MW: Chapter Four

17.3K 780 88
                                    

Xaviere Alexis Medina

Patay alas otso na ng gabi. Dapat kaninang alas sais pa ako nakauwi e. Pft. Naalala ko tuloy 'yong ginawa kong pakikipag-away kanina. Well, wala namang pakialam 'yang walang hiyang tinatawag kong Daddy sa akin diba?

Tss, bakit ba ako kinakabahan? His pathetic scolding is so not my style.

Binuksan ko ng dahan-dahan ang pinto para hindi niya ito marinig. At ingat na ingat ang bawat paghakbang ko habang tinatahak ang sahig ng bahay. May curfew kasi ang bahay na 'to. Bweset diba?

"And where were you young lady? Why are you late?" may pa young lady kapang nalalaman e wala ka ngang pakialam sa akin. Alas otso palang naman din, matulog kana!

"Explain yourself!" pasigaw na sabi niya habang hindi parin ako kumibo doon.

Lumapit siya sa akin. At parang may nakita siyang anong bagay sa mukha ko.

"Where did you get these bruises? Nakipag-away kana naman ba?" sigaw niya sabay hawak nang pisngi ko.

It hurts but I didn't give a grudge. I promised myself to never cry because of this man that I call father.

"It's none of your business!" sabat ko sa kanya. Nakaka-bweset din kasi, nagmamalinis siya? Hmm, pinapatawa mo din ako Dad. Joker ka ba?

"You know, your teacher told me that your failing your class!" sabi niya sabay bitaw ng mukha ko.

Alam kong pulang-pula na ang pisngi ko ngayon at mukhang dumudugo na rin ang pasa ko dahil sa pagpisil niya.

Tiningnan ko lang siya ng masama at dumura ako sa harapan niya ng dugo. It was because he made my bruises worst. Hindi din kasi siya nag-iisip e. Sarili niya lang talaga ang iniisip niya.

"Alexis, ano ka ba. Pinalaki ka naman namin ng maayos diba? Bakit ka ganyan?" Pinapatawa mo talaga ako Dad. Is that even a question? Pathetic.

Hindi ko namalayan na tumutulo na pala ang mga luha ko at nakaluhod na pala ako dito sa gitna ng sala namin. Pinalaki ng maayos?

~•~

"Anak, 'yong mga bagahe natin ha! Baka meron tayong makalimutan." tugon ni Mommy sabay labas ng pinto.

"Opo mommy!" nagkasabay na naman kami ng pagsabi ni kambal.

Ang name ng identical twin ko ay si Xaviere Jade Medina. Magkapariho talaga kami ng mukha, ang magka-iba lang sa amin ay ang mga gusto at hobbies namin. Si Jady kasi, mas artistic siya, 'tas ako naman mas hilig ko ang sports.

Papunta kami ngayon sa Baguio para magbakasyon. Nag-iimpake na kami ni Jady.

It's our first time to go there. And for Jady it's a dream. Matagal niya na kasing gustong pintahin ang kabukiran ng Baguio.

"Jady, dadalhin mo ba talaga 'tong white canvas mo? Ang laki kasi baka mabali 'to habang nasa byahe tayo." sabi ko kay Jady habang pinapasok ang mga brushes niya sa loob ng shoulder bag ko.

"Oo, Lexi gusto kong ipaint ang buong Baguio!" napangiti nalang ako sa kanya at ginawan na ng paraan para maipasok ang canvas niya sa loob ng maleta namin.

Actually I envy my sister. Ang layo talaga kasi ng tanaw ng kambal ko sa buhay. She has thought out all the things she want to be, when we grow up.

Gusto niyang pumunta sa France and take up Arts and Design and strive to be one of the rising painter in the world. Her dream is to have her own gallery one day.

Miss Warfreak [COMPLETE/REVISING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon