C4JADE9: Escape

1.4K 54 1
                                    


jasxxmn I dedicate this chapter to you :D

Allexis POV


"uhmmm .. hello?" kasalukuyan ako naglalakad ngyon pauwi ng bahay, ng biglang may tumawag sa akin

"pumunta ka sa bahay ko... pag uusapan natin ang bet" malalaman ko na ang kasagutan, malalaman ko na ang nangyari dati

"sige... ano oras henry?

"4pm" pagkatapos nun, binaba na namin pareho ang phone

bigla nalang humangin ng malakas, napapikit ako dahil sa lakas at pagkadilat ko may nakita ako lalaki, nakatayo siya sa poste at tila bang tumitingin sa akin

hindi ko masyado makita ang mukha niya dahil naka hood siya na jacket, kulay itim ang jacket niya. umalis na siya sa kinatatayuan niya, pero bago siya umalis, may tinapon siyang papel, dahil sa curiosity ko pinulot ko siya

"ulo?" may nakita ako, drawing siya ng ulo pero duguan ang mga ulo at para bang pinugutan ang mga ulo nila, hindi ko nalang ito pinansin at tinapon ko nalang


3:00pm


may isang oras pa bago ako pumunta kela henry, napag isipan ko mag bukas ngayon ng facebook para makita kung ano ang reaction nila 

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

FROM CECILE:

guys, sorry pero lilipat na ako ng school, starting tom. 

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

FROM: MARTIN

ako din, inayos na nila mama at papa ang papers para makalipat ako, balak nila sa states nalang ako ilipat

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

FROM: MIKA

ganon din ako, sorry talaga, hindi ko na kasi kaya :(

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

lilipat na silang tatlo. hindi ko maisip kung lilipat ako kasi iba ang nararamdaman ko kung sakali gagawin ko iyon ilan beses na ako nagtatalo sa isipan ko kung lilipat ba ako ng school or hindi na pero mas pinili ng isipan ko na mag stay sa school.. hindi ko alam kung bakit pero iyon ang naisip ko

hindi ko sila masisi kung lilipat sila.. kasi gusto na nila makawala sa nangyari sa section namin pero ito ba ang tamang desisyon?? sa tingin ko hindi 

3:30pm na malapit na mag 4, sabi ko kay henry magkita kami sa burger stand na malapit sa school at sunduin niya ako, malapit ko na talaga malaman ang lahat


4PM at Henry's House

"hello allex" bati sa akin ni maegan nang pumasok ako

nakipag-apir naman sa akin si nathan, at hindi ko akalain na makikita ko siya dito... si Jaxon, alam niya din kaya?

"allex maupo ka na" sabi ni henry, umupo ako sa kama niya

hinawakan ni maegan ang kamay ko "please sana pagkatapos nito.. wag mo kami iwan"

"promise mo sana sa amin..." sabi naman ni nathan

"si Jaxon mag kwento siyo" umupo si Jaxon sa gitna, at sinimulan na niya ang kwento


3rd person POV

Class 4: JadeWhere stories live. Discover now