CS#13

5.7K 122 3
                                    


"Bye Ara. Bye Mika." Paalam ko kay Mika at Ara.

Sa iba kasi yung way ko. Diba nga, ihahatid ako ni Timothy, pero kailangan ko pa syang puntahan sa lugar kung saan kami unang nagkita. Medyo scary pa nga dahil madilim nabat konti na lang ang mga taong nakikita ko. Mabuti na lang may mga poste ng ilaw dito.


Wait. Speaking of Kiosh, himala nga kasi pumayag sya ng hindi ako sumabay sa kanya pauwi.

Walang tanong tanong kung bakit. Hehe. Di ko nga rin sila nakita nung klase namin after lunch eh, silang lahat. Kaya tahimik ang buhay ko ngayon.

Si Felipe naman, pinauna ko nang umuwe, wala din kasi sa mood si bakla. Wala kasi si Ivan. Talandi talaga.

Tahimik kong nilalakad ang daan patungon sa tagpuan namin ni Timothy. Wow.

Tahimik ang paligid, lumilingon lingon pa ako sa paligid, baka kasi may sumusunod or baka may magtrip sa akin.


Malapit na ako sa lugar kung saan kami magkikita ni Timothy, pero biglang kumabog ang dibdib ko ng makarinig ako ng tunog na pagbagsak ng isang katawan, kaya naglakad ako ng tahimik para makita ko kung ano yun at para wala ding makakita sa akin.

Grabe ang kaba ko, feeling ko ako yatabang magiging witness sa kasongbto, kapag imimbestigahan. Oh wolly cow!

Nagtago ako sa likod ng isang bench malapit sa crime scene at dahil sa liwanag galing sa poste ay kitang kita ko ang pitong lalaking nakatayo habang masamang nakatitig sa lalaking halos nakadapa na sa damuhan, may bahid din ito ng dugo sa damit.

Oh my gulay! Halos lumuwa na ang mata ko dahil sa nasasaksihan ko ngayon.

Nilunok ko ang isang bagay na parang bumara sa lalamunan ko.

This is not happening.

How can this be?



"Tell us, what is your reason?" Narinig ko ng isang pamilyar na boses, ang boses ni Kuya Eon.


Gumalaw ang mata ko papunta sa lalaking nakapada sa harapan nila. Nakadapa lang to at hindi nagsasalita.

Halos dumugo ang ibabang bahagi ng labi ko ng bigla na lang sinaip ni Chammy ang kaawa awang lalaki.
"Sabihin mo, anong gusto nyo?" Sigaw ni Chammy.

Wait, pati si Chammy marunog magalit? This is the first time I saw him this hellish.

"Scaredy-cat." Nanunuyang sabi ng lalaking namimilipit habang nakahiga.

That voice. What the....

Naramdaman ko ang biglang pag init ng mata ko ng makita ko si Ivan na pilit pinatatayo ang kawawang lalaking binugbog nila.

Oh my.

Di ko na napigilan ang maluha ng makita ko ang lalaking ginawa nilang punching bag.

May dugong tumutulo sa kaliwang kilay nito, putok na labi at ang sugat na nasa kanang pisngin yan, na halos nakabuka na. Ano ba to?

"Tell us. What do you want?" Matigas na tanong ni Ivan dito.

Mula sa pwesto ko, nakita ko ang kakaibang pagngisi ng duguang lalaking hawak hawak ni Ivan sa kwelyo ng damit nito.

"Coward." Matapang na sagot nito, sabay dinuraan niya si Ivan ng dugo nya sa mukha.

Oh my.

Napahawak ako sa kaliwang dibdib ko dahil sa pagbilis ng tibok ng puso ko. Ano bang pumasok sa utak nya at ginawa nya yun?

"P*tang *na mo." Malakas na sigaw ni Ivan, sabay suntok sa lalaki, dahilan para mapahiga ito ulit sa sahig.

CEO's SON (Sweet Lies, Bitter Truth)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon