Chapter 11.

33.1K 930 175
                                    

Candice's POV.

"Mahal kong Jacob... Ang pangit pangit mo, ang sarap mong ihagis, pero iiyak ako. Mahal kita, pero ang sarap mong bugbugin... Oh Jacob, aking mahal!" Masarap ang tulog ni Jacob sa tabi ni Gemmae at Justinn. Hindi tuloy kami magkatabi. Nasa gitna kasi namin yung mga anak namin.

"Mahal mamaya kana manggising antok pa ako..." Aniya habang nakapikit padin.

"Sa umaga't sa gabi sa bawat minutong lumilipas, hindi kita hinahanap.. Hindi kita hinahanap.. Oh!" Kanta ko pang muli.

I checked the time and it's almost 5 am. Jusko. Bakit ang aga ko magising? Anong aura ba meron dito sa Pampanga at palaging ang aga ko magising?

Napagdesisyunan kong lumabas. Nagsuot ako ng leggings, sleeveless na itim at jacket na red. Sisikat palang ang araw pero madami ng gising.

"Chichay?" Nanliit ang mata ko nang makita 'ko si Chichay na madaming plastik na hawak.

"Candice! Hoy! Oh my god!" Lumapit siya sa akin at napayakap. "Kamusta ka na?"

"Okay naman! I'm pregnant... Ikaw? Ilan na anak mo? Kayo pa ba ni Joaquin?"

Naupo siya sa tabi 'ko, "Kami pa... Apat na anak namin."

"Wow! Nakakainggit! Dami mo ng anak! Sana ako din.." Palagi kong pinagdarasal na sana triplets ang lumabas.

"Candice bakit ganon? Kung kelan masaya na kayo, kung kelan okay na lahat, may dadating para sirain kayong muli?"  Malungkot na tinignan niya ako. "'Yong ex ni Joaquin, katrabaho niya ngayon. Candice natatakot ako. Nawawalan ako tiwala kay Joaquin at hindi ko alam kung bakit. Siguro dahil niloko niya na ako noon?"

"Kung walang trust, walang love. Ano ka ba, matuto kang magtiwala." I patted her back. "Nagkaroon ng mistress noon si Jacob, partida nagka-anak pa sila. Pero tinanggap at nagtiwala padin ako kay Jacob kahit sobrang sakit ng ginawa niya. Wala eh, mahal 'ko eh."

"Bakit nagtiwala ka ulit? Hindi ka ba natatakot? Na baka bumalik yung kabit at sirain kayo muli?"

"Natatakot... Kasi multo na siya. Hehe." I chuckled. "O kunwari hindi pa patay 'yong kabit niya at nagbalik siya. Kapag ginulo niya kami? Papatayin ko siya pagtapos kong manganak. Aba. Sapakan kami."

"Ang hirap Candice... First love kasi iyon ni Joaquin eh. Hindi niya naman ako papakasalan kung hindi niya ako nabuntis. Gets mo? Parang ano.. Napilitan lang siya sa'kin."

Napaisip tuloy ako. Si Jacob kaya? Binalikan niya ba ako dahil may anak kami? Oh my god. Ayokong maparanoid.

"'W-wag ka ngang mag overthink d'yan!" Naluluha na ako at hindi ko alam kung bakit. Takte. Parehas na parehas kami ng nararamdaman ni Chichay!

"Kasi kung mahal niya talaga ako, hindi niya ako lolokohin."

Kung mahal talaga ako ni Jacob... Hindi siya magkakaroon ng kabit. Hindi magbubunga yung pagsasama nila.

Then it hit me.

Hindi ako mahal ni Jacob. Binalikan niya lang ako para kay Justinn. Kasi kung mahal niya ako, walang Cheska at walang Gemmae na mabubuo.

"Osha. Alis na ako. God bless!" Nagbeso kami bago niya ako tuluyang iwan.

Hindi ko alam pero bigla biglang tumulo yung luha 'ko. Nagooverthink na naman ako. Iniistress ko na naman ang sarili 'ko. Hindi ko mapigilan! Alam kong bawal ako maistress dahil sa depression ko at dahil buntis ako ngayon but I can't help it! The past has a big impact on my future. Patuloy akong sinasaktan. Patuloy akong pinapahirapan.

"Mahal!" Lumapit sa akin si Jacob at tinabihan ako. Agad agad kong pinahid ang luha 'ko. "Teka, umiiyak ka ba?"

Umiling ako.

"Hala anong nangyari? M-may nagawa ba ako? Mahal please don't cry... Bawal 'yan sa'yo." Niyakap niya ako sa baywang 'ko.

"Jacob..." naiyak na naman ako. "Mahal mo ba ako?"

"Ano ba namang tanong 'yan?" He laughed.

"M-mukha ba akong natatawa! Ha!" Inis na sambit 'ko.

"Biro lang.." He kissed my head. "Candice kung hindi kita mahal, hindi kita hihintayin ng mahigit sampung taon. Kung hindi kita mahal, hindi ko kayo patitirahin ni Justinn sa bahay. At kung hindi kita mahal, wala ako ngayon sa tabi mo."

"E-eh bakit may Cheska? Bakit may anak kayo? Jacob bigla akong naguluhan..." Naiyak na naman ako. Shete! Sabing bawal ito sakin eh!

"Mahal please 'wag na natin ibalik yung nakaraan. What happened in the past, stays there. Lahat ng iyon ay bunga ng galit at pagkakamali. Please, let's get over it. At huwag ka na mastress, mahal 'ko." Siya na mismo ang nagpahid ng luha 'ko. "Babalik na tayo ng Manila mamaya. Magpapa-check up tayo. Nakausap ko na 'yong ob mo atsaka yung personal doctor mo."

Tumango ako. Pakiramdam ko mamamatay na ako, kasi 'yong stress ko walang lunas. I can't even drink anti depressants because it may affect my baby.

I'll die early. That's for sure.

Nang makabalik sa Manila ay wala padin ako sa mood. Dumiretso kami sa ob gyne.

"We still can't detect the baby. Come back after 3 weeks."

"Eh ano pong mga bitamina na kailangan ni Candice? Yung ano po yung... Pampakapit." Sinulyapan ako ni Jacob. Pakiramdam niya siguro makukunan na naman ako dahil sa stress 'ko.

"Uhm.." Napatingin sa akin yung ob 'ko. "I can recomend you—"

"N-no need! Kaya kong alagaan ang anak 'ko.. Kaya ko. Salamat nalang." Tumayo ako. "Jacob pumunta na tayo sa pd 'ko.."

Nauna akong lumabas. Sumasakit na naman ang ulo 'ko. Hindi ko talaga mapigilan na hindi madepress o kaya maistress. I guess that's because I had an post partum depression before.

"Candice ano bang problema mo?" Naguguluhang tanong ni Jacob sa akin at pinatigil ako sa paglalakad.

"Hindi ko alam..." Napasabunot ako sa buhok 'ko. "Hindi ko alam..."

Niyakap niya ako ng mahigpit, "Kasalanan ko ang lahat ng 'to. You won't overthink and stress yourself kung hindi ako nag-gago noon. Candice I'm sorry.. I'm very sorry I caused you this unbearable pain. I'm sorry kasi dahil sakin nagkaroon ka ng post partum depression. I'm sorry kung dahil sakin kinailangan mong magstay sa mental hospital ng ilang buwan.. I'm sorry our baby died. I'm sorry I forced you to make love with me. I'm very sorry.. Sana mapatawad mo pa ako. Pinapangako kong hindi ko na uulitin ang lahat ng pagkakamali ko noon.."

Naramdaman ko ang mga luha niya sa ulo 'ko. Sobrang nanlulumo ang puso 'ko. Sobrang nasasaktan ako.

Matagal ko ng napatawad si Jacob. Kahit noong hindi pa siya humihingi ng tawad ay napatawad ko na siya. Kaso nga lang ang hirap kalimutan ng lahat ng sakit na dinulot niya sa akin noon. My past is haunting me. Ayaw matahimik ng nakaraan. Ayaw akong maging masaya.

Sobrang kumirot ang ulo 'ko sa sakit. Napapikit ako ng mariin at nanahimik. Kapit lang Candice, 'hindi mo pwedeng ikamatay ang depression mo.

EternalTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon