C4JADE7: Maxine's Memories

1.5K 61 4
                                    


Maxine POV


pagkahiwa niya sa leeg ko bigla ako nadapa sa sahig

napakalamig.. mawawalan na ata ako na hininga, nakikita ko siya na pinagtatawanan lang ako habang pinipicturan ako

"remembrance rin ito.." sabi niya

may mga kahon sa gilid niya, ano kaya gagawin niya doon

bigla ko naalala kung paano ko nakilala si Angeline at paano ako nagalit sa kanya at nangyari ang insidente na labis ko pinagsisihan mangyari


nagsimula yon noong third year pa kame..


~FLASHBACK~


heto na naman new school year since grade 1 top 1 na ako, nakakasawa na lagi nila sinasabi maging role model ako sa mga kamag-aral ko, tsk nakakainis na. magkamali lang ako grabe na ang react nila, nakakabwiset

third year na ako ngayon, panibago pagsubok naman, minsan iniisip ko, wag na ako mag seryoso sa pag-aaral pero kahit ano gawin ko, hindi ko kaya baka itakwil ako ng mga magulang ko

"Maxine!" lumingon ako sa tumawag sa akin

si Henry

"musta na?, magkaklase parin tayo, alam mo ba yon?" sa lahat ng kaklase'ko si henry ang pinaka gusto ko, hindi ko alam kung bakit siguro dahil friendly siya

"nakakainis"

nawala ang mga ngiti niya sa sinabi ko, napalitan ito ng pagtataka

"bakit naman?"

"makikita ko ulit yan, panget mong mukha" natawa kong sabi, ngumiti naman si henry at napatawa na rin

"oo nga pala, may bago tayong kaklase"

bago? at sa section 1 talaga napunta, siguro matalino siya, kasi bihira lang sa isang transfer student ang mapunta sa section 1 agad

"Ano name niya?" tanong ko

"Angeline" matipid na sagot ni henry

sino kaya si Angeline... mukhang mabait siyang tao sa name'palang na may halong Angel LOL, ano ba ito naiisip ko, 6:50 na pala lapit na magsimula ang klase

"tara na!" hinatak ako ni henry papunta na sa classroom, may nabangga siyang babae, yan kase masyado nag mamadali akala naman niya ma late kami

"sorry ms." inabot ni henry ang kamay niya sa babae

"ok lang"

"ano pala name mo?" tanong ni henry

"Allexis" sagot naman niya

"oi Allex!" may babae na tumawag sa kanya, si Amanda pala

"sige, aalis na ako" nagpaalam na siya sa amin, si henry naman nakatayo parin, tulala siya

"Ang ganda niya"

ito ang nakakainis sa kanya medyo play boy siya, makikita mo nalang na kaka break lang nila ng gf'niya, sunod wala pang isang linggo may bago na agad

nag ring na ang bell, hudyat na klase na, nagmadali na kami ni henry, para di ma miss ang homeroom, buti naman pala wala pa ang teacher

may babae nakaupo sa likod, di ko pa siya kilala, siguro siya nga yung Angeline na sinasabi nila, maganda siya matangos ang ilong, maputi, curly hair ang higit sa lahat blue eye colored ang mata niya

Class 4: JadeWhere stories live. Discover now