CS#22

5.9K 90 3
                                    

Author's short letter:

Hi! Well first of all... sorry kung ngayon lang ako nag update.. it just so happen na nag'fasting' ako dahil may mga bagay akong pinagpapray... and since internet and wattpad ang makakaubos ng oras ko, pinili ko na mag'fasting' sa pag iinternet and pagwawattpad . But, now dont worry! End na ng 21 days kong fasting. Back to wattpad-ing again. Sorry sa nga nainip (kung meron man) sa pag aantay ng update.

Second, I just want to say Thank sa mga nagvovote and nagbabasa (alam ko meron!) Salamat! It makes all my effort worthy. Kunng alam nyo lang kung ganon tumatalon ang puso ko pati na rin ang ngiti ko kapag may 2 or 3 na nagvote. It's amazing. Di naman kasi ako nag eexpect, pero alam ko ginawa ko dati... hehehe.. Nagsular lang talaga ako dito sa wattpad dahil gusto kong makabasa ng isang story na gustong gusto ko.. kaya lahat ng nasa utak ko, nilalagay ko dito.

Again. Sorry and Thank you lang naman talaga ang gusto kong sabihin, pero napahaba... hehehe!

Also, gusto ko rin palang makilala ang mga nagbabasa nito, so if you want me, just like how much I want to know you guys, just follow me sa twitter account ko.. message nyo lang ako kung gusto nyo talaga!

Again and again... Kamsahamnida. Sarang <3!

eto na ang update ko...

"Babala asawa ni.... Babalu!" pagkasabi nun ng kateam ko na si Kim ay napuno ng malakas ng tawanan ang buong locker room Feel na feel kasi ng bruha ang panggagaya kay Lola Nidora.

"Oi makatawag wagas Baka bumaho pa dito sa loob ng locker room. Mga babae'ng to!" naiinis na saway sa amin ni Felipe.

Pero parang wala kaming narinig at ito ako, patuloy lang sa pagtawa habang magiliw na nanonood sa mga kateam ko na parang baliw kakagaya sa Kalyeserye.

Ok lang naman sigurong magrelax ngayon, kakatapos lang kasi ng pamatay na training namin at eto kami may little drama sa locker room habang nag aayos para sa aming pag uwi.

"oi mga amazonang palaka. mauuna na ako sa inyo ha! kailangan kong kausapin yung prof. ng ibang medyo tagilid at may bagsak ang grade this sem. Bwisit kayong mga babaita'ng kayo. Naturingang student-athlete pero may mga pasaway! Hay kaloka!" maarteng sermon sa amin ni Felipe, with matching hand gesture pa. Pero epic fail yung last posing nya sa last part ng not-so-touching speech nya. Paano yung isang kamay nya nakasapo sa noo nya habang yung isa ay nasa bewang nya. Ahaha. Ang laki ng problema ni Bakla! Kawawa naman tuloy sya.

Nakita ko naman ang pagyakap ni Mika at Kim kay Felipe.. ooppss. Walang bagsak yung isa't kalahating babae na yun kay Felipe ha... sadyang ganyan lang talaga yung dalawang yan. Clingy masyado!

"Osya Tama na ang cuddle . Aalis na ako para makarami! Umuwi na kayo ha. Keona umuwi ka na din at bumili ng pagkain. Osya. I have to go. Adios " sabi ni Felipe at kahit wala pa kaming sagot at naglakad na to palabas ng locker room.

"kaloka.. ang bait bait talaga ni Felipe. The best student manager ever!" masayang sabi ni Dawn. Hehe. Alam na kung bakit

"gaga.." sabi ni Carol sabay batok kay Dawn. "Panong di magiging the best si Felipe, eh sya lang naman ang naging student manager natin." dagdag nito, na naging dahilan ng pagtawa namin.

Yeah. Right. Dapat kasi yearly nagpapalit ng student manager ang mga teams, pero as long as part ako ng team, sya ang student manager namin.

"oi mga bakla, halika na at mag uwian na tayo. May morning training pa tayo bukas. O sya labas na!" yaya sa amin ni Ara, syempre, wala nang umangal dahil Captain na namin ang nagsabi. Hehe.

CEO's SON (Sweet Lies, Bitter Truth)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon