeongmin!" 

"Oppa mianhae! Kung ano-ano kasing sinasabi mo!" 

"May nakakita sainyo gaga! Ako pang papaandaran mo ng nanaginip ka lang na nakuha first kiss mo! Anong akala mo sakin uto-uto!?" 

Patay kang bata ka Yoon Jeongmin!

MINGYU'S POV

"Mingyu okay ka lang?" nag-aalalang tanong ni Wonwoo

"Bakit mo naman natanong?"

"Para ka kasing robot kung sumayaw. Kanina ka pa ganyan, ano bang problema mo?"

'Kung pwede ko lang sabihin kung anong problema ko kaso lang baka magselos ka'

"Gusto ko kasing matuto ng robotics" ngumiti nalang ako para ma-convince siya sa sinabi ko, ngumiti naman siya pero may pahabol pa

"Corny mo" 

Tinuturo ngayon ng 'Performance Team' ang choreography ng Burn by Usher. Nakakaiyak yung kanta R & B kasi, tamang-tama sa kalungkutan na nararamdaman ko ngayon. 

Bwisit kasi bakit wala akong epekto kay Jeongmin. 

Pinakyaw niya ba yung anesthesia kaya sobrang manhid niya!? 

Tingin ko may gusto siya sakin kaya lagi niya kong inaaway kasi sabi nga nila 'the more you hate the more you love'

Pero ilang beses ko ng sinubukan pakiligin si Jeongmin pero lagi nalang palpak! Wala man lang kilig na makita sa muka niya, lagi nalang poker face. 

Nakakainsulto sa kapogian ko!

"Kim Mingyu!"

"Ay bakla!" nagulat ako ng biglang tawagin ni Jeonghan hyung ang pangalan ko habang nakapanewang at nakataas ang kilay niya! Nakakatakot ang aura!

"Anong sabi mo!?"

"Wala po hyung. Bakit?"

Naghairflip muna si Jeonghan hyung saka may binulong na di ko narinig

"Kitang ang haba ng hair ko tapos tatawagin akong hyung!"

"Ano kamo hyung?"

"Isa pang tawag mo sakin ng hyung Mingyu! Isa pa!"

Ano daw? May sinasabi ba si Jeonghan hyung?

"Hyung may kailangan ka ba?"

"Wag ka ng pupunta sa bahay namin magmula ngayon!" Inirapan niya ako, naghair flip saka nagdabog ng pintuan.

Problema ni hyung?

"Hyung naman! Hyung hintayin moko! Bakit naman hyung? Bakit bawal ako sa bahay niyo ha hyungnim? Mamimiss ako nila eomma at appa!"

Eomma at appa din tawag ko sa parents nila Jeonghan hyung at Jeongmin, matagal ko na kasi silang kilala.

"Kim Mingyu! Isa pang tawag mo sakin ng hyung! Isa pa!"

"Alangan naman noona itawag ko sayo?"

"Aish! Ewan!" Naghairflip ulit si hyung saka tuluyan ng umalis

"Lagot ka Mingyu! Hindi ka na tuloy makakaakyat ng ligaw kay Jeongmin!" pang aasar ni Seungkwan

"Anong ligaw? Anong ibig mong sabihin?"

"May nakita kami kagabi"

"Wag mong sabihin na?"

"Oo! Nakita namin ang nangyari kagabi! Wahaha!" Sabi ni Minghao

Oh no!

"Okay guys practice na ulit!" Pasimuno ni Seungcheol hyung

Paano kung?

- - -

Pagkatapos namin magpractice lahat. Naghiwalay na ang teams. Nasa practice room ako ngayon ng 'Hiphop Team' para sa performance namin sa satuday. Hay salamat makakaiwas ako sa pangaasar nila Seungkwan at Minghao!
Tamang-tama at walang pasok sa saturday.

Nagdecide kami kung anong kanta ang ipeperform namin para sa solo stage. 

Seungcheol: Guilty by Dynamic Duo

Wonwoo: You're my baby

Vernon: Lizzy Velasquez 

Ako: Oops by G.Na feat. Ilhoon 

Wala naman ata akong mahahanap para sa part ni G.Na

"Ako nalang sa part ni G.Na"

Presente지금Where stories live. Discover now