CS#7

9K 168 6
                                    


"Thank you sa paghatid." Sabi ko kay Kiosh at nauna na akong bumaba ng kotse niya.

Maglalakad na sana ako papasok ng building ng bigla niyang hinarang ang dadaanan ko.

"What?" Tanong ko dito.

"Wala lang" walang ganang sagot nito.

Agad na napataas ang kilay ko at sinamaan siya ng tingin. Pipigilan niya ang lakad ko tapos isang boring na 'wala lang' ang sagot niya. After kong sabihin na friends na kami, iinisin lang niya ako. Fratman talaga!

Inirapan ko siya at nagpatuloy sa paglalakad.

Pero muling naputol ang paglalakad ko ng hawakan ni Kiosh ang isang kamay ko.

Automatic na dumapo ang mata ko sa kamay namin ni Kiosh, bilang naging abnormal ang tibok ng puso ko.

"Did you miss me?" Nag angat ako ng tingin kay Kiosh, seryoso ang mukha nito habang ang mga mata niya ay nakatuon sa malayo.

Namiss ko ba sya? Alam ko sabi ko sa sarili ko na namiss ko sya, ang pang-iinis niya. Pero dapat ko pa bang sabihin iyon sa kanya?

"I guess your not. I'm so stupid to think that you are. Tsk." Sabi nito at lumakad paalis sa harapan ko.

Iniwan niya ako sa gitna ng parking lot habang tulala at pinag iisipan ang mga sinabi niya.

Mali ba ako na hindi ko sinagot yung tanong niya?

*****

"Pwede ba Nash. Wag kang makulit!" Saway ko kay Nash na bestfriend ni Kiosh. Nandito kasi kami ngayon sa isang kilalang coffee shop malapit sa tinitirahan naming condo unit.

Kasama ko ngayon ang legendary symphony soldier at si Felipe.

"Sige na Keona. Konti lang naman eh." Pagmamakaawa nito.

Sinamaan ko siya ng tingin at inilayo ang platitong naglalaman ng isang slice ng cake na binili ko. "Ayoko ko! Favorite ko to e. Bumili ka na lang!"

"Madamot!" Sigaw nito at tumayo, papunta siya sa counter. Bibili siguro sya.

Napatingin naman ang mata ko kay Kiosh. Tahimik lang syang nakaupo. Prenteng nakasandal sa inuupuan niya sofa habang ang isang braso nito ay nakapatong sa sandalan, yung isang kamay nito ay nakahawak sa cellphone niya at seryosong nakatuon ang mata niya sa hawak niyang cellphone.

Bakit kaya ganon siya makatitig sa cellphone niya... parang may inaantay siyang text oh tawag.

"Wag kang hihingin ah!" Narinig kong sabi ni Nash at inilapag ang isang buong cake sa lamesa at kinain iyon.

Napaikot ang mata ko sa ere at tahimik na nagdasal na nasa ay mabulunan ang lalaaking ito.

Puno ng iba't ibang gawain ang lamesa, kanya-kanyang kwentuhan.

Si Kiosh, kagaya kanina, abala sa pagtitig sa cellphone niya.

Si Nash, nilalantakan yung cake na binili niya.

Si Perry, busy din. Busy makipagharutan sa 'flavor of the day' niya. Tsk. Kawawang froglets! Lalandiin ngayon pero 'who you?' Kinabukasan.

Si Harry naman, ayon nagpapanis ng laway at busy sa paglalaro ng COC.

Si Kuya Eon naman iniimpluwensyahan ng makamundong pagnanasa si Chammy, base kasi sa naririnig kong may sinasabi si Kuya Eon na 'lick' and 'suck'. Ewan ko ba dito sa gurang na to... si Chammy pa ang napagkwentuhan ng makamundong bagay.

At yung taong sinama ko para sana may kakwentuhan ay abala sa pakikipaglandian kay Ivan. Bwisit. Sinama ko nga sya para may kausap pero si Ivan lang pala ang papansinin! Bakla ka!

CEO's SON (Sweet Lies, Bitter Truth)Where stories live. Discover now