Eternal 7

45.1K 1.5K 340
                                    

Eternal 7.



Jacob's POV.




After 3 weeks.



On the way na kami ngayon sa pictorial. Si Candice, hindi mapakali sa kakaselfie niya. Jusko po.



"Mahal, smile!" Sabi niya habang pa-iba iba ng pose. Hindi ko siya pinansin. Kasi nga nagd-drive ako. Baka pag nadisgrasya kami at may masamang mangyari kay Candice ay masiraan ako ng bait.



"Hoy! Ang KJ mo!" Pinalo niya pa ang braso ko.



"What? I'm driving."



"What? I'm driving." She mimicked me at nag make face. She's a brat. As always.



Nang makarating kami sa site, pinagbihis agad kami. Hiwalay pa kami ng dressing room, tch. Nagsuot ako ng suite tas inayos na nila 'yung buhok ko. Nakakabagot, kaya ayaw ko nito eh. Pero kung ikakasaya ni Candice, ayos lang. Lumabas na ako ng dressing room, kumuha ng ilang shots sa'kin yung photographer. Pero wala parin si Candice. Tagal naman talaga, oh



"Ready na! Ready na! Tapos na si Mrs. Anderson!" Sabi ng isang staff.



Sarap pakinggan ng Mrs. Anderson. Tsk! Kileg!



Pagkalabas niya ay agad akong napanganga. Hindi na siya blonde, bumalik sa pagka-dark brown ang buhok niya and she's wearing a damn classy white dress.



"What?" She smirked. "Inlove ka noh?"



"Hindi, ah." Nag-iwas ako ng tingin sakanya at mahina niya naman akong sinapak sa braso.



"Aray Candice!"



"OA ha!"



"Mamaya na harutan! Pictorial muna!" Sabi nung bading na photographer.



"Palibhasa walang lovelife." Masungit na sagot ni Candice at pumwesto na. Napailing nalang ako sa pagiging brat niya.



I won't change her. Nakilala ko siyang ganon, at mamahalin ko parin siya kahit ganon siya. Ew cheesy!

EternalTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon