Chapter Five

16.9K 343 42
                                    

Ilang araw na lang at uuwi na rin kami sa amin. Kasalukuyan akong nakaupo habang pinagmamasdan ang dagat.

Ang sarap sa pakiramdam, ipinikit ko ang aking mga mata.

"Caiden...Caiden...Caiden..." Nang malaman kong aalis sila patungo sa ibang bansa, dali-dali akong pumunta sa hacienda.

Nakita ko si Caiden katabi ang malalaking maleta. Tinawag ko siya pero hindi siya lumingon. "Akala ko ba hindi mo ako iiwan? A prince will never leave his princess right?"Hinawakan ko siya sa kamay pero tinabig niya ang aking kamay.

Hindi siya nagsasalita dahilan para makaramdam ako ng sakit at kalungkutan. "Caiden naman... Wag ka namang ganyan... Kausapin mo naman ako."Iyakin talaga ako kaya naman mabilis na bumagsak ang mga luha sa aking mga mata. Hindi ko na napigilan pa. Tumingin siya sa akin pero saglit lang.

"Caiden halika ka na." Tawag sa kanya ng isang kasambahay nila. Naglakad na siya paalis pero hinabol ko siya at niyakap mula sa likuran niya.

"Isa pang hakbang Caiden, wala ka nang babalikan pa." Sabi ko habang patuloy sa pagbagsak ang mga luha ko.

"Isa pang hakbang, wala na ang prinsesa mo." Hinawakan niya ang kamay ko na ngayo'y nakayakap sa kanya para tanggalin ang pagkakayakap ko sa kanya.

Natanggal ang pagkakayakap ko sa kanya at nagpatuloy na siya sa paglalakad. Hindi man lang niya nagawang lingunin ako pero tumigil siya sa tapat ng pintuan ng sasakyan nila.

Lumakad ako papalapit sa kanya at humarap siya sa akin.

"Wag mo akong iwan Caiden... Please..." Tiningnan ko ang mga mata niya. Ramdam kong nasasaktan siya pero bakit hindi man lang siya magsalita. "Pero kung hindi na kita mapipigilan pa, sagutin mo na lang ang tanong ko." Tumigil ako sandali para punasan ang mga luha sa mukha ko.

And Then He Came Back [Completed-2015]Where stories live. Discover now