Chapter Three

23.5K 434 24
                                    

"Mama, papa! Ayoko po rito!"Patuloy sa pag-iyak ang batang nagngangalang Neezel Chua. Hinabilin kasi siya ng kanyang mga magulang sa lolo't-lola niya noong siya'y anim na taong gulang pa lamang. Minabuting iwan muna siya sa kanyang lolo't lola dahil sa hirap ng buhay.

"Neezel, huwag ka ng umiyak babalik sina Mama at Papa mo. Kailangan lang nilang makahanap ng trabaho." Paulit-ulit na sabi ng kanyang lola. Subalit hindi pa rin ito tumigil sa pag-iyak.

"Ayoko rito! Uwaahhh!!!" Humagulgol pa siya lalo, hanggang sa may isang batang lalaking dumating at tumabi sa kanya.

"Hello..."Kumaway pa sa kanya ang batang lalaki subalit hindi niya ito pinansin at lalo pa siyang umiyak.

"Neezel apo. Huwag ka nang umiyak." Umiling-iling lang si Neezel at patuloy pa rin sa pag-iyak.

"Wow! Neezel pala ang pangalan mo? Ang ganda ng pangalan mo... Kasing ganda mo." Pamumuri ng batang lalaki kay Neezel, panay hikbi na lang ang maririnig mula kay Neezel.

"Mukha kang prinsesa." Ngumiti ang batang lalaki sa kanya. Isang ngiti na tila ba nagsasabing 'huwag kang mag-alala nandito ako para sa'yo, hinding-hindi kita iiwan'.

"Do you want to be my princess? Because I'm willing to be your prince." Tila ba nagliwanag ang mukha ng batang si Neezel. Pinunasan niya ang mga luha sa kanyang mukha.Tumango-tango naman siya sa batang lalaki. "Okay. You'll be my princess."

"Hindi mo ako iiwan."Nakatitig lang ang batang si Neezel sa mga mata ng batang lalaki.

"A prince will never leave his princess." Paninigurado ng batang lalaki kay Neezel.

At simula noong araw na yun hindi na muli nakadama ng kalungkutan si Neezel kasama ang nag-iisang prinsipe ng buhay niya.

Nagising si Neezel na umiiyak. Muli niya na namang naalala ang masasayang araw kasama ang nag-iisang prinsipe ng buhay niya. Pinunasan niya ang mga luha sa kanyang mukha.

NEEZEL'S POV

"Pupunta tayo sa lolo mo ngayon, magbihis ka na Neezel." Ngumiti na lang ako kay mama at nagbihis na rin ako.

Pagkatapos kong magbihis ay lumabas na kami ng bahay at naghintay na may dumaang jeep.

Sasakay na sana kami sa jeep nang biglang may sasakyan na huminto sa harapan namin.

Pagbukas ng bintana ng sasakyan nanlaki ang medyo singkit kong mga mata sa nakita ko. "Saan ba ang punta niyo? Kay tatay at nanay mo ba?" Tanong sa amin ni Lolo Manuel, ang lolo ni Caiden.

"Opo, pupunta po kami kina tatay at nanay." Sagot naman ni mama, tumahimik lang ako.

"Sumabay na kayo sa amin." Mabait talaga si Lolo Manuel noon pa man kaya hindi na rin kami nakatanggi sa kanya.

Sa tabi ni Lolo Manuel sumakay si mama, samantalang kami ni Nicole sa may likod na lang.

Pinauna ko munang pumasok si Nicole at tsaka ako sumunod. Pagkapasok na pagkapasok ko isang nakangiting Caiden ang nasilayan ko.

Bakit hindi ko naisip na posibleng nakasakay siya dito?

"Good morning my princess" Anong maganda sa umaga kung siya yung nakita ko? Pero dahil nandiyan si Lolo Manuel na kahit hindi niya kami masyadong napapansin kasi abala siya sa pakikipag-usap kay mama. Ngumiti na lang ako ng pilit kay Caiden.

Umiwas na ako ng tingin sa kanya at tsaka sa binati. "Good morning din." Nakakainis! Dapat hindi ko na lang siya binati.

"Mga dalaga't binata na talaga ang dalawang ito." Tumingin sa amin si Lolo Manuel kaya ngumiti na naman ako ng pilit. "Pwede mo ng ligawan si Neezel, apo." Nakangiti niyang sabi sa amin. Napatingin naman ako kay Caiden habang nakakunot ang noo ko. Nakakainis! Mukhang tuwang-tuwa pa siya sa sinabi ni Lolo Manuel.

And Then He Came Back [Completed-2015]Opowieści tętniące życiem. Odkryj je teraz