Chapter 2

819 50 42
                                    

MINGYU'S POV

Hindi man lang tinanong nila Seokmin at Minghao kung bakit nagkaganito yung muka ko! Bestfriend ko nga talaga sila promise!

Sasabihin ko na sana sakanila na gamutin nila ako kaso lang bigla nalang silang humilik. Nung pagsasampalin ko naman ayaw gumising, hilik lang ng hilik.

Kinuha ko yung phone ko saka ko tinawagan si Jeongmin "Minnie, kaw nalang gumamot sakin please"

("Anong Minnie? Saka teka lang bakit ako pa eh nanjan naman yung dalawa. Ibaba ko na to!")

"Wag Jeongmin wag mong ibaba! Sige na please oh! Tinulugan nila ako eh"

("Edi gisingin mo sige na may klase pa. Ipapaalam ko nalang kayong tatlo na nasa clinic kayo")

Pagkatapos nun binabaan niya na ako. Kahit kailan talaga yung babaeng yun! Bakit ba ang sungit nun pero yung kuya niya naman ang bait-bait!? Mahal na mahal nga ako ng kuya nun, baklang-bakla sa kapogian ko.

Buti nalang maraming bed dito sa clinic kaya syempre madami ding unan, alam na this! Seokmin at Minghao! Patay kayo sakin! Wahahaha!

Hindi na ako nagdahan-dahan, pinaghahampas ko na agad sila kaya napabangon sila.

"Ano ba Mingyu!"

"Nakita mong natutulog kami!"

Nakapikit pa din yung dalawa kahit na nakatayo na sila. Kumuha na din yung dalawa ng unan at sabay sana nila akong hahampasin pero natigilan sila ng makita ang pagmumuka ko.

Nabakla sila sa sobrang pogi ko...

"Anong nangyari sa muka mo?" sabay nilang tanong saka sila nagkatinginan at, natawa?

"Kamuka mo naman si Chucky pag pumapatay! Hahaha!" humagalpak pa ng tawa yung dalawa. Parang gago lang kasi sabay din nilang sinabi yan.

"Gusto niyong mamatay? Chucky pala ha!" kumuha ulit ako ng mga unan saka ito binato sakanila at binabato naman nila pabalik yung mga unan sakin

Nagpillow fight lang kaming tatlo hanggang sa gamutin na din nila yung sugat ko. Nagstay lang kami sa clinic hanggang sa dissmissal na. Sabay kaming anim kasama sila Seungkwan, Vernon at Dino na pumunta sa dorm para kumain. Hindi din tinanong nung tatlo kung bakit ganito yung muka ko.

"Alam niyo ba kung bakit busy lagi ang mga gwapo?" tanong ko sakanila

"Yan nanaman siya" (Vernon)

"Babanat nanaman" (Dino)

"Hayaan niyo na, kawawa naman" (Seungkwan)

Tong mga to! Tinalikuran ko nga, nakakainis kasi sila!

"Explain ko mamaya sa dorm, alam niyo naman busy pa ko"

Ilang oras nalang night class nanaman namin.

- - -

(Sa dorm ng Seventeen...)

Dalawa lang kami ni Seokmin na nasa sala. Yung iba nasa kwarto nila at yung iba naman wala pa dito sa loob ng dorm.

"Seokmin, globe ka ba?"

"Bakit, kasi ako ang mundo mo?"

"Hindi. Tinatanong ko lang, papasa sana ng load"

Tinignan niya ko ng masama saka ako nilayasan. Problema nun? Manonood na lang ako ng tv.

Habang nanonood ako ng tv tumabi sakin sila Seungcheol hyung at Wonwoo hyung. Nasa gitna nila ako at bigla nila akong kiniliti saka pinagtangkaan ikiss sa cheeks pero umiiwas ako habang tumitili ng "tulong! nire-rape ako nila Seungcheol hyung! Waah!"

"Nakakatampo ka naman fafa Mingyu!" (Wonwoo)

"Oo nga naman! Hindi mo ba kami namiss fafa?" (Seungcheol)

"Pakiss na fafa Mingyu!" (Wonwoo)

"Muah Muah!" (Seungcheol)

Alam ko na! "Osige pagbibigyan ko na kayo! Pumikit kayo" sinunod naman nila ang sabi ko saka sila ngumuso "Pagbilang ko ng tatlo, kiss niyo na ko! Game!"

3!

2!

1!

Seungcheol, Wonwoo sitting on a tree, K-I-S-S-I-N-G.

Habang nakalapat ang lips ng dalawa sa isa't-isa, natulala naman yung sampu ng dumating dito sa sala.

"Seungcheol? Wonwoo?" (Jeonghan)


Presente지금Where stories live. Discover now