CS#23

5.8K 105 1
                                    

"aachooooo" hep.. tunog yan ng malakas kong pagbahing, tapos napasandal na lang ako sa upuan ko. Nandito kami sa klase ngayon kung saan classmate ko si Kiosh, Nash and Kuya Eon.

"are you sure your ok?" tanong ng lalaking katabi ko.

Nag-angat ako ng tingin at nagtama ang mga mata namin. Naks. His eyes are full of concern. Kahit ang pagiging 'cold' and 'distant' image ang pinapakita nya sa ibang tao, pagdating sa akin... sya ang pinaka sweet na lalaki.He always make me smile sa mga simple gesture nya, everytime na susunduin nya ako para mahatid sa morning training namin, hanggang sa pagdadala nya ang breakfast ko na sya daw mismo ang nagluto, grabe.. he really knows how to get into my heart... and that is through my stomach! hehe.

He is such a caring and loving person. Sobrang layo ng pinapakita nyang personality sa akin, kumpara sa mga babaing akala mo e linta kung makadikit sa kanya. Feeling ko tuloy.. sobrang special ako and when he always does his sweet things.. feeling ko yung buhok ko mula batanes na hangang Jolo sa haba!

I even told him about what happen between me and Timothy, akala ko magagalit sya pero laking gulat ko ng hindi sya nagalit, ang sabi nya lang sa akin ay malaki ang tiwala nya sa akin. What, sobrang understanding nya no!

"Hey, Are you really ok?" napabalik ako sa realidad ng maramdaman kong may kumalabit sa balikat ko.

"Ok lang ako Kiosh." I said.

Naramdaman ko ang paglapat ng palad nya sa noo ko. "Shit. Your hot." narinig kong sabi nito.

Agad kong tinulak palayo yung palad nyang nakalapat sa noo ko, "of course Kiosh. I know I'm hot, that's why Boys are drooling over me when they sees me."

Pagkasabi ko nun e nakita ko kaagad ang pagkunoy ng noo ni Kiosh. "wow. super confident woman over here." sabi nito.

"why? I'm just stating the fact." balik sagot ko kay Kiosh.

"okey Bibe ko." biglang napaikot ang mga mata ko ng marinig ang huling sinabi nito. 'Bibe' you see... yan daw ang endearment namin. Yuck. Oh diba..isang leader ng frat magsasabi ng 'Beh'. Such a corny baby!

"don't attend your remaining classes and your training. You have Fever. Ihahatid kita mamaya after this class." narining kong sabi nito. Agad naman akong napasapo sa noo ko. Omona. May Fever nga ako! Akala ko sinat lang na epekto ng sipon, pero hindi pala!

Woohh! May langnat ako. May sakit ako. Ibig sabihin hindi ako abnormal! Yehet.

*****

"Kiosh, ayos na ako,pwede ka nang umuwi." sabi ko kay Kiosh pagkahiga ko.

After na klase namin, umuwi na ako. Si Felipe na alam ko dapat nag aalaga sa akin e, naiwan muna sa school. Aattend lang sya ng isang class namin para may idea kami sa exam namin sa finals. Next week kasi is hell week na... meaning 'finals' na!

"I will stay until Felipe is home." sabi nito habang nakaupo sa tabi ko. Inayos pa nito ang kumot ko pati na rin ang patch na nasa noo ko... mas effective daw to kesa sa basang bimpo.

"Ayos lang ako kahit mag isa. Bumalik ka na sa school para hindi ka malate sa next class mo." paalala ko dito.

"I'm already late Sola.  So dont worry. I got it covered.Tsaka I will not leave you alone here. Mas lalo lang akong mag aalala kapag mag isa ka dito." wah. Pwede ba akong kiligin? Feeling ko tuloy lalong tumaas yung lagnat ko. "Sinabi ko lang na mag aalala ako, nagba-blush ka kaagad. Tsk." dagdag nito.

Agad akong nakaramdam ng hiya kaya naitaklob ko ang kumot ko, "umalis ka na nga." sabi ko, pero imbis na magsalita sya, narinig ko lang ang pagtawa nya. Tsk. Nag aasar pa.

CEO's SON (Sweet Lies, Bitter Truth)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon