CHAPTER 14 ~ Aquarium ~

Start from the beginning
                                    

Pinaningkitan ko siya ng mata. Hindi ko na pinansin ang 'date' thingy na sinabi niya dahil hahaba pa ang usapan.

"Nakakatamad pumunta sa mall. Pwede ka namang bumili ng nakaupo ka lang."-me

"But-"

"At least napapakanibanagan ang pagsasakprisyo ng brain cells ko dahi sa radiation. Kung hindi dahil saming mga buyers hindi madadagdagan ang dahilan para umikot ang ekonomiya sa bansa natin. Eh ikaw? Niluluto mo lang ang utak mo sa panonood ng mga movies at pag sta-status sa twitter. Kung sana katulad ng iba maganda pa ang mga post."

"Maganda din ang posts ko!"

Napakamot ako sa pisngi ko. Which I just realized is a signed when I'm irritated or frustrated. Pinigilan kong paikutin ang mga mata ko dahil ayokong maging manerism iyon.

"Hello? Ano kayang ikinaganda ng posts na 'Nagsusuklay ako', 'Nanood ako', 'Kumakain ako'. Balak mo bang i-announce sa mundo ang ginagawa mo minu-minuto?"

"Iyon ang gusto ng mga followers ko, you know."

"No, I don't know."

Nag pout na naman siya. Tumayo na ako mula sa pagkakahiga ko sa mat. Lumapit ako sa tahimik na nakaupo sa isang tabi na si Yale. Nasa tabi niya kasi ang bottled water ko. Tumingin siya sakin pagkatapos ay inabot niya ang tablet niya sakin.

"Bakit?"-me

"Online shop."

Ngumiti ako. Mabilis na umupo ako sa tabi niya at kinalikot ko na iyon. Sa isang tab na nakabukas may mga recipe ng kung ano-ano. Mukhang nagse-search siya.

"Ano nga palang ginagawa mo dito?"-me

"I'm bored. Iniintay ko sila Craige dahil mag spa-sparring kami."

Tumango-tango ako habang nakatingin parin sa tablet na hawak ko. Napangiti ako ng todo ng makakita ako ng isa na nakasale na nagustuhan ko dati. Dali-daling inilagay ko yon sa cart at pagkaraan ay nabili ko na.

Nag-angat ako ng tingin at napakunot ang noo ko ng mapansin kong wala na sa tabi ko si Yale

...

The Camp: He's My Secret Agent Bodyguard (Book 5)Where stories live. Discover now