C4JADE.3: Note

2.1K 69 4
                                    


Allexis POV 

kalahati na ng school year grabe ang bilis ng panahon, at medyo ok na ang lahat sa amin, as usual sa every class may maiingay pero disiplinado naman kami kahit papaano, ngyon ko lang naramdaman na masaya pala dito sa section namin. ang section "JADE" 

di parin napasok si Jacob pero nakalabas na siya ng ospital noong nakaraang linggo, ilan beses ko nga siya binibisita pero pag bumibisita ako lagi siya nakatingin sa bintana, sa totoo lang nakakaawa na siya, siguro sa pagbalik niya kailangan namin mag usap lahat

"Allexis"

pero yun ba ang tama?, meron kasi mga bagay na di ko pa alam tungkol sa nangyari dati nung 3rd year sila

"Allexis!"

ano ba nangyari dati?, ano ba ang tinatago nilang sikreto

"OI ALLEXIS!"

nagulat ako sa babaeng tumawag sa akin, si Amanda lang pala "Ano ba naman yan girl, tulala ka na naman" sabi niya

"Sorry" nakangiting kong sabi

"Tara na kain na tayo" lunch time na pala hinatak niya ako sa upuan at pumunta na kami sa canteen, nag uusap lang kami na bigla.... nakita ko ata si Jacob papunta sa principal's office, pumasok na pala siya?

"oi, bakit ka nakatingin doon?" tanong ni Amanda

"uhmmmm...." tinignan ko ulit at wala na pala si Jacob siguro nasa office na siya, bigla ako napipi walang lumabas na salita sa bibig ko

"hmmmmm... sige na nga ano pala gusto mo kainin?"

"Chicken curry nalang"

nagdadaldalan lang kami ni Amanda na bigla sumingit si Maegan sa amin

"Hi!" sabi na Maegan

"Tara sabay tayo kumain" sabi naman ni Amanda

umupo na si maegan at sumabay na sa amin kumain

"Alam niyo ba ang balita?" tanong ni maegan

"Hindi pa ano yun?" sagot ko naman

"Nakabalik na daw si Jacob..." nagulat ako sa sinabi ni Maegan tama nga pala nakita ko

"nakita ko siya papunta sa principal's office" sabi ko naman

"Ahhhhh... kaya ka pala nakatingin doon" singit naman ni Amanda

"Siguro ang pinakabest option na gawin ngyon at dapat magkaisa tayo lahat..... tayong Jade" sabi ni Maegan

nag-nod naman kami ni Amanda sa sinabi niya... Tama kailangan na kalimutan ang nakaraan kahit gaano pa naman ito kasakit na gawin. nag ring na ang bell hudyat na tapos na yung lunch time bumalik na pala kami sa classroom... sakto vacant kami ngyon... nagkwentuhan yung iba, at nag soundtrip. ako naman nag iisp... paano kaya magkakasundo si Jaxon at Jacob??

"Oi guys may itatanong lang ako" tumayo sa harap si Maxine... siya nga pala ang na elect na president namin, vice naman si Henry

"Ano yun?" tanong ni Alexander

"May natanggap ba kayong text nung first day natin?"

naalala ko pa.. yun kaya yung welcome to Jade? pero bakit ngyon lang niya ito ni open up?

"oo" sagot namin lahat

"may di maganda ako nararamdaman dito......" nakayuko na sinabi ni Maxine

"noon ko pa ito iniisip... may pinapahiwatig ba yung text na yun?... di ko alam kung may nananakot o maganda ba ang ibig sabihin ng text" pagpatuloy ni Maxine

Class 4: JadeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon