Chapter One

52.9K 715 88
                                    

This is a work of fiction. Names, characters, events are just product of the writer's imagination. Any resemblance to actual person or event is purely coincidental.

All rights reserved 2015. No part of this story may be reproduce in any form or by any electronic or mechanical means including information storage and retrieval systems without permission in writing from the writer.

Featured story in Short Story on September 29, 2015

---

Caiden... Huwag mo akong iwan... Caiden! Caiden! Caiden! "Caiden!" Nagising akong kabadong-kabado, sobrang bilis ng tibok ng puso ko. At tsaka ako napa-upo habang yakap-yakap ang aking unan. May mga luha na namang bumagsak mula sa mga mata ko, sa hindi mabilang na pagkakataon.

"Anak, okay ka lang?" Dali-dali kong pinunasan ang mga luha sa may pisngi ko. And again, I don't for how long I did manage to just forget the pain and hide it the same time. Humarap ako kay mama at ngumiti, yung ngiting minsan ay kailangan mo talagang ipakita upang hindi sila mag-aalala. I know I can always bear the pain, hide the pain just by myself.

"Okay lang po ako."But I'm not really okay. Mukhang nag-alala si mama kaya pinilit kong ngumiti sa kanya. "Ma, I'm really okay." When will I get tired of faking my smile? Napabuntong-hininga ako. Time will come, and I will just smile freely, no more burden within my heart, no more heartaches an no more pain. But how can you know if pain and heartaches won't come to you anymore?

"Okay, breakfast is ready, bumaba ka na." Tumango lang ako at walang kagana-ganang tumayo. Dumiretso ako sa banyo at pinagmasdan ko ang aking sarili sa salamin. Naghilamos at nag-toothbrush muna ako. Bumaba na ako at nakita ko naman sila mama at papa na masayang nagki-kwentuhan.

"Nee, umupo ka na rito." Tawag sa akin ni papa, hindi ko namalayang natulala na pala ako sa kinatatayuan ko. Ngumiti ako sa kanila at tahimik na umupo. Nilagyan naman ni mama ng fried rice yung plato ko.

"Thank you po." Sabi ko na sapat na para marinig ni mama. Kumuha na rin ako ng ham and egg.

"Nga pala, magbabakasyon tayo ng one month sa probinsya." Nagpatuloy lang ako sa pagkain. Hindi naman kasi ako sumasama tuwing nagbabakasyon sila mama sa probinsya. I prefer being alone at home during vacations. "Kasama ka nga pala Neezel." Halos mabulunan ako sa sinabi ni mama, inabutan niya naman ako ng isang basong tubig.

"Ano po?!" Medyo napalakas yung pagkakasabi ko kaya napakunot yung mga noo nila.

"Ayaw mo ba?" Tumingin sila sa akin. Bigla na namang bumilis ang pagtibok ng puso ko. Parang nahihirapan akong huminga. Uminom na agad ako ng isang basong tubig. "Nami-miss ka na ng lolo't lola mo." I really sighed heavily this time.

"Ayoko pong sumama." Mahina kong sabi. "Tapos na po akong kumain." Nawalan na ako nang ganang kumain kaya tumayo na ako, aalis na sana ako kaso...

"Tapos ka nang kumain? Eh halos hindi nga nabawasan 'yang pagkain mo." Napahinto ako nang biglang magsalita si papa. "May problema ba Neezel?" I know he's already mad at me.

He called me Neezel instead of Nee. "Ubusin mo 'yang pagkain mo, maraming nagugutom kaya wag kang mag-aksaya ng pagkain." Mahinahon niyang sabi dahilan para bumalik ako sa kinauupuan ko kanina.

"Papa, I'm done na po." Nicole said in a very sweet tone of voice. She's my five-year old sister, I simply looked at her.

"Very good baby." Sabi ni Papa kay Nicole. Hindi ko na lang sila pinansin at pinilit ko na lamang ubusin yung pagkain ko kahit nawalan na talaga ako nang gana. Pagkatapos naming mag-breakfast ay pumasok na si Papa sa trabaho niya samantalang si mama ay nagsimula na sa mga gawaing-bahay. Tumulong naman ako sa pagliligpit ng pinagkainan namin.

And Then He Came Back [Completed-2015]Where stories live. Discover now