Eternal 5.

49.4K 1.6K 534
                                    



Eternal 5.



Candice's POV.



Pumunta kami ni Jacob sa puntod ni Cheska kasama si Justinn.



"Who's Franceska, Pa?" Tanong ni Justinn. Eto na nga ba ang sinasabi ko! Napakagat si Jacob sa labi niya at napatingin sa akin. Shit!



"Jacob, iwan niyo muna ako." I whispered to him.



"Ah, nak. Gusto mo ng ice cream diba?"



"Yes papa!"



"May ice cream parlor 'don. Tara." At umalis silang mag-ama. Umupo ako sa damo at tinitigan ang lapida niya. Totoo nga, patay na nga siya. Siguro ay naghallucinate lang ako nung nakita ko siya.



"Ano? Minumulto mo ako? Pwede ba tantanan mo na ako ha? Mag move on kana okay na never na magiging kayo ni Jacob dahil wala ka na. Patay ka na!" Bulyaw. Mabuti ng sermonan para di magparamdam ulit.



"At hayaan mo na kaming maging masaya! Bitter ka kasi masaya na kami? Well, manigas ka dyan sa hell!" Tumayo ako at inapak-apakan ang lapida niya. Ayan, madumi na! Katulad ng kalooban niya. Madumi! Inayos ko ang dress ko at umalis na 'don. Sana naman ay manahimik na ang pesteng kaluluwa niya.



-



Pumunta ako sa ice cream parlor at nakita ang mag-ama kong nagpapaunahan umubos ng ice cream. Ang cute nila, at magkamukhang-magkamukha sila. Parang ayaw ko muna istorbohin sila, almost 10 years na hindi sila nagkita, dapat kilalanin nila ang isa't isa.



"Reyna beb!" Tinawag ako ni Jacob at inayang samahan sila. Ngumiti lang ako at tumabi kay Jacob.



"Uhm.... 'San tay pupunta after?" I asked.



"Justinn, san mo gusto?" Tanong ni Jacob sa anak niyang puro ice cream ang bibig.



"Ang dudungis niyo!" Natawa ako kasi they look super cute together. Kumuha ako ng tissue at pinunasan ang bibig at pisngi ni Jacob, nagnakaw siya ng isang halik kaya napatakip ng mata si Justinn.



"Get a room!" Natatawang sabi nito.

EternalTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon