38. Got Your Back

Start from the beginning
                                    

"Okay."

Lumabas na kami ng kotse. To hell with the timing, labasan na rin ng mga chikiting. Pumunta kami sa waiting area na crowded dahil dun nag-aabang ang mga sundo ng mga bata.

Napapasulyap ako kay Arthur from time to time. Para kasing hindi siya mapakali base sa facial expressions niya habang nasa phone siya. May problema kaya sa office?

"Arthur, pwede mo naman akong iwan na dito. Pumunta ka na sa office. Baka kasi--"

He cut me off. "No, it's fine. Si Mommy kasi, sabi niya nag-maternity leave daw yung team leader ng Finance department. Ang dami raw iniwanan na trabaho."

Automatikong napanguso ako nung binanggit niya ang Finance. "Paano yan? May kapalit na?"

He shrugged. "Hindi ko alam sa HR. Kaya may meeting kami ngayon para pag-usapan yun. Maybe we can do evaluation in the Finance department para baka promotion nalang ang gawin namin."

"Daddy! Mommy!?"

Sabay kaming napalingon sa direksyon ng tumili. There we saw Venice running toward us. Sinalubong siya ni Arthur pero nilagpasan siya. "Baby--"

"Mommy! I missed you!"

Sa akin yumakap si Venice. Umupo naman ako para lumevel sa height niya. Nakita kong nalukot ang mukha ni Arthur dahil hindi siya pinansin ni Venice kaya binelatan ko siya. "Baby, namiss kita ng sobra."

"I missed you too!" Humigpit lalo ang yakap niya sa leeg ko. Oh, sh1t. Naiiyak ako. Bakit ganun? "Don't leave me again, please?"

"I won't," bulong ko at ginawaran siya ng halik sa ulo.

"Promise?"

For some reason, otomatikong napatingin kay Arthur. Ngumiti lang siya sa akin ng tipid kaya napakagat ako sa labi. It's hard to say promises. Darn. I don't want her to be disappointed when the time comes.

"Mom, promise me!"

Bumuntong-hininga ako. Ayoko na rin namang iwanan sila. Mas gusto kong makasama sila ng matagal. Ewan ko lang kay Arthur kung pabor siya dun. Ako lang naman yata ang may gusto. Hayyy. . . Bahala na.

"Promise, Venice."

She shrieked joyfully as she hugged me tighter. "Kyaaaah! I love you, Mom!"

Arthur stared at me and so I stared back. "I love you." I love them both. I swear, I'm in love with them both and this is so bad dahil hindi dapat ako mapamahal sa kanila ng ganito.

Naputol lang ang yakapan moment namin nang tumikhim si Arthur. "How about me?" sabi niya kaya lumingon si Venice sa kanya. He then spread his arms open. "Don't you miss dad?"

"Dad!"

At naikulong na kami sa maliliit na bisig ni Venice. I could feel Arthur's arms wrapped around us. . . tightly. Nahuli niya ang mga mata kong nakatitig sa kanya. He then sniled sweetly and whispered, "Thank you."

***

Nagrequest si Venice na magtake out nalang sa Mcdo instead of dining in. Sabi kasi niya, she felt sleepy na raw. So, ayun after ng lunch, I accompanied her to her bedroom. Sanay na talaga siyang matulog sa tanghali. What a nice little girl!

"You know what, nung bata pa ako, hindi ako natutulog sa tanghali. Ayaw ko kasi e. Ang good girl naman ng baby ko," I said as I cuddled with her on the bed.

Humagikhik naman siya. Nakakagigil! Ang sarap tuloy niyang yakapin. "My dad taught me how to be a good girl, Mom. When you weren't still here, he told me that it's your rule, isn't it?"

Ngumiti ako ng alanganin. Hindi yata ako na-orient ni Arthur tungkol sa rules na yun kuno. "A-ahh, yeah. Of course it is!"

"Mom?"

"Yes, baby?" The sound of her voice is like a sweet music to my ears. Sobrang lambing. Ako yata ang makakatulog pa nito.

"Tell me what happened with you and Dad in Singapore."

Nagtatakang tinignan ko ang mukha ni Venice sa sinabi niya. "About what?"

"About what you both did there."

Ngumuso ako. "Wala. We just went to the Universal Studios. Wait, let me show your our photos," sabi ko at kinuha ang phone ko sa bedside drawer. "Here's what we did, baby. Ayan, nagpakabata kami."

"Wow! You looked so sweet together!" Tapos yumakap ulit siya sa akin with matching tanday pa ng hita sa hita ko. "How I wish I was there with you."

Bakit nga ba hindi siya kasama ni Arthur? Ang alam ko, tatlo yung plane ticket na binili niya noon diba?

"Why didn't your Dad let you come with him?"

Nag-angat siya ng ulo at nakasimangot na tumingin sa akin. "Because he said he wanted to be alone with you, Mom." Hey, what?

"O--oh, really?"

"Yes! Oh. . . wait, that was supposed to be a secret! Lagot!" she shrieked and hid under the bedsheet. Nagtulog-tulugan ang bata. Napangiti nalang tuloy ako. Hindi naman ako manhid. At hindi rin naman ako naive. I know he likes me, but why is he holding it back?

Are we both scared what might happen? Knowing our past, siguro nga iyon ang dahilan.

3rd Person's POV

"We're done with the evaluation, Sir Arthur. And honestly, I'm not satisfied with the results. Most of them are still not fit for the position," anunsyo ng HR Manager.

Napailing si Madame Catalina. Si Arthur naman ay nakatitig lang sa resulta ng evaluation at gaya nga ng sabi ng HR Manager, hindi nga satisfying ang resulta nito. "So, any suggestions for this matter?" He has been this open to his company. Natutunan niyang maging bukas sa opinyon ng ibang tao dahil alam niyang hindi lang siya dapat ang maging utak ng kumpanya. Nung mga unang buwan pa lang iya bilang CEO ng kumpanya ay siya ang laging gumagawa ng desisyon. Pagdating ng evaluation ng top management, ito ang naging verdict sa kanya. He had been a know-it-all man but he tried to change for the better.

"Why don't we hire a new one, Sir?"

Tumikhim si Madame Catalina kaya natuon sa kanya ang atensyon ng dalawa. "You mean, job opening para sa posisyon na 'yon? High cost 'yan, Arthur. Alam mo namang marami tayong projects ngayon. You know what, I have this nephew who just graduated recently. He needs a job right now. Why don't you try him kahit trainee lang muna?"

Tumango si Arthur at tumayo. Sinuot niya agad ang coat na isinampay niya sa likod ng reclining chair niya. "It's settled then. Paki-review nalang yung resume niya," sabi niya sa HR Manager bago ito tumango at nagpaalam na. Saka siya bumaling kay Madame Catalina. "Mom, kindly tell him to pass a resume to our HR Manager. Bukas na bukas din malalaman niya ang resulta kung qualified siya."

Her mom smiled and said, "Okay. I will. Uuwi ka na agad?"

He smiled back and bent down to give her mom a kiss. "Hinihintay na ako ng mag-ina ko and besides, I'm still on my leave."

"Totohanan na ba 'to?"

Nagkibit-balikat lang si Arthur bago ngumiti. "Getting there," he said truthfully. Hindi niya na maipagkakailang nahuhulog na ang loob niya kay Alison. He's just afraid to admit it but more sincere to show it.

Natawa lang ang ina bago tumayo para yakapin si Arthur. Ngayon niya lang nakita muling masaya ang anak ng ganito. "I got your back, Bunso. All for your happiness. Just be careful. I don't want you to get hurt again this time."




-

Yhel's note: Shoutout sa mga readers ko sa DASMAMAC,Toledo City na naimpluwesyahan daw ni Bree Naan. Balita ko, pati mga lalaki daw dyan e nagbabasa din ng LTAU. Enjoy reading! :D

Let's Talk About Us [Completed]Where stories live. Discover now