Chapter 10.

39.6K 1.1K 272
                                    

Eternal 10.

Candice's POV

Tulog, kain, repeat. Yan lang ang ginagawa 'ko dito sa Pampanga. Siguro ganon talaga ako kapag nabubuntis, nagaala-snorlax. Tsk.

"Mahal, may pasalubong ako sayo." Masiglang sabi ni Jacob habang nakahiga ako sa kama. Hay! Nakakapagod kahit wala naman akong ginagawa!

"Ano?"

"Tadaaaa!"

Kumiskap ang ngiti ko nung makita kong may dalang mango bravo si Jacob. Badtrip kasi! Naiwan ko sa ref yung mango bravo eh!

"Wowwww! Halaaa! Thank you!" Pinaulanan ko siya ng halik. Ang swerte ko talaga sa kulangot na ito!

"You're always welcome, reyna beb." Hinalikan niya ang noo ko at niyakap ako. I feel so blessed having him here beside me.

Pero kahit anong gawin ko, hindi parin ako kumpleto. Hanggang ngayon iniisip ko pa din ang anak kong namayapa.

Kung sana ay hindi ako nagpadalos dalos.... Okay. I should stop stressing myself. Bawal yun.

"Nagkausap naba kayo ni Mama?"

"Di pa, eh. Jacob... ano pangalan ng mga anak natin?"

"Mga anak? Aba bakit ilan ba yan, sampu?"

"Tangeks! Malay mo kambal, triplets or swerte kung quadruplets... Diba?"

Natawa siya sa sinasabi ko. Aba! Bakit! Masama ba umasa na more than 1 'tong ilalabas ko? Hmp.

"Mahal, saka na tayo mag-decide kapag nalaman na natin ang gender."

Umirap ako sakanya pero pinagtawanan niya lang ako. Pinagbihis niya din ako dahil nagsisidatingan na ang ibang relatives nila. Reunion pala ito.

Nagsuot lang ako ng simpleng floral dress at naglagay ng flower crown. Diwata ang peg ko. Hehe. Ganda mo talaga Candice.

Nang mag tanghali ay nagkita na kami ni Mommy Karla at Daddy Rommel. Nakakamiss sila, 3 years ko din silang hindi nakita.

"Kathryn! I missed you!" Niyakap ako ni Daddy Rommel at ganon din si Mommy Karla. Hindi ko mahanap ang tamang timing para aminin sakanila ang tungkol kay Justinn.

"Hey Jacob! Kaninong anak ito? Sayo o sakin? Anderson ang lahi, eh!" Umakbay si Ate Roanna kay Justinn. Bumaling din sina Mommy At Daddy. Jusko po! Wrong timing!

Nagkatinginan kami ni Jacob. He sighed, lumapit sa akin at inakbayan ako. "Anak ko kay Candice, syempre. Kita mo naman yung balat parang kay Candice tas yung mukha ko sakin. Anak, pogi ka pala?" Hinarot ni Jacob si Justinn.

"Nagka-anak kayo?" Sumama ang timpla ni Mommy K. "He looks kinda old. Nagbunga pala noon, ah. Bakit hindi mo sinabi?" Seryosong saad niya. Lagot!

"Mommy, may aaminin po ako." I sighed. "Nag break po kami ni Jacob. Hindi po totoong long distance relationship kami noon. Iniwan ko po siya dahil sa isang maling akala. Hindi din po alam ni Jacob na may anak kami, nalaman niya lang po nung pagbalik ko sa Pilipinas..." Kinwento ko lahat ng nangyari over the past years. Excluding the thing between him and Cheska. Baka magkagulo kapag nalaman nila na may anak din si Jacob kay Cheska.

"And who's this?" Tinuro ni Daddy Rommel si Gemmae na buhat buhat ni Romi. Kinabahan ako sa pwedeng mangyari. No! Ayokong magalit sila kay Jacob!

"Dad-" pinutol ko agad ang sasabihin ni Jacob.

"Ah! A-anak po ni Cheska sa ibang lalaki. Kaso po namayapa na si Cheska kaya k-kay Jacob na si Gem ngayon. S-since si Jacob lang po ang kaibigan ni Ches..." I smiled.

EternalWhere stories live. Discover now