"Bakit tatawa ba ko dapat?" Seryoso kong sabi. Hindi ko naman kasi nage-gets pinagsasabi niya. Kaya bakit ako tatawa diba? Ano yun? Baliw lang?

"Tss. Oo nalang." Sabi niya sabay gulo sa buhok ko. "Uuna na ko Ara. It's getting late." Sabi niya.

"Sige, hahatid na kita sa baba." Sabi ko.

"Wag na. Dito ka nalang. I can manage." Bigla naman niyang hinawakan ang kamay ko at ngumiti.

Dug dug

F-uck. Bigla akong... bigla akong kinabahan. Bakit.. bakit nakatingin saakin ng ganyan si Shawn?

"A-atleast ihatid nalang kita sa elevator." Sabi ko.

"Sige na nga." Sabi niya sabay pisil sa pisngi ko. "Ang cute mo talaga." He said then chuckled.

"Tara na nga!" Sabi ko tapos pumunta na sa door. Sumunod naman si Shawn.

Tahimik kaming naglalakad ni Shawn papunta sa elevator. Tapos clinick niya na yung button para sa elevator.

Bigla akong may naalala.

"By the way, the bouquet? Alam mo bang nandito Mama ko kaya dalawang bouquet dala mo?" Tanong ko. Kasi diba nabigyan niya si Mama at ako.

Bigla naman siyang natawa.

"What's funny?" I asked.

"Wala. I had a hard time picking kung anong bouquet ibibigay ko sayo, so I bought both. Eh hindi ko naman alam na nandito Mama mo. Good thing narin na dalawa binili ko." Sabi niya tapos tumawa ulit.

"So, if Mama wasn't there dalawang bouquet ibibigay mo saakin?"

"Oo hahahaha."

"Susumbong kita kay mommy!!!!!" I said.

"Joke lang! Hahahaha. Ito naman. Good shot na ko kay Tita eh." Sabi niya sabay pout.

Kinurot ko pisngi niya. "Ang cute cute mo talaga!" Nakita ko bigla siyang nag blush.

Natawa naman ako. "Kinikilig ka?" Sabi ko.

Bigla naman siyang tumingin saakin ng seryoso.

"Ara, I'm falling for you harder and harder everyday." Napalunok ako sa sinabi ni Shawn.

Dug dug

Palapit ng palapit na yung mukha ni Shawn saakin.. palapit ng palapit...

Ting!

Napadilat ako ng mata ko. Nakita kong napadilat din si Shawn. Sobrang lapit ng mukha niya saakin. Nararamdaman ko yung paghinga niya.

"I'll go ahead." Bigla niyang sabi.

Lumayo naman ako agad. "A-ah, o-osige. I-ingat ka." Stop stuttering Ara!

Ngumiti si Shawn at sumakay na ng elevator. Bago tuluyang sumara yung elevator, Shawn called me.

"Bakit?" I asked.

"I love you." Then the elevator doors shut. I was left there, dumbfounded.

--

Nandito na ako ngayon sa university. Yung tatlo nag-restroom. Eh ako, tinatamad mag-restroom kaya sabi ko sakanila sunod nalang sila saakin sa parking. Uwian na kasi namin at balak naming mag-shopping.

Naglalakad na ako papunta ng parking ng may biglang humigit saakin.

"Ouch!" I shouted. Nung nakita ko kung sino yung humigit saakin, "Lucas?"

"Kamusta ka Ara?" He asked. Parang may nag-iba kay Lucas.. hindi ko lang alam kung ano. Parang... naging presko. Ay, ewan.

"What are you doing Lucas?" Taas kilay kong tanong. Ayoko pa namang hinihigit higit ako.

"I just wanted to say hi." Sabi niya sabay ngiti.

"Okay?" Taka kong sabi.. para talagang hindi na si Lucas tong kaharap ko. Ibang tao na tong kaharap ko eh.

"Are you free tonight? I just wanted to ask yo--" di natuloy yung sinasabi ni Lucas dahil bigla siyang hinigit ni Kean palayo.

Okay that was weird.

--

Desirie's POV

Nandito ako ngayon sa labas ng university nila Kean. I'm looking for him. May binili kasi ako para sakanya. My sorry gift sana for slapping him. Hindi ko naman yun sinasadya.

Finally, I saw him. Mag-isang naglalakad. Lalapit na dapat ako sakanya pero bigla siyang tumigil at parang sumama yung aura niya. May tinitignan siya. Sinundan ko kung saang direksyon siya nakatingin. Sa isang magandang babae na mukhang mataray at alam ko isa sa mga kaibigan niya.

Bigla akong nagtaka... bakit parang pakiramdam ko yung babae...

Napatigil ako sa pag-iisip ko nung nakita ko si Kean biglang lumapit tapos hinila yung kaibigan niya. Napatingin ako ulit dun sa babae, parang wala siyang pakialam. Napabalik tingin ko kay Kean, hinihinila niya padin yung kaibigan niya. Sumunod naman ako. Nung wala ng masyadong tao, tumigil sila.

"Ano bang problema mo Kean?!" Kean's friend shouted.

"Sabi ko sayo hindi ko hahayaang mapunta sayo si Ara." Seryosong sabi ni Kean.

Nabigla nalang ako nung sinuntok si Kean ng kaibigan niya.

"Kean!" Di ko maiwasang hindi lumapit sakanya. Lumuhod ako sa harap niya para i-check kung okay lang siya. Napa-upo kasi siya eh.

"Siya! Siya ang asikasuhin mo. Wag mo kaming pakialamanan ni Ara. Dyan ka sa fiance mo!" Sigaw nung kaibigan ni Kean sabay umalis.

Nung umalis naman yung kaibigan ni Kean, chineck ko ulit kung okay siya.

"Okay ka lang ba? Saan masakit?" I asked concerned.

Tinapik niya yung kamay ko. Nakahawak kasi ako sa mukha niya.

"Don't touch me." Sabi ni Kean at tumayo." Umuwi ka na. Sabi niya at nagtangkang umalis.

"Wait Kean." Pigil ko sakanya.

"Ano ba?!" Irita niyang tanong.

"I.. I bought something for you." Sabi ko sabay abot sakanya nung paper bag.

Napatingin naman siya sa paper bag na hawak ko.

"Desirie, I told you. You don't need to do thi--"

"But I want to."

"Ang kulit mo. Oo na." Kinuha niya yung paper bag. "Umalis ka na. Umuwi ka na." Sabi niya tapos tuluyan akong iniwan.

Di ko maiwasang hindi masaktan.. pero wala. Ginusto ko rin to. Ginusto kong magpaka-tanga.

Naglakad na ako pabalik kung saan naka-park yung sasakyan namin. Kasama ko kasi mga driver ko and body guards.

Nung nasa parking na ako, I saw that girl again.. Ara ata yung pangalan niya. I saw her with Sarrah and their friends, kaya ba ayaw saakin ni Sarrah because her friends is the girl in Kean's heart?

Napatingin ako sakanya. Ang ganda niya.. no wonder Kean's inlove with her.

Pero hindi.. hindi ako papayag na makuha nung Ara na yan si Kean.

Kean is mine.

Ara Demonyita (UNDER CONSTRUCTION)Unde poveștirile trăiesc. Descoperă acum