Chapter Twelve

11.1K 254 14
                                    

"Ms. Chua, I need the report by 4 PM." Sabi sa akin ni Sir Adrian habang inaayos ko yung report.

Nagsimula na kasi akong magtrabaho sa company niya last week kaya heto medyo nagiging busy na rin ako. Kaya nilubos-lubos na namin ni Caiden ang oras namin para sa isa't-isa bago ako magsimula sa trabaho ko.

"Yes sir. Malapit ko na rin naman pong matapos." I smiled at him and he smiled back at me.

Mabait naman si Sir Adrian lalo na sa mga empleyado niya at masasabi kong maganda ang pagpapatakbong ginagawa niya sa kanyang company.

Hindi rin maikakaila na maraming nagkakagusto kay Sir Adrian dahil sa bukod sa mabait na ay gwapo rin siya pero syempre mas gwapo pa rin si Caiden.

"Okay. Thank you Ms. Chua." At umalis na rin si Sir Adrian, habang ako nama'y nagpatuloy sa paggawa ng report.

"Ikaw ha. Anong meron sa inyo ni Sir Adrian?" Pang-iintriga ng katrabaho kong si Ella, ang bilis talaga nitong babaeng ito pagdating sa pang-iintriga.

"Ha? Pinaalala lang ni sir yung report na kailangan kong ipasa mamaya sa kanya." I emphasized the word 'report'. Ngumiti pa siya sa akin ng nakakaloko.

"You know what? Sa'yo lang ganyan si Sir... I mean hindi naman niya pinapaalala sa mga empleyado niya yung mga dapat nilang ipasa sa kanya." So anong gusto niyang iparating. "Hmm... Baka naman may gusto siya sayo." She grinned.

Loka-loka rin ang isang 'to, kabago-bago ko lang dito eh ini-intriga na ako. Pasalamat siya medyo close na kaming dalawa kaya hindi naman ako naiinis sa pang-iintriga niya.

"May boyfriend na ako. So please lang... Wag ako Ella." I said in a very serious tone. Mukhang nagulat naman siya sa sinabi ko.

"Seryoso? Bakit hindi mo sinabi sa akin?" Parang bigla naman siyang na-excite. "Pakilala mo naman ako sa kanya? Gwapo ba? Mas gwapo pa kay Sir?"

"Pwede ba Ella, ipapakilala ko siya sayo but please lang ... He's mine, okay? Mine alone and I don't share." Sabi ko sa kanya.

"Yes naman. Oo naman. Sa ganda mong 'yan, hinding-hindi ka ipagpapalapit nun." Kininditan niya pa ako. "Pasalamat ka lang talaga mas maganda ka sa akin." And we both laugh.

Kumatok ako sa pintuan ng office ni Sir Adrian. "Come in." He said and I opened the door.

I saw him checking other reports while wearing his eyeglasses. I imagined Caiden doing the same also, siguro ganito rin siya ka-busy o baka mas busy pa.

"Sir ito na po yung complete report." I said as I place the folder on his table.

"Thank you Ms. Chua. By the way, pauwi ka na rin ba?" At tumingin siya sa akin habang nakangiti.

"Hmm. Opo Sir." Ngumiti na rin ako sa kanya. Grabe lang! Nakakahawa yung ngiti ni Sir Adrian, napaka-friendly.

"Ihahatid na kita." My eyes widened. Did I hear it right? "Okay lang ba?"

"Susunduin po kasi ako ng boyfriend ko." I honestly said. Bigla namang nawala yung ngiti niya. Hala, bakit kaya? "Sir, okay ka lang po?"

"Ah yes... I'm okay. Don't mind me." Ngumiti na ulit siya, with his usual friendly smile.

"Sige po Sir. I'll go ahead na po."

"Sige. Ingat kayo ng boyfriend mo." After that, umalis na rin ako ng office niya.

Arghh! Nakakainis! Hindi pala ako masusundo ni Caiden ngayon kasi may biglaang meeting siya. Hays.

Alam niyo yung almost one hour akong naghintay dito kasi akala ko male-late lang siya.

He should've texted me earlier. Ang sakit tuloy ng paa ko dahil sa kakahintay sa kanya, naka-heels pa naman ako. Hanggang sa may kotseng huminto sa harapan ko. Familiar yung kotse.

"Oh Ms. Chua. I thought you already went home." Kotse pala 'to ni Sir Adrian.

"Kaka-text lang po kasi sa akin nung boyfriend ko. Hindi niya raw po ako masusundo." Medyo malungkot at disappointed kong sabi kay Sir Adrian.

"What? He made you wait for like almost an hour?" Nagulat naman ako sa naging reaksyon ni Sir Adrian.

"Hmm. Okay lang po. Sanay na rin naman ako. Napapadalas na rin kasi ang pagiging busy niya this past few days."

"Ganun ba? Anyway... Get in. Ihahatid na kita." Hindi naman siguro masamang magpahatid kay Sir Adrian.

Siguro naman hinahatid din niya minsan yung iba pa niyang empleyado. "Gagawin mo ba akong driver mo?" He joked. Pasakay na kasi sana ako sa likurang upuan.

"Hehe. Sorry po Sir." At doon na rin ako umupo sa unahan.

Habang nasa byahe, hindi ko alam kung bakit parang biglang naging awkward kaming dalawa sa isa't-isa.

Hindi nga kami masyadong nag-usap habang nasa byahe, ang weird lang. Kasi parang biglang nahiya si Sir Adrian, ano kayang nangyari?

Nang makarating na kami sa bahay namin. Bumaba na ako ng kotse at ganun din si Sir Adrian. "Dito na lang po Sir. Salamat po sa paghatid." Sabi ko naman sa kanya habang nakangiti.

"You're always welcome. Anyway, I hope we can be friends." Akala ko naman kung ano yung sasabihin niya. Mabait naman siya so pwede naman kaming maging magkaibigan.

"Sige po Sir."

"And one more thing, kapag wala na tayo sa company ko, you can just call me Adrian since friends na naman tayo diba?" Medyo napakamot pa siya sa batok niya. Ang cute niya pala kapag nahihiya.

"Haha. Sige Adrian. Salamat ulit sa paghatid." Napangiti naman siya at ganun din ako. Kagaya nga ng sinabi ko nakakahawa talaga yung friendly smile niya.

[Love, sorry talaga. Sorry kung naghintay ka. I should've texted you earlier.] He said.

Tinawagan niya kasi ako pero wala ako sa mood makipag-usap sa kanya. Mukhang nahalata naman niya yun kaya heto sorry siya ng sorry.

"Okay na nga."

[Are you mad? Sorry na talaga Love. Babawi ako. Promise.]

"You don't have to."

[Sorry na talaga. Pupunta ako diyan.]

"Wag nang makulit Caiden. Sige na matulog ka na at matutulog na rin ako. May trabaho pa tayo bukas." Sabi ko naman sa kanya.

Medyo nawala na naman yung inis ko pero gusto ko na talagang matulog kasi pagod talaga ako ngayong araw.

[You're mad. I'll be there. Wait for me.]

"Caiden---" Ay bastos! In-end ba naman bigla yung call. Bahala siya diyan, matutulog na ako.

Nagising ako nang maramdaman kong may tumabi sa akin at yumakap pa. Naka-idlip pala ako saglit. "Love sorry na please..." I looked at him. Hala! Anong gingawa niya dito? Napabangon naman agad ako.

"Anong ginagawa mo dito?" Gulat na tanong ko sa kanya.

"Eh kasi galit ka. Kaya pinuntahan kita dito. Sorry na, Love. Wag ka nang magtampo please." He pouted. Mag-iinarte pa ba ako eh ayan na nga nag-effort pa siyang pumunta dito para lang mag-sorry.

"Okay na hindi na ako nagtatampo. Hindi na rin ako galit, Love." I give him a quick kiss on his lips. Napangiti naman siya sa akin.

"May kasalanan ka nga pala sa akin." He smirked. Nagtaka naman ako kung ano yung kasalanan ko sa kanya. "Hindi na Love yung tinawag mo sa akin kanina. Caiden lang." He pouted again. "And this will be your punishment." And then he claimed my lips.

"Ang saya naman pala ng punishment mo eh." I winked at him and bite my lower lip.

"Are you trying to seduce me again?" He smirked. I grinned. "As much as I want to make love with you, Love... but there's a right time for that. And I'm willing to wait for you... always."

I was just actually testing him and I'm sure that even if I tried to seduce him or what he wouldn't take advantage of me.

"I love you." And then I hugged him. "Thank you for always waiting for me." He hugged me tight.

"I love you more, Love."

And Then He Came Back [Completed-2015]Where stories live. Discover now