Eternal 8.

50.3K 1.4K 378
                                    

Eternal 8

Candice's POV

Nasa isang japanese restaurant kami ngayon. Naexplain na namin ni Jacob kay Justinn ang lahat and buti na lang ay tanggap niya si... Ermm... Gemmae.

Tuluyan na rin kaming lumipat sa bahay ni Jacob at bukas narin kami bibisita kina Mommy Karla and Daddy Rommel sa Pampanga. 'Don na daw sila for good. Tapos nagpatayo pa doon si Jacob ng iilang business para sa pamumuhay nilang dal'wa.

Nakatitig lang ako sa pagkain ko habang masaya silang kumakain.

Si Justinn, sinusubuan ang 'kapatid' niya na si Gemmae. Si Jacob busy din lumantakan ng favorite niyang sushi! At ako? Nadidiri ako sa pagkain. Half cooked silang lahat at baka isuka ko lang ito.

"Ikaw ang nagrequest dito, diba? Bat di ka kumakain?" Tanong ng pogi kong asawa.

"Kasi... Half cooked lang lahat. Feeling ko masusuka ako d'yan." Tinitignan ko palang ang mga pagkain ay nanlulumo na ako.

"Huh? Eh kanina lang crave na crave ka sa japanese foods. Tapos ngayon?"

"Wag mo na ako awayin! Kumain kana! Makakagtulong ba yang sermon mo na pakainin ako?!"

Naningkit ang mata niya sa semi-sigaw ko. Nakakairita, eh! Wag niya kaya akong pakelaman?

"What do you want?" He asked.

Di ko madescribe 'yong panlasa 'ko. Do i........ Am i..... KFC? Or home made food? Noodles? Pizza? Doughnut?

"It's not that easy...."

Naningkit lalo ang mata niya. Fuck! Gutom na gutom na ako! At di ko matansiya ang panlasa 'ko!

"Justinn, hurry up. 'Tong nanay mo pabebe na naman."

Natawa lang si Justinn and finished his meal pero sinusubuan niya parin si Gem. Really, Justinn?

Instead na pumasyal kami sa exhibit ng kabusiness ni Jacob ay umuwi kami. Dismayo ang kupad kong anak dahil gusto niyang matuto ng photography.... Kaya kami ang nagaaway ngayon.

"Marami pa'ng next time! Kung gusto mo ienroll kita sa isang school na puro picture!" Bulyaw 'ko.

"But i think his shots are amazing! Nakita ko sa magazine niya! And i let that flop! Mama naman, eh!"

"Hay nako! You could be an expert photographer without the help of that freaking exhibit! Kung gusto mo ay pati langaw ay picture-an mo!?"

"Ikaw kasi! Bat 'di ka kumain kanina sa japanese restaurant? The food was extremely delicious! Naghahanap ka pa ng pagkain na wala..."

"Eh i was craving for it, eh! Paki mo ba?"

"Hay nako Mama! You're just so pabebe!" Tumakbo siya pataas sa kwarto niya.

PABEBE?

Eh pinaluto ko lang naman si Jacob ng dinuguan, kaldereta, sinigang at menudo! Bat ba niya ako inaaway?! Huhuhuhu!

"'DI PA BA YAN TAPOS? TAGAL!" Tanong ko mula sa sala.

"DI PA! APAT TO KAYA MAGHINTAY KA!" Sigaw niya pabalik.

Napangiti na lang ako kasi mukha siyang eng eng. Naka apron. Pangit! Hahahaha!

-

"Kathryn tapos na!" Sigaw niya mula sa kusina.

Masigla akong pumunta sa kusina at niyakap siya. Pawis na pawis siya at halatang pagod na pagod.

"Alam mo bang nakakapagod?" Asar niyang sabi.

I shrugged, "Tangengot ka kasi. 'Di ka nagpatulong sa mga maid." Inirapan 'ko siya bago umupo at kumain.

"Wow. You're welcome, Senyora." Inirapan niya ako pero nag belat lang ako sakanya.

Ang sarap... Sarap sarap ni Jacob! Este... 'Yung niluto niya.

Nang mag gabihan ay nagluto ulit siya. Chicken curry at bacon ang nirequest 'ko. Bahala na ang sexy body, gutom ako, eh. Wala ng pakialamanan.

"Are you... Pregnant?" He asked.

Inisip 'ko na ilang buwan akong delayed. Tapos 'yong mga naramdam 'ko noong nagbubuntis ako kay Justinn.... Nararamdaman 'ko ngayon.

Pero ang bilis naman? Mahigit 1 month palang ako dito sa Pinas, ah.

"Feeling ko." Sabi ko at kumain ulit.

Hinawakan niya ang mga kamay ko, "Sana kambal."

"Mahirap ilabas 'yon!"

"Suus. Kaya mo 'yan. Kaw pa."

Hayy. Sana nga kambal. Sana nga din ay buntis ako.

"Pa check up tayo bukas ha?"

"Yeah. Sige na, hugasan mo na 'to."

Naningkit ang mga mata niya sa inasta 'ko. Nakakainis. Ewan 'ko ba, naiinis lang talaga ako.

I kinda want to sleep.

Kinda wanna walk.

Kinda wanna throw Jacob in the pasig river.

Kinda wanna slap Justinn.

Kinda lazy todo that things.

"Jacob! Lika dito..."

"Ano na namang iuutos mo?" Masungit na tanong niya.

"Pasampal ako. Please?" Kulang nalang magmaka-awa ako para pumayag siya.

"Ano ba naman 'yan?"

"Parang awa mo na... O kaya awayin mo ako para magalit ako. Sige na Jacob pagbigyan mo na ako.."

"What the fuck..."

Napapikit siya ng mariin. Lumapit siya sa'kin habang nakapikit.

"Dali, sampa--- Aray!!!!! Putek!!!!" Napalayo siya agad ng sampalin 'ko siya.

My gosh. Cute ng asawa ko. Sarap ibulsa!!!

"Bili ka nga ng cake 'don sa Conti's. Yung may mangga sa itaas." Biglang pumasok sa isip ko ang masarap na cake na iyon kaya nag crave ako agad.

"Alas nuwebe na ng gabi. Ipagpabukas mo na 'yan.."

Halos maiyak ako sa inis nang humiga siya sa kama at natulog.... HELP!!!!

___________________________________________

7 chapters left. 'Di ko na patatagalin 'to. :--)

New story: Story ng anak ni Candice and Jacob.

Clue: Rivalry

;----)

EternalTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon