"Ha? Ah..okay." Sht! Bakit mas lalong lumakas ang kaba sa dibdib ko?! Kelan pa naging ganito ang epekto ni Greg sa'kin?!

Kumapit ako sa braso niya at pumunta kami sa kotse. Sinalubong kami ni John, yung head bodyguard niya. Pinagbuksan kami nito ng kotse at kami nama'y sumakay.

Napuno lamang ng katahimikan ang loob ng kotse. Nakatingin lang sa malayo si Greg. Parang ang lalim ng iniisip niya. Hindi ako kumportable sa ganitong sitwasyon namin. Parang hindi si Greg ang kasama ko.

"Andito na po tayo, sir." Sabi pa ni John ng ihinto niya ang kotse sa tapat ng isang banquet hall. Puno iyon ng mga maliliwanag na ilaw at rinig ang tugtugin nanggagaling sa loob.

"Hazel? Natulala ka na diyan." Nagulat ako ng may biglang humawak sa balikat ko. Si Greg. Hindi ko namalayan na nakalabas na pala kami ng kotse niya. "Tara." Humawak muli ako sa braso niya at pumasok kami sa loob ng malaking gusali na iyon.

Puro mga sopistikadong tao ang naroroon. Sa pananamit pa lang nila ay alam mo na agad na mayayaman sila.

"Anong meron dito, Greg?"

"Birthday party."

Wow. Birthday party lang 'to? Grabe ha? Pero sabagay, ano pa nga bang aasahan sa mga mayayamang tao? Normal na sa kanila 'to. Normal na ang ganito kay Greg.

"Birthday nino?"

"One of my cousins. This serve as a mini family reunion na din."

"Pinsan? Sinong pinsan?"

"Andami mong tanong, Hazel. Haha. Don't worry, I'll introduce you to her later. Wait, kukuha lang ako ng maiinom namin. Which do you prefer: juice or wine?"

"Juice na lang." Sagot ko naman saka siya umalis. Umupo naman ako sa pinakamalapit na upuan ng natanaw ng mga mata ko.

Pinanood ko yung mga nagsasayaw sa gitna ng banquet hall. Wow. Dati sa fairytale ko lang nakikita ang mga ganitong sceneries. Iba talaga 'pag may pera ka, kahit ang mga non-fictitious things magagawa mo.

"It's good to see you here, Hazel." Nagulat ako ng marinig ang isang pamilyar na boses. Agad ko siyang nilingon.

"R-Ranz?! Anong ginagawa mo dito?!" Gulat na gulat kong tanong. "Ang akala ko party 'to ng pinsan ni Greg, ang akala ko mga kamag-"

"Shhh.." Pinigilan niya ako sa pagsasalita. "I know what you are thinking. Oo hindi kami gano'n ka-okay ni Greg, but that doesn't mean na damay na pati yung family niya. Besides, isa ang family namin sa mga stockholders ng kumpanya nila."

"Ahhh." Yun na lamang ang nasambit ko. Jusko. Ayokong makipag-usap tungol sa mga matters ng rich people noh? Masakit lang sa ulo.

"So, isinama ka ni Greg dito?"

Tumango naman ako. "Ikaw? Sinong kasama mo?" Tanong ko.

"Ah. Kasama ko yung kuya ko. Andito din kase sa gathering yung fiancée niya eh."

"Fiancée?"

"Yup. Kaso nawala sa paningin ko si Kuya. Siguro kasama na niya si Ate Shaine. By the way, akala ko kasama mo si Greg? Pero bakit mag-isa ka lang dito?" Sasagutin ko pa lang sana yung tanong niya noong marinig ko ang tunog ng isang nabasag na bagay.

"Anong ibig sabihin nito, Hazel?" Nagulat ako noong makita ko siyang nakatayo sa likuran ko. Mas lalo akong nagulat noong makita ko ang dugo sa mga kamay niya at ilang piraso ng bubog mula sa basong hawak niya. Dinurog niya ba iyon gamit ang kamay niya?!

"Greg yung kamay mo!" Agad akong tumakbo at kinuha ang kamay niya. Ibinalot ko ang panyong dala ko sa kamay niya para tumigil ang pagdurugo.

"Tinatanong kita, Hazel!" Sigaw niya saka niya hinila yung kamay niya mula sa pagkakahawak ko. Nagulog sa sahig yung panyong ipinambalot ko dito. "Bakit magkasama kayo ng lalaki na 'yan?! Diba may usapan na tayo?! Diba nag-promise ka?! How dare you break that promise?! You bitch! Kung gusto mong makasama ang lalaking 'yan, edi magsama kayo!"

Hindi ako nakasagot sa mga sinabi ni Greg. Hindi ako makapaniwala sa mga binitawan niyang salita. Hindi naman siya lasing.

"Greg nagkakamali ka." Lalapit pa sana ako para hawakan yung kamay niya noong tabigin niya ang kamay ko.

"Layuan mo 'ko!! Wag na wag mo akong hahawakan! Sinungaling ka!" At mabilis siyang umalis.

Naiwan naman akong nakatunganga roon. Parang sinemento ang paa ko sa kinatatayuan ko. Nang lingunin ko si Ranz ay nakita ko ang saya sa mga mukha niya.

"Parang bata. HAHAHAHA! Seryoso Hazel? Nagkakagusto ka sa sira ulo na 'yon?! Kaya ayaw ng mga magulang niya sa kanya eh!! Masyado kase siya tanga para maging tagapagmana ng —"

Isang sampal ang binigay ko kay Ranz. "Sino ka para pagsalitaan ng ganyan si Greg?! Ang akala ko pa naman mabait ka! Akala ko pa naman—"

"Puro ka akala Hazel. Hayy, hindi na ako magtataka kung bakit ka nagkakagusto sa baliw na 'yon. Pareho kayong sira ang—"

Isang malakas na suntok ang nagpatumba kay Ranz. Akala ko ay umalis na siya. Akala ko iniwan na niya ako pero heto siya, tumatagaktak ang pawis sa mukha niyang bakas ang galit.

"Oo sira-ulo ako! Sira-ulo ako kase pinili kong mag-aral sa low grade schools imbes na sa mga gustong eskwelahan ng mga magulang ko! Oo sira-ulo ako kase ayokong maging tagapagmana ng kumpanya namin! Oo sira-ulo ako, tanga, bobo at wh0re. Sabihin mo na lahat ng gusto mong sabihin sa'kin pero hindi ako papayag na sabihan mo ng ganyan ang babaeng pinakamamahal ko!"

Isang suntok muli ang pinakawalan niya. Tumama iyon sa panga ni Ranz. Gusto ko siyang pigilan pero may part ng utak ko ang nagsasabi na he deserve it. "Greg.." I whisper.

Dumating ang mga bodyguard ni Greg at inawat siya. Hinila din nila palabas ng hall si Ranz. Napunta kay Greg ang atensyon ng lahat.

"Ano na naman bang ginagawa mo ha, Greg?" Napalingon kaming lahat noong magsalita ang isang babae na sa tingin ko ay nasa 25-30 ang edad.

"M-Mom?"

Ehhhhh?! Siya ang Mama ni Greg?! Oo na gulat na gulat na ako. Simula kase nung bata ako, hindi ko pa sila nakikita kahit na sinasabing malaki ang utang na loob ng parents niya sa parents ko.

"Ano na namang komosyon ang ginagawa mo ditong bata ka?" Saka siya lumapit kay Greg at hinila ang tenga nito.

"Ouch Mom, ano ba?! Wag naman dito! Wag sa harap ni Hazel! Hey ouch!" Sigaw niya. Napalingon naman sa'kin ang mama niya.

"Hazel? You're Hazel?"

"O-Opo."

Binitawan niya ang tenga ni Greg at lumapit sa akin. "Ang laki mo na ha? Sabagay, maraming taon na ang nagdaan noong mamayapa ang mga magulang mo dahil sa-"

"Stop Mom. I don't want Hazel to remember that thing." Tapos hinila niya ako palayo.

"Where are we going?"

"Basta. Sumama ka na lang."

"But your Mom."

"Hayaan mo na siya."

Saka kami sumakay ng kotse at mabilis na umalis sa lugar na 'yon.

What are you thinking now, Greg?

My Bestfriend is a PlayerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon