Chapter 1

5.2K 64 0
                                    

Like the rain that started falling from the sky, tears started to fall from my eyes. And I wondered why? Why won't it stop? Why can't I do anything to stop it? When will it be over?

I thought I'm over it. But here I am, still thinking about what happened. And I hate myself from doing so. I promised myself last night that that will be the last time that'll be crying for her. Pagod na pagod na yung mata ko, pati yung puso ko. I guess hindi na talaga ako makakamove on. I love her at hindi na siguro magbabago yun.

Sa sobrang pagdadrama ko dito, hindi ko namalayan na mag aalas tres na pala ng umaga. Maaga pa naman ang pasok ko mamaya. Patay na naman ako nito. Matutulog na nga ako. Good night world! Ay good morning na pala.. hehehe :)

*kring kring*

Wala pa yatang isang oras yung tulog ko, tumunog na yung alarm ko. Nakakainis naman. Huhuhu. Tumingin ako sa oras at 5:30am na pala.

"7am pa naman pasok ko, baka pwedeng humirit pa ng 30 mins na tulog" pinikit ko na ang mga mata ko at tuluyang nakatulog.

*kring kring*

"He-hello" sabi ko.

"Vic, kagigising mo lang? Galing ako sa classroom mo, di ka daw pumasok. Anong nangyari sayo? May sakit ka ba?" huh? Di pumasok? Eh 7am pa klase ko, last time I check 5:30 pa lang. Sino ba to?

Chineck ko ang phone ko at tinignan kung sino ang tumawag, si kim pala.

"Anong pinagsasabi mo wafs, ang aga aga pa. Bakit ka napatawag?" Sagot ko.

"Anong maaga pa? Alas nwebe na Vic, kagagaling ko lang sa room niyo. Pinuntahan kita kasi may usapan tayo na sasamahan mo ko." Kim

Tinignan ko ang oras at bigla akong napatayo.
"Waaaaaaah, bakit ngayon ka lang tumawag? Patay ako nito kay Sir..huhuhu Wait lang wafs, hintayin mo na lang ako sa school."

"Oh sige, sa canteen na lang kita hintayin. Puntahan ko na lang dun yung kambal. Bilisan mo" sabi ni Kim. Binaba na niya ang telepono. Tumakbo na ko sa banyo at naligo.

Sa school canteen.

Hinanap ko na si Kim at ang Kambal.

"Ang dami namang tao dito. Matawagan na nga lang sina Kim."

Kukunin ko na sana yung cellphone ko ng biglang may nahagip ang aking paningin. At dahil sa nakita ko, hindi ko namalayan na tumulo na pala ang aking mga luha.

One Last TimeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon