CS#24

5.8K 105 0
                                    

a/n:
yeah. yeah. yeah. I know the feeling na ang tagal nyong nag-antay ng update. At bakit nga ba ang tagal kong mag-update? Sorry busy lang talaga. May mga bagay na priority ko lang, kahit sobrang love ko ang pagsusulat, nahihirapan akong makakuha ng time to write.

So please, bear with me. Just be patient and always enjoy reading my story.

Promote ko lang yung first two stories ko, "Ceo's Wife" and "You are Good Enough" na under sa 'kaikaimywolf' account ko. Thankie!

Kamasahamnida. Sarang. <3

"eto na Keona, inumin mo na! Isang shot lang naman.. wag kang Kj!" sabi ni Kim sa akin habang inaalok sa akin ang isang shot glass na may laman na vokda.

Siguro nagtataka kayo kung baka ako inaalok ni Kim na uminom ng alak. Well, nandito kami sa isang bar, not a cheap bar to tell.. mga highclass naman yung mga tao dito.. marami nga kaming schoolmates na nandito eh.

At kung nagtataka din kayo kung bat kami nandito, actually... apat kami, si Mika, si Ara, si Kim at ako. Well nandito kami dahil brokenhearted si Ara! Brokenhearted sya dahil nalaman nya na ang ultimate crush and love of her life ay may Girlfriend na... ang malupit pa dun eh kapangalan pa nya! Tsk Kaloka.

"Oo nga Keona, uminom ka na," dagdag ni Ara... agad akong napaikot ng mata sa ere at tumulak ang kamay ni Kim na may hawak ng shot glass.

"Pakshit Ara. Matagal na tayong magkaibigan, at alam mo na hindi ako umiinom lalo na kung kayo ang kasama ko." sagot ko at sumipsip sa mango juice ko.

Bad memories. Bad memories. Ayoko nang maalala yun.

"Ui. Si Keona. Concern sa amin talaga. *hik*" sabi ni Mika na halatang lasing na.

"Baliw. Hindi ako concern sa inyo, concern ako sa buhay ko." sagot ko at padabog na sumandal sa upuan. "Gusto ko pang mabuhay at marami pa akong pangarap na tutuparin." dagdag ko.

Narinig ko ang pagtawa ni Kim dahilan para mapatingin kami sa kanya, "oo nga naman... papakasalan pa kaya ni Keona si Fafa Kiosh nya.. *hik*" sabi ni Kim na ngayon ay lasing na din.

Agad akong napasapo sa noo ko, Oh my gulay... lasing na yung dalawa... spell 'disaster' M-I-K-A and K-I-M. Bow.

Tumingin ako kay Ara at ayun mukha syang baliw na nakatulala sa shot glaaa nyang walang laman. "Ui Ara, di pa ba tayo uuwi? lasing na tong dalawa oh." saad ko, agad natuon sa akin ang mga mata ni Ara.

Shoot. Ito ang unang beses na tiningnan nya ako ng may lungkot sa mga mata. "Buti pa kayo ni Kiosh, pang-forever ang peg, samantalang ako, di pa nga nagle-level up sa friendship ang status namin, kailangan ko nang mag-move-on." sabi nya at agad natinungga yung bote ng alak na nasa harapan nya.

Packingtape Ara. Kung alam mo lang.

Agad kong inagaw kay Ara ang bote ng alak, "kaloka, di sagot ang alak sa pag momove on mo. kung sa Zark's na lang tayo nagpunta, edi sana parepareho tayong makaka-move on!" sermon ko sa kanya. Kaloka. Dahil sa kadramahan nya, yung sikmura ko tuloy ang hindi makamove-on.

"mga wafs. naiihi na ako. Anong gagawin ko?" tanong sa amin ni Kim. Adik lang dre?

"tsk.tsk.tsk." pailing iling pa si Ara, "Keona samahan mo muna si Kim mag cr, medyo nahihilo na rin kasi ako." utos sa akin ni Ara at nakapikit na sumandal sa upuan.

"Hanep naman talaga oh. Tsk" padabog akong tumayo at hinila si Kim para makatayo din ito. "Bully, bayaran mo na lahat ng nainom natin, para pagbalik namin, umuwi na tayo." sabi ko at kahit wala pa syang sagot e nagmartsa na kami paalis ni Kim sa table at nagpunta sa cr. Mabilis lang kaming nakarating dun dahil karamihan ng tao eh nasa dance floor at nagpapakawild. Tsk. Ayoko talaga sa lugar na to. Maingay. Mausok. Mabaho, I mean... amoy alak kasi kaya mabaho.

CEO's SON (Sweet Lies, Bitter Truth)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon