"Maghilamos ka na sa restroom, Cassandra at huwag mo ng pansinin itong si Brix. Mas malakas ang tama nito sa utak dahil maaga siya ngayon"

"Ang sakit mo naman magsalita, Hanz. Nagbabagong buhay na nga tapos uusugin mo pa. Sige ka baka magdilang anghel ka at matuluyan nga akong masiraan"

"Matagal ka ng may deperensya."

Iniwan ko na silang nagbabangayan sa office namin. Nagpunta na ako sa restroom para mag-ayos. Pagkatingin ko sa salamin ay hindi nga nagbibiro si Brix sa sinabi niya.Namumula ang mga mata ko at nangingitim ang ilalim ng mga ito. Naghilamos na ako para mahimasmasan at maayos ang sarili ko.

Pagkabalik ko ay nasa kanya kanyang upuan na ang mga kasama ko. May limang table sa office namin at bawat isa sa amin ay may sariling table na ginagamit kapag nag tatrabaho kami.

Umupo na ako para masimulan na ang naiwan kong trabaho. Kailangan ko ng ipasa ang mga statements sa mga kasama ko para magawa na nila yung mga trabaho nila.

"Brix, natapos mo na yung sayo?"

"Oo...sandali lang ibibigay ko sayo para macheck mo kung tugma yung sa atin" inabot na niya yung mga files niya at kinuha ko ito.

"Cassandra balak naming lumabas ngayon. Pupunta kami sa malapit na bar mula rito. Gusto mong sumama?" Bar? Hindi naman ako umiinom.

"Hindi naman ako umiinom."

"Huwag kang mag-alala may mga juice naman silang inooffer kaya yun na lang ang sayo. Para makapagbonding naman tayong lima."

"Sumama ka na Cassandra o kakaladkarin ka namin ni Laurel para hindi ka na makaangal. Gusto mo yun? Puro ka na lang trabaho at kailangan mo rin ng pahinga." Nakalapit na pala sa amin si Kim. Kapag sinabi nito ang isang bagay ay gagawin niya.

"Kasama naman natin si Hanz. Tingnan mo siya sumama at alam naman natin na minsan lang yan sumama sa lakad natin." Kinukonsensya na naman ako ng mga to.

"Oo na basta walang iwanan kapag nasa bar tayo." Natatakot kasi akong pumasok sa mga bar dahil maraming lasing at baka mabastos ako. Uso pa naman ang hipuan doon o hindi naman ay hihilahin ka nila kahit hindi mo naman kilala.

"Deal. Kapag out natin deretso na tayo dun." Bumalik na rin sa upuan si Kim at pinagpatuloy ko na lang ang pagbabasa.

**************

Sumakay na kami ng taxi para makarating na sa sinasabing bar nila. Ilang minuto lang ang itinagal dahil malapit nga lang ito sa office namin. Pagkababa namin ay mapapansin mo na ang ibat ibang kulay ng ilaw sa entrance na nagmumula sa loob. Malaki itong bar at ngayon ko palang ito nakita.

May nakalagay na sign board sa itaas nito 'PARADEUX'. Pumasok na kami sa loob. Humanap kami ng table na kasya kaming magkakaibigan. Hindi naman mahirap makahanap dahil sa laki nito at kasya ang maraming tao.

"Hindi yata tayo bagay sa bar na to" kasi naman nakaoffice attire kami tapos ako naman ay mukhang napadaan lang. Mahabang palda na naman at long sleeve. Ito kasi ang office attire ko pero iba naman yung mga styles.

"Ano ka ba ok lang ang damit natin hindi naman tayo katulad ng mga tao rito na makikipagflirt." Sabi ni Laurel. Tiningnan ko naman yung suot niya. Nakacorporate attire at nakaskirt. Mas ok naman yung ayos niya.

"Order na tayo para makarami." Sabi ni Brix.

Nagorder na sila ng drinks nila. Hindi ko naman maintindihan yung mga sinabi nila at pineapple juice lang yung sa akin. Pinagmasdan ka na lang ang mga taong nagsasayawan sa dancefloor. Mga babaeng nakasuot ng maiiksing damit na halos kita na ang lahat na meron sila. Mga lalaking halos lasing na at nakikipagsayawan sa mga babae.

May nakikita nga akong nababastos na ng lalaki pero yung babae naman ok lang sa kanya.Grabe sila hinihipuan na sila pero hindi nagrereklamo. Hindi ko na makayanan ang mga nakikita ko.
Humarap ako sa mga kasama ko at napansin kong nakakailang shots na sila pero hindi pa sila lasing. Si Hanz naman ay nakakadalawang shots pa lang.

"Huwag kayong maglasing at walang mag-uuwi sa inyo."sita ko sa kanila. Hindi ko pa man din alam yung mga bahay nila.

"Ilang shots na lang at titigil na kami" Tipsy na sila Laurel at Kim. Si Brix naman ay hindi pa. Palibhasa kasi lalaki mataas ang tolerance niya sa alak.

Pinabayaan ko na lang sila. Wala naman akong magagawa kung gusto pa nilang uminom. Nakailang baso na rin ako ng pineapple juice dahil ito lang naman ang kaya kong inumin.

Kanina pa ako hindi mapakali dahil nararamdaman kong may nakatingin sa akin kanina pa. Mula sa pagpasok rito hanggang ngayon ay nandun pa rin yung feeling na may nagmamasid sa bawat galaw ko. Tumingin tingin ako sa paligid na nagbabakasakali na may makitang taong nakatingin sa gawi namin. Huminto ang tingin ko ng matanaw ang isang taong nakatingin sa gawi namin. Hindi ko maaninag yung mukha niya dahil paiba iba ang kulay ng ilaw pero ng tumama sa kanya ang ilang ilaw ay natigilan ako.

Bakit siya nandito?

_______________________________________

Sobrang saya ko na umabot ng 1k ang reads ko. Maraming salamat sa mga readers ko na nagbabasa ng story na to. Thank you....

Do vote, comment and follow me. :)

My So Strict Boss (Bachelor Series)Where stories live. Discover now